Chapter 7

25 4 0
                                    

REWARDS AND PUNISHMENT

NAPAHAWAK ako sa ulo ko dahil sa sobrang pagkirot nito. Bumaba ako sa kama at saktong natabing ko sa sahig ang bote ng Jack Daniel's. Lumuhod ako at mabilis naman itong itinayo kaso ¼ na lang ang natira. "Ahhh!" Sinabunutan ko ang sarili dahil sa sobrang inis. Ang daming natapon. Sayang naman!


Habang nagma-mop ako sa sahig ay nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko at parang may gusto siyang iluwa kaya naman ay kumaripas ako nang takbo papuntang CR at doon sumuka. Naawang tiningnan ko ang sarili sa salamin na nasa harapan ko. I look like a loser.  


"Happy 5th day in ATY Entertainment." I said happy but it doesn't show on my face. Gustong-gusto ko maging masaya at mag-celebrate dahil nakapag-perform ako sa isa sa pinaka malaking stage sa buong Pilipinas! Pero may humahadlang sa kagalakan ko. 


Ako dahilan kung bakit nasira ang performance ni Jenny. Ako ang dahilan kung bakit napahiya at sinampal siya sa marami. Ako ang dahilan kung bakit sawi ang puso niya ngayon. Unang performance ko ay nagdulot kaagad ako ng kamalasan sa isang tao. This is not good.


Matapos kong maligo ay nagsuot ako ng white-oversize shirts and pants. Mabilisan ko rin pinasok sa shoulder bag ko ang keys, cell phone, cologne, and foundation, as usual ito lang naman laging dala ko. Umalis na ako habang sinusuklayan ang mahabang buhok ko gamit ang mga daliri. 


Pagkababa ko ng lobby ay napapikit ako sa flash ng camera. Umiling lamang ako ay mabilis na naglakad. Halata namang may photoshoot na mangyayari mamaya dahil sa dalawang lalaki na may hawak ng DSLR, patunay na photographer sila. Pero ang hindi ko maunawaan bakit sa akin pa nila tine-test kung maganda ba ang shot? Hindi naman ako yung model.


Paglabas ko ng exit door ay nagulantaan ako dahil sa sampung kabataan na pumalibot sa akin. Lahat sila ay may malapad na ngiti, mapa-babae o lalaki ay parang binudburan ng asin dahil sa kilig. Naguguluhan na talaga ako sa mga nagaganap! Gusto kong ma-convince na prank lamang ang lahat. Pero paano nila nalaman ang buong pangalan ko?


"Ate Francesca Pristine. Waaah! Mabuti nalang pumunta kami rito. Hindi rin kasi naman alam kung accurate ba 'yong link na nandito ka raw sa hotel nagsi-stay!" 


"Are you a new trainee? I hope you get debut very soon."


"Hindi po ako nakatulog kagabi kakapanood ng video mo huhu."


Sunod-sunod silang nagsasalita at hindi ko na talaga masundan lahat. Basta ang naintindihan ko lang ay lahat sila nakapanood ng performance ko kahapon. Hindi ko ine-expect na may makakakilala sa akin at hahanapin pa talaga kung saan ako natutulog. 


Nag group picture kami. Humingi rin ako ng tawad kasi hindi ko sila magawang ma-entertain lahat dahil nga ma-late na ako sa trabaho. Pero nangako akong bukas ng umaga ay aagahan kong lumabas para makilala ko sila ng husto.


"Talaga ate? Waaah! Thank you!"


"Thank you also for appreciating me. You guys are my first supporter. . .  I love you all from the bottom of my heart." Nilagay ko ang dalawang kamay ko banda sa aking puso at binigay ko ang pinaka maganda kong ngiti. 

La Riviere Shineحيث تعيش القصص. اكتشف الآن