Chapter 1

63 7 0
                                    

FRANCESCA PRISTINE

16 years later. . .


NAGING concert ang selebrasyon ng kasal ni Mentor Lourdes dahil halos lahat ng istudyante niya ay binigyan ng spotlight upang makapag-perform sa stage. Ang groupo ko naman ang pang finale ng event. Magkakasama ang babae at lalaki sa sayawan, ang pinagkaiba lang namin sa ibang groups we're called a pioneer. Ilang taon na kasi kami sa pagsasanay at marami na rin napuntahan na gigs and contest sa iba't ibang dako ng Pilipinas.  


Inakbayan ako ng kasintahan ko na si Rome. Maganda ang mga mata niya at mahaba ang pilikmata. Ang buhok niya ay purong pula na parang manok, but he is still cute anyway. Halos magkasingtangkad lang kami, 5'6 feet siya at ako naman ay 5'5 feet, pero dahil lagi akong naka-heels kapag sumasayaw ay naaangatan ko siya. Marami pa akong masasabi about sa panlabas na anyo niya ngunit wala doon ang dahilan kung bakit naging kami. Sa totoo lang, sabay-sabay ang manliligaw ko noon, maraming foreigner at mayroon na CEO na mas matanda sa akin ng doble. 


But I still choose him. 


Because he is the most compatible man for me. Halos same kami na walang kinalakihan na magulang, nangungupahan lang sa maliit na apartment, walang stable job, at kumikita lamang sa pagsasayaw. Same na same. I understand him. He understand me. Iyon lang naman ang kailangan ko . . . ang taong susuporta sa pangarap ko. 


"Tulala ka na naman, Chessie! Siguradong ako ang iniisip mo?" 


"Paano mo nasabi?" ngisi ko. 


"Nasa kasalan tayo. Siguradong nag-iimagine kana kung anong wedding gown ang susuotin mo, saan ang reception, magkano ang magiging finance natin . . ." 


"Yes, I haven't think about that." 


"Even once?" 


Hindi ko na natapos ang tanong niya dahil dumating na yung iba at nagsiksikan na kami rito sa backstage, senyales na kami na ang next performer.  


Hinawakan ni Rome ang kamay ko at sumipa ang mga paa namin paakyat ng stage. Pareho kaming main dancer kaya ang blocking namin ay sa sentro. Mga ilang sekundo pa ay napalitan ang kulay ng ilaw at nagsimula nang tumugtog ang lumang kanta ng SB19 na Where You At. Ito ang napili naming kanta dahil ATIN'S ang mag-asawa, tawag sa fandom ng SB19. 

♬ First stanza ♬


Maingay ang crowds. Nagsitayuan sila sa kanilang mga upuan at nagkayayaan pang pumunta sa unahan. May ilan na sumabay sa lyrics ng kanta, ngunit hindi maipagkakaila na mas maraming sumabay sa sayawan, palibhasa halos lahat ng nandito ay dancer din. 


I think, this is one of the best performance I've ever been? Dahil kung ikukumpara ito sa mga gigs na napuntahan ko lately ay parang kaming isang basura sa paningin nila. We're not really appreciated, palibhasa hindi kami sikat at saka wala rin kaming budget para magmukhang celebrity. Pero may ilang tao pa rin na tinuturi kaming gold

La Riviere ShineWhere stories live. Discover now