LoreKi AU: "Under The Moonlight"

Start from the beginning
                                    

Mabilis akong nakarating sa tagpuan namin ni Loki. Bumaba ako sa sasakyan saka naglakad papunta sa playground. I noticed Loki who's sitting at the swing. He rose from his seat when he saw me and went closer to me.

He's wearing his usual get up but topped with a black jacket, "Hi" he greeted.

I slightly smiled at him, "Bakit nga pala dito ka nakipagkita?" nilibot ko ang tingin at tanging kami lang ang nandito.

Salamat sa liwanag ng buwan at ng mga lamppost sa paligid, hindi gaanong madilim sa lugar na ito. Madalas kaming mapadaan dito noong magkasama pa kaming nakatira sa unit at sabay pumasok sa eskuwelahan.

"I know that it's uncomfortable for you to meet at the unit. So, I decided to just meet here."

He might be concern to me, naaalala niya pa rin ang sinabi kong iyon.

"So... Anong gagawin natin dito?"

"Just like I told you earlier, we'll practice waltz"

Napaawang ang labi ko, "You mean here? As in dito sa playground tayo magsasayaw? What if may makakita sa 'tin dito?" luminga-linga pa ako dahil baka may tao sa paligid.

He took his phone from his pocket and showed me the screen, "It's quarter to one already, ilang beses na akong pumunta dito nang ganitong oras. And I noticed that there's no people going around here at this hour." he stated.

Saglit akong tumitig sa kaniya bago nagkibit ng balikat, "Okay, fine. Let's start already para matapos na."

"Great! Wait, I'll just set up the music." binuksan niya ang phone at saka nagpipindot doon. Then he looked around, went closer at the slide and put his phone down at it. A slow music suddenly played from it.

Lumapit ako sa kaniya, humarap siya sa akin saka inabot ang kamay sa akin. Hahawakan ko na dapat iyon nang bigla niyang ibaba.

"Wait, I need something" he looked around again.

Kumunot ang noo ko nang lumayo siya at luminga-linga sa paligid na parang may hinahanap. Tumakbo siya palayo at nawala sa paningin ko.

"Saan pumunta 'yon?" tanong ko sa sarili. Susundan ko dapat siya pero mabuti at bumalik na siya agad.

Nakatago ang isang kamay niya sa likod na parang may tinatago. Nang makalapit ay bigla siyang yumukod at saka itinaas ang kamay na may hawak na pulang rosas.

Mas lalong kumunot ang noo ko, "Anong ginagawa mo? Saka saan mo kinuha 'yang bulaklak?"

He looked up at me, stood straight and held his nape. "Isn't this what I have to do in your debut before we dance? I'll give you the 18th flower"

I pressed my lips together, suppressing myself from laughing, "Seryoso ka ba? Pati iyon ipa-practice mo pa?"

"Why not? I just want to be prepared" he shrugged.

Mahina akong natawa, "Okay fine! Pero saan mo ba kinuha 'yan?" turo ko sa bulaklak.

He pointed his thumb at his back, "Diyan lang"

Napailing ako. Sana naman ay walang nakakita sa kaniya na basta na lang pumitas ng bulaklak diyan sa tabi.

"Mag practice na nga tayo, para matapos na" sabi ko.

Umatras siya at inulit ang ginawang pagyukod at pag-abot ng bulaklak. Natawa ako bago tinanggap ang rosas. Tumayo siya nang tuwid at bahagyang lumapit sa akin.

"Wait" he said again.

"Ano na naman?"

Kinuha niya sa ’kin ang bulaklak at walang pasabing nilagay iyon sa tainga ko. "It'll look good in here"

Project LOKI AUs (Compiled)Where stories live. Discover now