Chapter 2

1 0 0
                                    

Lunch na at lutang pa rin ako. Bat ganun. Di man lang nya ako narecognize? Pero yae na. Baka kapangalan lang nya. Oo tama. Hindi pwedeng sya yun. Hindi sya si perslaab.

*pitik sa noo*

"Lutang ka na naman bessy. Kain na para makainom ka na ng gamot. Magalit pa saken nanay mo." Dami agad nasabi ni bessy. Haha.

"Ito na po nay. Kakain na po nay. Wag ka na pong magalit nay." Panloloko ko sakanya.

"Mabuti nak. Sayang pinapaaral ko sayo kung hindi ka kakain." Sakay nya sa trip ko.

"Hahahaha. Letse bessy. Sagwa."

"Anu gang iniisip mo?" Takang tanong nya.

"E kase bessy, tanda mo ba si perslab? Yung kinukwento ko?" Pagtatanong ko sakanya.

"Oo. Yung ano--"

"Oo. Yun na nga wag mo ng banggitin. Basta yun." Ang gulo ng usapan namin pero naintindihan namin.

"O anung meron? May balita ka na?"

"Wala pa bessy. Pero kamukha sya nung transferee satin tapos parehas pang Clein ang pangalan. Natatakot akong bumalik sya. Hindi ko kaya bessy." Pagdadrama ko.

"Huy! Bessy! Wag kang ano jan ha! OA mo! Pektusan kita. Helloo! 10years ago pa yun! Bata ka pa nun. Move on na aba! Kadaming nanliligaw sayo e. Pati yung heartthrob dito sa school binusted mo. Ang ganda pa naman ng chemistry nyo tapos ipagpapalit mo lang yun sa kababata mong parang di ka naalala. Anu ba bessy! Ayus ayus. Kaganda ganda ay tanga!" Sermon nya.

"Letse to! Parang di ka tanga a! Pektusan kita kung makapagsalita ka parang di--"

"Hep hep hep." Putol nya dahil alam nyang talo sya.

"OA na bessy. Wag mo ng ituloy please lang. So anong balak mo?" Napaisip ako sa tanong nya. Ano ngang balak ko? Hmm.

"Bahala na bessy. Just go with a flow na lang. Kung di nya ko nakilala edi hindi ko rin sya kilala." Pagsasagot ko.

Last class na. Yeey!
Home room ang last class namin. Ang saya. Chill lang.

"Class bilang part ng final requirement nyo sa subject na ito at para makagraduate kayo, kailangan nyong magsagawa ng play." Nagsimula ng magbulungan ang mga bubuyog kong kaklase.

"Quiet! Yun nga. Sabi ko kailangan nyo ng play. Hindi ito basta play lang. Magpepresnt kayo sa gym. Sa harap ng madaming tao at ang malilikom na pondo ay idodonate sa orphanage na laging ginagawa ng school." Pagtutuloy ng prof.

"So by row na lang tayo. Para hindi na kagulo." Sabi ni Ms.

"Ms., di po ba pwedeng by friends?" Sabi ng kaklase ko. Hahaha. Loko!

"Hindi pwede! Kailangan seryoso kayo dito. Dahil ang grading nito ay either 50 or 100 lang. Pasa o bagsak. Yun lang." Sabi ni Ms.

By row?! Edi ibig sabihin kagroup ko si Clein? Tapos di ko kagroup si Bessy. Huhuhu. Pano na to?

"Okay. Choose your leader and leaders come here in front para makabunot kayo ng topic nyo." Okay. Ako na naman leader nito. Sanay na.

"Cass. Ikaw na leader, please?" Pagmamakaawa ng kaklase ko.

"Iba naman. Lagi ng ako ang leader e. Tutulungan ko na lang ang leader." Sabi ko dahil ayoko talaga.

"Ikaw na. Responsible ka naman pati. Please?" Waah. Ito na. Nagsisimula na silang magsabi ng magagandang bagay para pumayag ako.

"Okay. Okay." I smile to them.

"Ikaw na din script writer ha?" Aba at humiling pa.

"Sige sige. Ako na. Ako na din sa props at ako na lang ang aact. Ako na din director." Pabiro kong sabi sakanila.

"Edi tapos ang usapan. Wala na pala tayong gagawin e. Pasa na tayo. Di na ko tutulong. Kaya mo na naman pala e!" Singit ni Clein. What?! Seryoso?!

"Hoy Clein!" Inis na sabi ko.

"Wag mo kong tawaging Clein! Isang tao lang tumatawag sakin nun! Wala kang karapatan!!" Big deal? Tss.

Dugdug. Dugdug. Isang tao lang? Di kaya ako yun? Hala! Erase erase!

"E ano naman ngayon?" High blood ako!

"Tss! Wag mo kong matawag tawag na Clein! Taong mahal ko lang ang pwedeng tumawag sakin nun!!" Woah! Siya nga. Siya nga si Clein. Pero bat di nya ko naalala?

"Okay." Mahina kong sabi.

Lumapit ako kay Ms. para bumunit ng topic.

At minamalas ka nga naman.

"First love never dies. It last a lifetime."

The One That Got AwayWhere stories live. Discover now