Best Boy

168 7 2
                                    




Pasasalamat Event.

Kit's POV

Nakatitig lang ako sa kanya tulad ng lagi kong ginagawa. Bukod sa pagiging close-in nya at required na bantayan ko ang mga galaw nya at nakapaligid sa kanya, hanggang dito lang naman ang kaya kong magawa.

Friend, Best friend, Best boy, Best boy friend. Parang ganito nalang ata talaga ang role ko sa buhay nya simula pa noon. Kailan kaya magiging higit pa doon? Alam naman nya na may nararamdaman ako sa kanya na higit pa sa pag kakaibigan. Pagkatapos ng 2016 elections naipagtapat ko na sa kanya na gusto ko sana syang ligawan. Pero dahil sa sunod-sunod na fake news na binabato sa kanya, alam kong mas mahihirapan sya sa sitwasyon lalo na at kakatapos lang din mafinalize ang aking divorce.

"Cong Kit!" Nagulat ako ng sikuin ako ni Aica.

"Grabe naman ang titig kay madam, Cong!" tukso ni Rona

"Kayo talaga! syempre binabantayan ko. Alangan naman na pumikit ako" sagot ko naman sa kanila

"Sige, kunwari naniniwala kami" sagot ni Sab na ikinatawa naman nila. Napailing nalang ako sa mga sinasabi nila. Matagal na kaming magkakatrabaho at lalo pang naging malapit kami ngayong election dahil lagi kaming mag kakasama.

"Cong Kit, gusto lang naming sabihin na bulungan mo na si Madam na kailangan na natin bumalik sa HQ dahil kanina pa daw nag hihintay doon yung ibang donors at volunteers nung campaign." sabi ni Aica

"Kanina pa namin sinabihan si Madam kaso alam mo na naman na hanggang kaya nya eh kakamayan at pagbibigyan nya lahat ng supporters nya."-Yna

"At gutom na kami!" dagdag pa ni Rona

"Sige na, sige na. Ako na bahala. dalhin nyo na yung mga gamit nya sa van. Aica, samahan mo ako kasi baka may gusto pa mag picture habang pababa tayo. Alam mo naman."

Lumapit na ako sa kanya habang nakikipagusap at picture sya sa ibang artist na volunteer. Hinawakan ko ang likod nya para mapansin nya na may sasabihin ako.

"Lens, tayo na?" Tumingin sya sa akin na parang nagtataka na nabigla. Natawa naman sa tabi ko si Aica. Sabi pa nya "Smooth".

"Ah sabi ko tara na kasi...Tinatanong ko kung tayo na kasi anong oras na at nag aantay pa ang mga donors and volunteers sa HQ."

"Ah sige. Magpapaalam lang ako"

Habang nag papa-alam sya, si Aica naman ay hindi ako tigilan sa kaka tukso. "May pagchichismisan na naman kami mamaya" sabay tawa.

Pag-balik nya ay bumaba na kami ng stage at di nga nagkamali andami pa nag papicture bagi kami makarating kung saan kami nag park.

"San na ang mga bata?" Tanong nya habang pasakay ng van

"Nauna na sila Lens. Nagugutom na daw si Jill kasi anlayo daw ng nilakad nila kanina papasok dito sa Ateneo." Tumabi na din ako sa kanya dahil nasa harap ang kanyang mga VPSG.





Tahimik kaming bumabyahe ng bigla syang nagsalita.

"Pagod ka?"

"Hindi naman. Medyo nararamdaman ko na nga lang yung sakit ng katawan ko from campaign"

"Sabi ko naman kasi sayo na okay ng hindi mo ako bantayan kasi andyan naman yung VPSG. Sana nakapanood ka ng live ng pagkapanalo ng UP.

"Lens, alam mo naman na sabi ko sayo hindi kita iiwan kahit ano pa yung maging result. Isa pa, sasakit din paa ko kakatayo sa pila kung nanuod ako. Andami kayang tao."

"Signs of aging na yan Kit!"

"Wow! Maria Leonor, kaya pa kitang buhatin akala mo!"

Nagulat ako ng may umubo sa likod.

"uhrmmm. Lakas! Sana lakas din ng loob umamin" sabi ni Rona saka tumawa ang mga nasa likod na kasama namin

"Uy, tama na. Awat na ang pang aasar" sabi ni Lens at tumahimik na nga ang buong byahe.

Nagulat ako ng maramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Madilim ang sasakyan kaya walang ibang nakakakita.

Napatingin ako sa kanya bigla. Kahit madilim nakita kong ngitian nya ako. Ngiting sapat na para pawiin lahat ng pagod ko. Ngiting nagpabilis ng pintig ng puso ko.


I sighed. Hay Maria Leonor, binabaliw mo na naman ako.

That WayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora