CHAPTER 6

5 1 0
                                    

SATURDATE GOT INTERRUPTED

Khenzie's POV

I blinked multiple times. Maybe I heard it wrong?

"I'm sorry, what?"

"It's not a problem for you two, right?" Palipat-lipat ang tingin ni Mr. Nagasaki sa aming dalawa ni Lloid. "Both of you are single and into business. Wala akong naririnig na balita na may nililigawan ang anak ko at wala rin akong nababalitaan na may nanaliligaw sa 'yo, Mackhenzie."

"You two will get along just fine," pagsang-ayon ni Dad.

Hindi ako nakapagsalita dahil pinoproseso ko pa ang nangyayari.

Yeah, we'll get along dahil nanliligaw sa akin ang isang 'to. Pero kasal? I never imagined talking about it.

It's not that I don't want to marry Lloid pero masyadong madali ang lahat. Ni hindi pa nga namin nasasabi sa kanila ang panliligaw niya.

We're slowly building a bond and I want to keep that pace. Hindi naman nila kailangan mamroblema tungkol sa kasal, we'll eventually get there.

Tumikhin si Lloid kaya nabaling ang atensyon namin sa kanya. Tumayo siya at naglakad papunta sa likod ko. He offered his hand na tinanggap ko naman saka tumayo sa tabi niya.

"We have something to confess.." sabi niya at tumingin sa magkahawak naming kamay. Umangat naman ang tingin niya sa akin at nginitian muna ako bago tumingin sa mga magulang namin. "Mackhenzie and I are dating."

Mas lumaki ang ngiti nina Dad at Mr. Nagasaki. Mukhang masaya sila dahil umaayon ang tadhana.

"But we don't want to rush things," patuloy niya. "Magpapakasal rin kami pero hindi pa muna ngayon."

Nakatitig lang ako sa kanya the whole time na nagsasalita siya. Hindi na ako nagsalita pa dahil parang nabasa ni Lloid ang nasa isip ko at siya na ang nagsabi.

"Sana hayaan niyo kaming magdesisyon para sa amin. You don't have to worry about anything. Matutuloy rin ang pagme-merge ng mga kompanya," paniniguro ni Lloid sa kanila.

Tunango-tango sina Dad at Mr. Nagasaki na parang sumasang-syon habang malaki naman ang ngiti sa amin ni Tita. Pero si Lily ay parang natatakot? Ang ekspresyon niya ay mukha siyang nakakita ng multo. I want to talk to her pero nabaling ang atensyon ko kay Mom na ang sama kung makatingin sa akin.

May usapang magaganap mamaya sa opisina niya.

"It's settled then." Pinagsaklop ni Mr. Nagasaki ang kanyang mga kamay. "Congratulations to the both of you. Pero bakit hindi niyo sinabi sa amin?"

This time, I chose to speak up. "It wouldn't be a surprise if we told you, would it, Mr. Nagasaki?" I smiled teasingly.

Tumawa silang dalawa ni Dad dahilan para makuha ang atensyon ng ibang table.

"You love surprises. I already like you soon-to-be-wife, Lloid," sabi niya sa anak.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at hinalikan ako gilid ng noo.

THE PSYCHO'S RETALIATION (Collaboration with Siecheys)Where stories live. Discover now