Episode 2 - SUPPLIES

Start from the beginning
                                    

Maayos na nakaupo sa kanilang classroom ang klase na kinabibilangan ni Ximena. Mataman silang naghihintay sa pagpasok ng kanilang adviser.

"Okay, class, get a one whole sheet of paper. May quiz tayo ngayon."

Ang instruction na iyon ay agad na lumikha ng ingay sa buong silid ng 10-Pearl. Ang mga batang may edad na labing-apat hanggang labing-pito ay nagmamadaling nagbukas ng kanilang bag. Kilala si Ma'm Santos na strikto kaya wala ni isa sa kanila ang gustong mapagalitan.

"Number 1, anong uri ng kwento ang..." Napahinto saglit si Ma'm Santos. "Ano ba iyang pinagkakaguluhan n'yo d'yan sa likod ha!"

Natahimik ang lahat. Nagulat sa biglaang pagsigaw ni Ma'm Santos. Pwede mo ngang marinig ang nakabibinging pagbagsak ng piso sa sahig, ganoong klaseng katahimikan.

"Okay, uulitin ko, anong uri ng...?"

Pak! Pak! Pak!

Sunud-sunod na paghampas ni Ma'm Santos sa blackboard ang muling nagpatahimik sa paligid. Umupo ito at nakipagtitigan lamang sa mga batang mga nakayuko na sa kaba at takot.

"Ano ang problema natin?" malumanay ngunit mariing tanong ni Ma'm Santos. Ang hawak na ruler ay nakaumang sa mga batang nakita n'yang nagbubulungan.

"Ma'm, nawawala po ballpen ko. Parker po kasi iyon. Hiniram ko lang sa tatay ko," ika ni Aris.

"A-ako rin po, nawawala ballpen ko," malungkot na turan ni Maky.

"Pwede po ba ang red ballpen, Ma'm?" tanong naman ni Bea.

"Bakit naman red? Hindi pwede!" sagot ni Ma'm Santos.

"K-kasi po nawala rin po ang black ballpen ko. A-andito lang po iyon kanina," pagpapaliwanag ni Bea.

"Nakuuu! Ang dami ninyong mga rason! Gumagawa lang ata kayo ng alibi para hindi makapag-exam," naiinis ng wika ni Ma'm Santos.

"Hindi po, Ma'm! Nawawala po talaga. Hiram ko lang nga po sa tatay ko. Malalagot po ako kung hindi ko maibalik," paliwanag ni Aris.

"Ako rin po, Ma'm. Andito lang po iyon sa table ko kanina, e," sagot ni Maky

"Nagsasabi rin po ako ng totoo," Bea replied.

"Sinong may extra ballpen? Pahiramin na lang muna ang mga iyan at makapag-exam na tayo."

Mayamaya ay natahimik na ang dalawang bata maliban kay Aris na nawalan ng Parker pen.

"Ma'm, tulungan mo naman po ako. Kailangan ko po maibalik kay tatay yung Parker pen. Sige na po, Ma'm," pagmamakaawa ni Aris.

Nangunot ang noo ni Ma'm Santos sa pag-iisip.

Tatlong bata ang magkakasunod na nagtaas ng kamay at nagsalita. Magkakaiba ang mga ito ng row kung saan nakaupo sa klase.

Hindi niya malaman kung anong gagawin dahil kasisimula pa lang ng klase dalawang linggo pa lang ang nakararaan, ngunit ang mga bata sa klaseng iyon ay ang dami ng reklamo na nawawalang gamit.

"Sino na naman ang may gawa nito? Hindi na ito biro ha! Kung sinuman ang kumuha niyon, naku talaga!" may pagtitimping wika ni Ma'm Santos habang tinitignan isa-isa ang mga estudyante.

Noong mga nakaraang linggo ay nagsilapit lang sa kanya ang mga bata dahil nga isa-isang nawawalan ang mga ito.

Pinagsabihan na lang n'ya na baka na-misplace, nahiram, o naiwan sa kung saan. Pare-pareho rin kadalasan ang mga gamit ng mga iyon. Baka nga sakaling nagkapalitan lang, ganun. Maliliit na bagay lang naman na madaling palitan o bilhin ang nawawala. Pero iba ngayon, medyo pricey na.

Unruly HandsWhere stories live. Discover now