SIX

41 4 0
                                    

Chantal's POV


Nginitian ko siya.

"Okay lang. Napagod lang sa mga quiz kanina. Pakiramdam ko matatanggal utak ko, my gosh!"

Umarte pa akong natumba pahiga sa couch at pumikit.

Nakakapagod naman kasi talaga. Psh!

Ilang sandali pa ay narinig ko ang malamig na boses nito.

"Sit down, Z. Drink this." Sabay abot ng isang basong tubig.

Lihim na napangiti naman ako habang umiinom.

May kasweetan pala itong si ate.

Maya-maya pa ay narinig ko itong tumikhim. Tila nabara ang lalamunan.

Napatingin ako at halos matawa nang umiwas ito ng tingin dahil nadapuan ng mga mata nito ang mga hita ko. Tumaas ang palda nang mahiga ako pabigla kaya lumantad ang mga hita ko.

Sus! Meron ka rin niyan!

"Sunod-sunod 'yung mga quiz namin kanina! May isa pa na umabot ng isang daan! Hindi na rin kami pumunta ng cafeteria noong break time at nilaan na lang ang oras sa pagre-review. Sinabihan kasi kami na may quiz. Madalas rin ang mga pasurprise quiz as if may utak kaming katulad ng kay Einstein." Dere-deretsong pagdadabog ko at may hand gestures pa.

The words are so awkward dahil tagalog pero nasabi ko pa rin. 

I want to take back everything i said.

Nakasimangot akong nakatingala sa kaniya habang nakataas lang naman ang kilay ng kausap ko at naka cross arms pa habang prenteng nakatayo sa tapat ko.

Hot ni ate.

"Mag advanced reading ka para hindi ka masyadong mahirapan. Kailangan mo maging matyaga dahil kung hindi, wala kang mapapala." Tila makahulugang sambit nito at bigla na lang ako hinila paupo.

Ang haba ng mga daliri.

Iyon talaga ang napansin ko, ano. Mahaba rin naman ang akin, mala kandila pa nga raw. Lagi rin akong napagkakamalan ng mga kaklase ko dati na tamad daw ako dahil dito. Medyo totoo.

"Get up and change your clothes. You're sweating."

Nakanguso akong nilampasan siya para pumunta sa kwarto.

Hindi nakalagpas sa mga magaganda kong mga mata ang pag irap nito.

Hindi ko na lang pinansin.

I chose to wear my silk pajamas at bumaba na to eat dinner.

Pinasadahan ko ng mga daliri ko ang sariling buhok para kahit papano ay masuklay ito. I forgot eh.

"Matheeel! Hi! What's our viand for tonight?" Magiliw na salubong ko kay Mathel na tila may hinahalo.

She didn't say anything. She didn't even glance at me!
 
Napapasimagot na nilapitan ko ito.
 
"Hey! Why are you ignoring me, huh?" Taas ang kilay na sabi ko but she ignored me again.

I'm pouting right now while waiting for her. Nakaupo ako sa high chair habang crossed arms na nakatingin lang sa kaniya.

As in hindi ko inalis ang tingin sa kaniya.

Nakakainis siya!

Nang matapos siya ay agad nitong inilapag sa lamesa ang pagkain. Hindi pa rin ako umimik at masama na ang tingin sa kaniya.

Why the hell is she ignoring me?! I don't remember doing anything to her that would make her angry!

Nakakainis!

Mathel Silvestre(GXG - ON-GOING) Where stories live. Discover now