Chapter 1

1.1K 27 4
                                    


" Putangina! Bumalik ka dito! Miya! Walang hiya kang gaga ka!" Sigaw ko dahil kinuha Niya yong bag ko at bigla nalang tumakbo

" Hoy letsing Miya! Ibalik mo bag ko isumbong talaga Kita Kay San Pedro!" Tumigil siya sa pag takbo at tumingin saakin. Sa akala ko ay ibabalik na niya ang bag ko ngunit tinapon Niya Ito sa likod ko.

" Oh ayan wag mo na ako isumbong ah? Binalik ko na" ngumisi pa Ito at ako naman ay kinuha yong bag ko

This is Miya rose lacson ang babaeng nag graduate sa grade 10 na walang laman yong utak kahit maganda pa ito. Mag best friend na talaga kami since grade 2 siya yong babaeng nakilala kong impakta na dumating sa buhay ko. Kahit makulit, maldita, malandi, matakaw sa pagkain, may pag kaarte. Pero deep inside ay may pag aalaga din Ito at mapagmahal. Hindi lang siya matakaw sa pagkain pero kinain na Niya lahat ng baon ko na Hindi naman Sakanya. Pag dating Ito sa lalaki ay nag uutimatikong itulak ka Niya Lang na parang bola. May kapatid din Ito Kaso Lang ay nandoon sa manila siya Naman ay dito sa Cebu. Hindi siya sumama sa pamilya niya dahil mag aaway Lang sila, sa ugali ni miya ay nagagalit sila. Hindi pa daw Ito mag mana yong ugali ni Miya sa pamilya niya

Kaya this year grade 11 na kami sa akala ninyo ay Hindi kami mahihirapan? Ang hirap dahil papunta na kami sa exciting part.

" Saan ba si Sean? Ang gago Hindi Niya pa binayadan yong utang Niya saakin ah tinakasan Niya Lang ako" parinig ni Miya saakin. Alam kong ano ginagawa niya sa sinasabi niya. Nag paparinig siya para isabi ko Kay Sean para ibayad utang niya

" Kong ako sayo puntahan mo na yon wag kang tanga na puro ka Sabi Sabi diyan" sinampal Niya Lang yong braso ko at kinuha yong lipstick niya

Yan nanaman siya gagawin niya namang Pula bibig Niya. Wala naman mag kagusto sakanya

"Tingin tingin mo diyan? Inggit ka dahil Wala kang lipstick? Asa kang ipahiram ko pa Ito sayo"

" Sinabi ko bang hihiramin ko yang lipstick mo? Saksak mo na nga Yan sa baga mo" umupo ako sa tabing dagat at linagay yong bag ko na marumi na

" Puta yan ba tinuro ng nanay mo? Ang bastos mo mag Sabi ah" umupo din Ito sa tabi ko at linagay din Niya ang bag Niya sa tabi niya. Oh diba sunod sunod Lang

" Yan din ba turo ng nanay mo? Magmura sa kaibigan na nanahimik??" Balik ko din. Ngumoso pa Ito at sinamaan ako ng tingin

" Alam mo Miya kahit ikaw pa yong matanda saakin, mag respesto ka nga din. Nerespeto nga Kita eh"

" Alam mo zaimaya kahit ikaw pa yong bunso. Respetohin mo nga din yong mas matanda sayo" puta inaasar Niya ba ako? Kong ano yong sinabi ko binabalik niya

" Tumahimik ka nga nalang diyan Kong ano yong sinabi ko binabalik mo"

" Ay? Hoy ikaw yong balik na balik" at kailan Lang ako balik na balik? Parang tanga Naman to minsan kausapin

Umiling nalang ako at nilaro yong tubig. Nakakamis din pala minsan pumunta sa dagat kasama yong kaibigan mong Hindi ka hahayaan

" Alam mo ba zai..... Na miss ko yong pamilya ko" tinignan ko siya at binalik yong tingin sa dagat

" Edi puntahan mo, bakit sakin mo pa yan sinabi" Alam kong tinignan Niya din ako at narinig ko pang bumugtong huminga sya

" Ayaw ko.. ayaw kong makita silang galit saakin. Ayaw Kong bumalik sa manila na nanatili pa din silang galit saakin pati din yong kapatid ko. Gusto ko din silang makita kahit sandali lang. Pero Hindi ko magawa dahil Alam kong sisigawan Lang nila ako pag nakita nila ako. Alam kong papalayasin agad nila ako pag nakita nila akong padating sa bahay nila" ngumiti ako na may halong lungkot. Naramdam ko yong lungkot na nasa puso niya at bigat sa pakiramdam Niya na Gusto Niya talaga makita pamilya niya.

Chasing Hearts Where stories live. Discover now