Prologue

343 19 4
                                    

Maghahapon na at nakahiga palang ako, katabi ang basket na puno ng damit na aayusin. Ayaw ko pang tumayo o gumalaw dahil tinatamad ako.

Magkausap din kasi kami Lillian sa messenger, kinukwento niya kasi sakin yung face to face classes, mayroon pa kasing pandemya at unti unti na kaming bumabalik sa face to face classes.

ilang linggo na rin ang nakalipas ng magsimula ang face to face classes.

Kinukwento ni Lillian sakin yung poging may gusto daw sakin pero naisip ko, sino ba naman ang magkakagusto sakin, e hindi naman ako ganun kaganda at katalino tulad ng iba.

At tuwing magkikita kami ni Lillian sa school ay lagi kaming nagkukwentuhan tungkol kay Jess, crush ko.

Sabi ni Lillian ay mahilig daw ako sa bata at syempre hindi naman ako makailag dahil totoo naman iyon, si Jess ay grade 7 palang at ako ay grade 9 na pero naniniwala ako sa "age doesn't matter."

Pumasok din sa isip ko na, if age doesn't really matter, will it last forever?

:>

"Hi sis, nakita mo na siya?" Bungad ni Lillian sakin dahil nakasimangot akong pumunta sa meeting place namin, ang corridor. Magkapareho kasi kami ng building at magkatabi kami ng room kaya hindi na kami nahihirapan makichika sa isat isa.

"Hindi pa."

"Tsk. Nakita ko siya kanina, sis." Sabi niyang napatingin sa building na nasa harapan namin, building ni Jess.

"Kasama niya si grade 10-"

"Ako nalang kasi!" Medyo isinigaw ko para naman marinig ni Jess kahit alam ko namang malayo ang building niya at ang katotohanang hindi niya ako kilala. Ouch aray.

"Nagpapraktis sila kanina ng badminton sa gym, gagi ang yaman naka-yonex pa." Sinabi niya na parang may kaaway siya.

"Yonex? Ano yun?" At dahil hindi ako badminton player, hindi ko alam ang pinagsasasabi niya.

"Raketa yun, sis, mahal yun. Sabagay, mayaman kasi eh." Sinimangutan niya nalang ang hangin na humahampas sa mukha niya.

Badminton player kasi si Lillian, kasama niya minsan magpraktis si Jess, sinasabi ko kay Lian na gusto ko manood ng praktis nila tuwing biyernes pero wala akong oras kasi may sundo ako at bawal ako umuwi ng gabi.

Merong time na gusto ko muna magstay sa school kasi wala naman masiyadong gagawin na schoolworks, pero ayaw ko kasing isipin nila mama na ayaw kong umuwi dahil may gusto akong makita sa school which is totoo naman, pero ayaw ko talagang malaman nila.

"Ay sis! Alam mo na ba?" Biglang tanong ni Lian sakin, na para bang alam ko ang mga galawan na to, siya ay may... chismis!

"Hindi, hindi ko pa alam!" Dali dali ko namang sinabi dahil pakiramdam ko ay paparating na ang first period namin.

"Pangit daw ugali nung grade 10 na yun sabi ng mga kaibigan ko dun."

"Ha? Pano?"

"Parang binubully niya raw yung mga nasa lower section, sinasabihan niya raw ng bobo dahil mababa nakukuha nila." Halla chismis nga!

"We? Totoo?" Trust issues talaga, pati sa matagal ko ng kaibigan minsan di ko alam kung maniniwala ako.

"Oo nga, sis! Sabi ng mga kaibigan ko."

"Name drop, sis." Alam ko privacy is important pero pangalan lang naman ih.

"Bawal sis."

"Bakit? Please!" Pagpipilit ko sakaniya kahit alam ko namang consistent si Lian.

Mga dahilan kung bakit importante si Lian sakin:
1. Mabait siya, hindi siya nagagalit sakin kahit alam ko naman sa sarili ko naman minsan ay nakakairita na ako.

2. Hindi niya ako tinataboy. Kapag nagrarant ako sakaniya, hinahayaan niya lang ako hanggang sa matapos ako.

3. Sumasabay siya sa trip ko. Delikado man o hindi, sinusuportahan niya pa rin ako pero hindi niya nakakalimutang magbigay ng warning sakin.

4. Sa sobrang tagal namin magkaibigan, Kinder to Grade 9 and still counting, parang kapatid ko na siya sa puso dahil minsan hindi na ako nahihiya ipakita ang kabaliwan at emotions ko.

5. Naiintindihan niya ako. Hindi kasi lahat naiintindihan kasi dahil madali mag-iba ang mood ko, pero si Lillian, iniintindi niya ako at minsan parang naguguilty ako dahil ako nalang lagi ang iniintindi sa aming dalawa, kaya ginagawa ko lahat ng makakaya ko para ibalik ang mga magagandang ginawa niya sakin.

Marami pang iba pero ito ang nangingibabaw sa pagkakaibigan namin.

:>

"Ross, walang hiya ka! Bumalik ka rito!" Umalingawngaw ang boses ni Lian sa corridor, nag-aaway na naman ata sila ng kapatid niya.

"Ano nangyari doon?" Tanong kong natatawa dahil para silang aso't pusa, teka, mas malala pa sila doon dahil minsan ay sinasabi pa ni Ross na ililibing niya ang ate niya.

"Kinuha ba naman yung fudgee bar ko!" Yung mga mata niya, halatang galit pero para saakin cute naman, at wala na siyang magagawa doon.

"Gusto mo bilhan kita sa canteen? Papunta na rin akong canteen." Inaaya ko na naman siya kahit alam kong tatanggi siya, rason niya palagi ay hindi raw siya gutom, pero laging may fudgee bar sa bag niya.

"Hindi na, be, ikaw nalang." HALLA

"Hoy! Anong ako nalang?!" Patawa kong tinanong dahil maaasar ko na naman siya.

"Halla hindi! I mean, sayo nalang kasi busog na ako, be! Straight ako, sis, wag ka." Dinefend niya sarili niya at mayroon pang pa iling-iling ang ulo niya. Gulat siya eh! BWAHAHAHA.

"Kalma sis! Alam kong kay ano ka lang." Sabi ko sakaniya sabay ngumiti ng paasar.

"Ano." Wow seryoso daw pero sa loob-looban niya nagdadabog na yan.

"Hindi na nga siya, be. Nagcheat siya, okay?"

"Sinong engkanto naman ang nagcheat sayo? Yayakapin ko lang ng mahigpit sa leeg." G na g na sinabi ko. Walang pwedeng mang-away kay Lian, dapat ako lang.

"Oo tapos bugbugin ko pa yun eh!"

"Tapos suntukin!"

"Sipain!"

"Itulak sa hagdan!"

"Ihulog sa building!"

"Karatehin mo siya!"


:>

Month of LoveWhere stories live. Discover now