Chapter 9

22 3 0
                                    

THE MISSION


HABANG naglalakad ako papuntang parking lot ay aware akong nakasunod sa akin si Producer Reese, kaya binilisan ko ang bawat hakbang at tumingin sa paligid para matiyak na walang ibang nakamasid sa amin. Hindi man siya celebrity ngunit kilala naman siya lahat ng staff, at mainit ang mata sa kanya. 


Tumigil ako sasakyan ni Jemisha at hinarap siya.


"Producer Reese, aren't you busy?" 


"You send this to me." Inabot niya ang isang kamay ko at inipit doon ang note na pinautos ko sa waiter na ilagay sa table ni Producer. Hindi ko naman expected na susunod siya at pupunta kaagad. "What do you want to talk about?"


Hindi man lang niya sinagot yung tanong ko kung busy ba siya. Obvious naman kasi. Nung natanggap niya ang note ko ay kinakausap pa siya ni CEO at ng investors. Kaya alam kong busy siya. But it's not my main concern. 


"Itong suot ko. Ikaw ang bumili nito 'di ba?"


"Is there a problem?"


Confirm siya nga!


"This is worth of 300k?" Medyo humakbang na ako palapit sa kanya at may binulong sa takot na may makarinig. Wala namang ibang tao rito sa puwesto namin, pero may CCTV and drones sa paligid. I'm afraid that someone might eavesdropping to us! Ano na lang sasabihin ng mga tao kapag nalaman na si Producer ay niregaluhan ang isang backup dancer!


"Actually, it's worth of 659,599 pesos. I've also brought you a box of make-ups and perfume. Did you like those brand?" 


Siya rin nagpadala ng mga mamahalin na brand na iyon! "Why are you doing this . . . sir?" Mahina at puno ng pagtitimpi kong saad. Kung hindi ko lang siya boss ay kanina ko pa ito pinagsasapak dahil sa katopakan. 


"Because you're an A-Celeb."


"I'm not!"


"You will—become one," he confidently said. 


Natulala ako ng ilang sekundo at parang nabingi sa narinig. I will become one? Paano? Kailan? Bibigyan na ba ako ng project? Gagawin na ba akong trainee? Ipagde-debut na ba ako? Pero paanong mangyayari 'yon kung may existing contract pa ako! May responsibility is to perform as a backup dancer not as a star. Well, unless kung tatapusin ang contract ko and it will it take one year. 


"Sir . . . bakit ako?" 


"Perhaps, I need you more than any other girls here."


He needs me? Ano namang mai-ooffer ko sa kanya na wala sa ibang babae? I'm not blind. I know what he means about that. "Producer Reese, gusto ko ang opportunities and gifts na binibigay mo sa akin pero ang dami pong mas deserving na sumikat at pag gastusan mo."


"Alam ko." Walang emosyon niyang sagot. 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

La Riviere ShineWhere stories live. Discover now