Uncontrollable

145 8 2
                                    




"Cong Kit!"

Napalingon naman si Kit kay Tricia.

"Ikaw na po ang mag-bigay nito kay Jillian. Tara na po sa condo"

Nagulat si Kit sa sinabi ni Tricia. Kanina lang akala nya ay hihilingin na ng magkakapatid na layuan nya si Leni. Kaya nabigla sya at hindi nya alam ang sasabihin.

Inabot nya ang regalo. "ahh..Sigurado ka?"

"Inaantay po kayo ni Mama. Sabay na po kami sayo kasi naglakad lang kami"

"Ah.. eh... oo naman, sakay na kayo ni Rocco at ng security mo" Sumakay na si Tricia at Rocco sa backseat samantalang nasa shotgun seat naman ang security nito.

Nakatayo pa din si Kit sa gilid ng sasakyan. Hindi pa rin makapaniwala. Hindi nya alam kung paano magrereact. Hindi nya mabasa si Tricia dahil kanina lang ay parang may hinanakit ito sa kanya.

Binaba ni Tricia ang window at sumilip "So, sino magdadrive, Cong?"

Napangiting napakamot nalang si Kit habang sumakay na sa sasakyan. Ito yata ang namana nilang magkakapatid kay Leni. Nakakagulat at unpredictable.





Atty L's POV

Nakapabihis na ako ng pambahay ng mapansin kong wala si Tricia

"Asaan si Tricia?"

"Nagwalk po sila ni Rocco, Ma" sagot naman ni Jillian

"Gabing gabi na ah, bakit ngayon pa nya naisip an?" Nagtinginan lang ang dalawang magkapatid.

Speaking of wala pa, Asan na kaya ang lalaking iyon? Akala ko ba kukuha lang ng regalo? Bat ang tagal nya? Hindi man lang nagupdate kung asan na sya? Napatigil sya. Teka nga, bakit parang ang demanding naman ata nya? Hindi naman sya girlfriend nito. "Gustuhin ko man"

"Huh?" Sabi ni Aika

"Huh?" Balik tanong niya

"Huhtdog?" Sabi naman ni Jill na ikinatawa ni Aika

"Bakit kayo tumatawa dyan?"

"Ano ba yung gusto mo ma? Sabi mo kasi gustuhin mo man" sabi ni Aika ng makabawi sa kakatawa

Nagulat sya na nasabi my pala yon out loud. "Wala. Ano, gustuhin ko sanang magdessert ng chocnut cheesecake naubusan naman"

"Ahh, Ma wag masyado sa chocnut. Sugar mo po"

"Yes po Ate Aiks. Sige na, contact mo na si Tricia at gabi na" Habang sya naman ay nag text na kay Kit kung asan na ito.

Lumipas ang sampong minuto ay wala pa din reply si Kit

"Anong sabi ni Tricia?"

"On the way na daw, Ma"

Tinignan nyang muli ang phone nya kung May reply na si Kit ngunit wala pa din. Hindi na sya mapakali, tinawagan na nya ito. Hindi ito sumasagot. Naiinis na sya na may halong pagaalala. Sinubukan nya ulit tawagan. Nakaka ilang ring na Hindi pa din sumasagot hanggang sa

"Hello Ma'am"

"Asan ka?" Medyo naiinis na sagot nya

"Malapit na po Ma'am"

"Bakit ang tagal mo? Akala ko ba may kukunin ka lang? Hindi ka man lang nag-update" Sunod sunod na tanong nito.

Nagka tinignan naman ang mag kapatid.
"Jowa yarn?" Mahinang comment ni Jillian. Sinenyasan naman ito ni Aika na tumahimik à baka mas lalong mainis ang nanay nila

Bigla namang bumukas ang pinto ng kabilang condo at pumasok si Tricia kasama si Rocco ka sunod nito si Kit

Nabigla man sya na magkasama ang dalawa ay nangingibabaw pa din ang kanyang inis. Nagkatinginan lang sila ni Kit. Napnkamot ito ng batok alam na nito na inis sya.

"Pakisabi kay Manang if prepared na yung table kain na tayo" sabi nalang nya sabay labas papunta sa kanilang balcony.

"Lens"  Narinig nyang tawag ni Kit. Hindi sya sumagot. Tumabi ito sa kanya.

"Sorry na" Hindi pa din sya sumagot. Naiinis siya hindi dito kundi sa nararamdaman nya. Madalas naman ay kalmado sya at nagiisip muna sa mga sitwasyon bago kumilos o magsalita pero pagdating sa lalaki ay hindi nya macontrol minsan ang nararamdaman nya. Hindi dapat ganito. Hindi pwedeng ganito. Pumapalya na!

"Nakita ko si Tricia kanina. Nag-usap muna kami bago pumunta dito kaya natagalan ako. Sorry na"

Tinignan ko lang sya. Huminga sya ng malalim. "Hindi lang ako naiinis. Nagaalala din kasi ako Kit. Hindi ka sumasagot or nag update"

"Sorry na, Lens. Hindi na po mauulit. Wag ka ng mainis. Ayokong inis ka sakin pagalis nyo." Hinawakan nya ang kamay ko habang nakatingin sakin. Hindi ko alam pero nanghawakan nya ang kamay ko, nakaramdam ako ng kalma.

"Baka hindi mo ako pasalubungan" biglang sabi nito na ikinatawa ko. Alam ko na sa oras na yun ay nawala na ang inis ko.

"Nakakainis! Tara na nga at pumasok na tayo. Naghihintay na ang pagkain" sagot ko nalang.

Magkahawak pa ang kamay nila ng pumasok. Hindi nila ito namalayan.

Napabitaw lang sila sa isa't isa ng mapansin nilang nakatingin sa kamay nila ang tatlo na nakaupo sa lamesa.

Si Aika ang unang nakabawi at nag-salita. "Uhmm, Kain na po tayo."

—————————————————————

Nakakadrain ang week na to. Another boring update. Ang hirap pala mag update using phone. Bawi next!

That WayWhere stories live. Discover now