"Naughty girl." Napakurap ako nang may pumitik sa ilong ko. Galing sa daliri ni Colosas habang nakangisi siyang nakatunghay sa akin. Ngayon ko lang din napansin na nakatitig pala ako sa kaniya 'doon' kaya agad akong napaiwas ng tingin at namula sa hiya.

Narinig ko ang mahinang halakhak ni Colosas bago siya pumuwesto at agad dumaiti sa 'akin' ang 'kaniya'.

"C-colosas...."

"Raquel.... Sweetie!" Magkapanabay naming sambit habang unti-unti siyang umuulos sa akin. Hinuli niya ang labi ko at hinalikan kasabay nun ang tuluyang pag-isa ng aming katawan. Lalo akong napaungol sa kiliti at kakaibang pakiramdam.

Napuno ng ungol ang loob ng garahe habang nag-iisa ang katawan na'min ni Colosas. Mas nagiging mapusok pa siya sa tuwing inaangkin ako at para bang wala itong kapaguran. Habang ako ito ay malapit nang mahina pero dinadala ako ng lakas ni Colosas.

Hindi nga din na'min alintana ang pawis sa aming mga katawan. Medyo nabahidan na din ng konting grasa ang mga katawan na'min pero wala lang iyon sa mapusok na si Colosas.

_*_*_*_*_

"Huwag ka ng tumulong, Hija. Kaya ko naman mag-isa dito. Nasaan nga pala si senyorito?" Pagpigil sa akin ni Nanay Cathy sa akma kong paghihiwa ng mga rekado. Namula naman ako pagkabanggit niya sa pangalan ni Colosas. Naalala ko naman ang nangyari kanina lang.

"N-nasa garahe pa po at tinatapos ang pagmemekaniko ng kaniyang kotse." Mahina kong sambit habang ako na ang nagtapos ng paghihiwa kahit hindi siya pumayag.

"Masipag na bata talagang iyan si senyorito Colosas. Kahit noong bata pa siya ay mahilig na 'yan magmekaniko ng mga gamit, lalo na ang mga laruang kotse. Proud na proud nga noon sila Toto Connor kapag naayos nito ang mga gamit." Nakangiting pagmamalaki ni Nanay Cathy habang gumigisa siya nang matapos kong mahiwa ang mga rekado. Pakbet ang lulutuin niya.

Napangiti din ako at saka tumango-tango bago naupo dito sa bangko. Napalumbaba ako at feeling proud pa 'yong ngiti para kay Colosas.

"Magaling sa lahat ng bagay at saka matulungin din na tao." Dagdag ko na agad naman sinang-ayunan ni Nanay Cathy, nakangiti siya ng bukal.

"At isa na ako doon sa mga taong tinulungan niya ng malaki. Nakapag-aral at tapos ang pito kong mga anak sa kanilang kurso at ngayon ay may maganda ng trabaho. Habang buhay ko iyon pasasalamatan sa kaniya. Kaya kahit ilang beses na niya akong sinabihan na magretire na sa trabaho ko ay hindi niya mapilit kase gusto ko siyang paglingkuran sa kaya ko." Mahaba-habang sabi ni Nay Cathy at pansin ko pa ang pamumula ng mga mata niya sa nagbabadyang luha. Umiwas din siya at binalingan ang niluluto niya. Nagpipigil siya ng luha.

Alam ko na matulungin ang pamilya Hunstman. Maganda ang pagpapalaki nila Tita Carolina at Tito Connor sa mga anak nila at hindi tinuruan na magdamot sa anumang biyaya na mayroon sila. Kaya tumatak iyon sa isipan ng mga anak nila. Kahit hindi ko man nakita ang ibang mga kapatid ni Colosas ay alam ko na matulungin din sila sa kapwa nila.

Ika nga ay 'share your blessings to others.' Kahit nga ang iba ay kapos din sa pera ay nagbibigay pa din, kase  mas malaki pa ang kapalit nun mula sa Itaas. Doble-doble pa nga.

"Sobrang laki din po ang naitulong sa akin ni Colosas—ni senyorito...." Nakangiti na nilingon naman ako ni Nanay Cathy. Binalik niya ang takip ng kaldero bago lumapit sa lamesa. Naupo siya at saka tinulungan ako sa mga malunggay na huling ilalagay.

"Huwag ka ng mahiya sa akin, Hija. Napapansin ko naman ang tinginan niyong dalawa ni senyorito. Alam ko na may namamagitan sa inyo." Magaan niyang sabi at maaliwalas pa din ang mukha niya. Napakurap ako at nahihiya pa din na yumuko. Hindi ko alam na napapansin niya iyon.

Nung dumating kase si Colosas ay panay na ang titig sa akin. Ilang beses ko na nga siyang sinuway pero hindi ko maawat at panay pa din ang titig.
Kung nakakatunaw nga lang ang mga mata niya ay matagal na 'ko natunaw.

"Ah—"

"Nay! Luto na ba ang tanghalian?" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang nangibabaw ang malalim niyang boses sa loob ng kusina. Pareho kaming napatingin ni Nanay Cathy sa may pinto.

Pawisan ang buo niyang katawan at mas lalo ang sa kaniyang noo at leeg na medyo tumutulo pa. Ang itim niyang sando at short ay may bahid ng grasa at ganun din sa braso at noo niya, pero nangingibabaw pa din ang kagwapuhan niyang taglay.

Hindi sinasadyang napalunok pa ako nang dumako ang tingin niya sa akin at biglang ngumisi. Bigla na lang din uminit ang mukha ko at katawan sa kakaiba niyang pagngisi. Parang may naglulumikot doon sa isip nito.

"Malapit na itong maluto, Hijo." Napakurap lang ako sa sagot ni Nanay.  Kaya mabilis kong naiwas ang tingin ko sa pagkailang sa mga mata niya.

"Sakto sa timing, maliligo po muna ako—Sweetie, gusto mong sumama?" Napaubo ako ng hindi sinasadya dahil nagulat ako sa biglang pagsabi niya nun.

"H-hindi!" Naisagot ko din sa pagkataranta ko. Kasabay din nun ang mahinang tawa nila ni Nanay Cathy,  mas lalo akong namula sa hiya.

Kagabi at kanina ay may nangyari na naman sa amin ni Colosas ng hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos. Hay.

Bakit ba kase napakapilyo ng Mekaniko na ito?...

***
© 2022 MAYAMBAY

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now