Epilogue

453 28 9
                                    


Seventeen months later...


Narito ako ngayon sa labas ng bahay, karga-karga ko ang baby girl ko. Oo, hindi ko tinuloy ang pagpapalaglag sa kaniya. Dahil na-realise ko na hindi rin ako pinalaglag ng tunay kong mga magulang sa halip ay iniwanan lang ako. Pero hindi naman sumama ang loob ko sa kanila. Naging masaya naman ako, masaya na minsan sa buhay ko ay nakahanap ako ng pangalawang pamilya. Pangatlong pamilya pala. Hinehele ko na lamang siya nang makatulog na. Ang hirap patulugin kasi, hindi ko naman pinaglihi ito sa kape pero ang hirap talaga niyang patulugin.

"Baby, tulog na. Sige na, please." Tahimik lang siyang nakatitig sa akin. Napangiti naman ako roon kasi, kakulay ng ama niya ang balat nito. Pati iyong buhok pero ang mata at bibig ay sa akin. Buti na lang meron pa siyang nakuha sa 'kin.

Sa hinaba-haba nga naman ng panahong lumipas ay maayos naman ang panganganak ko sa kaniya. Although na kinakabahan ako no'n kasi alam ko na masakit ang manganak eh. Pero nakaya ko naman siyang pinanganak. At si Jess ang tumulong sa akin para makahanap ng magpapanganak sa baby ko. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kalangitan. Napangiti na lamang ako at napatingin sa mga ibon na lumilipad. Tila nakamit nila ang kanilang kalayaan. Ako nakamit ko na rin naging mabuti na muli sa akin si Jeff na tinuturing kong Papa Monster. Mas lalong naging close kami ni Masky eh dati lang ay inis na inis ako sa kaniya. Pero ngayon iba na. Nagbago na ang buhay ko, isa na akong ina. Pero kahit gano'n ay mamahalin ko na ang bagong pamilya ko at hindi ko hahayaan na maging katulad sila sa akin.

"Tulog ka na baby, please. Sige ka, iiyak si Mommy. Iiyakan talaga kita 'pag 'di ka matutulog." Tinitigan niya na lamang ako at biglang ngumisi. Ang kulit nga namang batang 'to!

"Iiyak talaga ako."

"Huwag kang umiyak." Napatigil ako roon at dahan-dahan akong lumingon. Tiningnan ko na lamang siya at ngumiti. Kahit hanggang ngayon naman ay pekeng mukha niya pa rin ang pinapakita sa akin. At heto naman si baby Jacey ay sabik na sabik sa kaniyang ama.

"Halika, baby. Papatulugin ka na ni Daddy." Napakagat na lamang ako ng labi habang tinititigan ko ang mag-ama. Minsan nakakainggit kasi sa kaniya lang nakakatulog ng mahimbing si baby Jacey. Ewan ko nga ba, parang siya pa ang nanganak kay Jacey. Kahit gano'n i-t-treasure ko ang kayamanan na meron ako. Ang bagong pamilya ko.

Bigla ko na lamang napansin na nakatingin pala si Jack sa 'kin. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay. "Bakit?"

"Inggit na naman ang mahal ko." Nilapitan niya ako at hinalikan ako sa noo. Agad ko naalala ang nangyaring pagbubugbog sa kaniya ni Kuya Jeremy. Buti na nga lang at nabuhay siya at nagpapasalamat ako na buhay siya. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko 'pag mawala siya. Mahal na mahal ko talaga itong Eyeless Jack na 'to, sobra.

"Oh my gosh! Ang sweet talaga!" Nagulat naman ako nang sumulpot si Jess mula sa likuran ko. Agad niya naman ako niyakap at biglang umimik si Jack.

"Jessica, get off of her, please." Inirapan naman ni Jess si Jack at hinawakan niya na lamang ako sa balikat. "Grabe itong lifetime partner mo, pati babae, naku!"

"Hayaan mo na siya." Agad naman akong tumingin kay Jack na karga-karga si Jacey. Iba talaga siya, tulog na agad si Jacey sa kaniya. Ano ang meron sa kaniya? May sleeping pills siguro siyang dala, 'no? Hmm.

Umupo naman kami ni Jess sa upuan at nagtimpla ako ng juice. Marami siyang kinuwento sa 'kin tungkol sa school. Medyo nalungkot naman ako ng bahagya kasi nakakamiss din ang mag-aral. Pero okay na 'to. Okay na ako sa magiging simula ng buhay ko. Okay na ako na masaya na ako ngayon. At higit sa lahat, naka-move on na ako sa nakaraan ko. Hindi ko lang maipaliwanag na sobra talaga ako nagpapasalamat sa panginoon. Sa mga blessings na binigay sa 'kin, isa na riyan ang anak namin ni Jack at siyempre, si Jack din.

"Carolyn, ikaw na talaga! Ikaw na! Kita mo, ang sweet ng kidney eater na iyon? At hindi ako makapaniwala na siya pa ang magiging lifetime partner mo! Saka overprotective pa! Ikaw na yata ang pinakasuwerte na babae sa mundo." Tinapik ko naman siya habang ininom ko ang juice ko.

"Grabe ka naman. Lahat naman tayo suwerte. Siguro, hindi pa dumadating ang tao na para sa 'yo, bestie. At nga pala, sorry dati na nagsinungaling ako sa 'yo. Na hindi ko sinabi sa 'yo na may nangyari sa amin ni Jack."

"Ano ka ba, alam ko na iyon noon!" Biglang nanlaki naman ang mata ko at nakita ko siyang tumingin sa gawi ni Jack. Binaling niya naman ulit ang tingin sa 'kin sabay inom ng juice.

"Alam mo, matapos may nangyari sa inyo ay papunta na ako sa condo, actually. Nagpahatid ako pero hindi mismo sa tapat ng condo. Sa kanto lang kaya nilakad ko. 'Tapos nakasalubong ko si Jack at tingin ko, kilala niya yata ako kaya sinabihan niya ako na bantayan daw kita. Kaya ayun, doon ako natulog sa sofa buong magdamag." Napanganga na lamang ako sa paliwanag ni Jess. Tumingin naman ako kay Jack na sakto ay nakatingin din sa akin. Nakangiti pa ang loko! Akalain ko iyon?!

Huminga na lamang ako ng malalim. Tumawa naman si Jess dahil siguro sa gulat kong reaksiyon. Paano kasi, akala ko kami lang ni Jack ang nakakaalam no'n. Pero hayaan ko na nga iyon, nabuo na namin si Jacey eh. Agad naman nagsuot si Jess ng shades at sinipsip ang juice ng mahinhin style. Nangunot na lamang ang noo ko sa babaeng ito.

"Carol," napalingon naman ako sa boses na iyon. Si Masky and friends lang pala. Teka, napatingin muli ako kay Jess na siyang tinanggal muli ang shades ng dahan-dahan. Aba eh, parang may sira itong babaeng 'to. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay. Pero binaling ko muli ang tingin ko kay Masky.

"Oh, naparito ka?" Nakangiting turan ko sa kaniya sabay lingon kay Jess na umiwas ng tingin. Hmm... I smell something fishy.

"Kumustahin lang kita." Tiningnan ko lang siya sa diretso sa kaniyang mga mata. Meron pa ring lungkot na pinapabatid ang kaniyang mga mata. Alam kong may gusto pa rin sa 'kin si Masky pero pinakiusapan ko na siya na hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya at isa pa, mahal ko siya bilang kaibigan lamang. At doon na lamang nagtatapos iyon. Agad niya akong tinapik sa balikat at tumalikod na silang tatlo.

Sinundan ko na lamang ng tingin si Masky. At sana hinihiling ko na maka-move on na siya sa kaniyang feelings para sa 'kin. Umupo ako muli ngunit nagpaalam na si Jess sa akin na uuwi na raw siya. Pumayag naman ako at pumasok na ako sa loob.

Buhay ko, parang isang zip line full of adventures. Marami akong napagdaanan na iba't ibang insidente. Well, siguro hanggang doon na lang iyon.

"Carol," napalingon ako kay Jack.

"Hmm?"

"You want another Jacey? But this time, I want boy." Hinampas ko naman siya sa dibdib at ngumisi naman siya. Grabe rin ito, pero siya lang ang lalaking nagpakilig sa akin ng sobra-sobra. Pumasok na kami sa loob ng bahay habang nakahawak siya sa baywang ko. Tiningnan namin ang anak namin na mahimbing na natutulog. Bumuntong hininga ako at sakto sabay pa kaming tumingin sa isa't isa. Doon ay ginawaran niya ako ng halik.

"Mahal na mahal kita, Carol."

"Mahal na mahal na mahal na mahal kita, Eyeless Jack."

 -The End-

Unchained Story (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum