CHAPTER II: THE RESURRECTION AND THE BIRTH

Start from the beginning
                                    

Sana'y maging ligtas ang itinakda, hanggang sa panahon na kailanganin na siya ng aming mundo.

Sana'y makaya ng mga xarnian ang mangyayari sa mga susunod na araw.

* Third Person Point of View*
Sa kabilang dako naman ng mundo. Ay may isang bayan na kung saan naghahanda hindi para sa pagdiriwang kundi, upang maghanda sa paglusob sa iba't-ibang bayan.

Habang nagsasaya at naghahanda ang mga xarnian. Ang ilan naman sa mga ito na may masamang hangarin ay naghahanda. Dahil ito ang araw na mabubuhay ang kanilang pinuno at ang araw na kung saan magsisimula ang lahat ng nasasaad sa propesiya.

Walang kaalam-alam ang mga mabubuting xarnian kung ano nga ba ang maaaring mangyari mamaya sa kanilang pagdiriwang.

Habang ang mga masasamang sa xarnian ay nakamasid at nakakalat sa iba't-ibang panig ng Xarnia. At naghahanda para sa kanilang pakikipaglaban pagsapit ng hatinggabi.
.
.
Sa isang liblib na lugar sa xarnia ay may isang grupo na naghahanda sa muling pagbabalik ng dark sorcerer. Naghahanda sila para sa ritwal na kanilang gagawin na makapagpapabuhay sa kanilang pinuno. At hinihintay na lang ang oras na mabubuhay ang dark sorcerer.

*Someone Point of View*

Narito ako sa punong bulwagan ng aming tahanan na kung saan naroroon ang aming pinuno, na payapang nakahimlay. Ngunit nalalapit na rin ang oras na siya ay magigising konting oras na lang, at makakasama na namin siya. Sisiguraduhin namin na sa pagkakataong ito ay kami mananalo. Kay tagal na naming hinintay ang pagkakataon na ito.

"Naririto ka pala."- sambit ng aking kaibigan na kadarating lamang.

Tumabi siya sa akin upang pagmasdan namin ang aming pinuno na payapang nakahimlay.

"Nakahanda na ba ang lahat?"- tanong ko sa kanya. Siya ang nakatalaga sa mga ginagawang paghahanda ngayon.

"Oo, nakahanda na ang lahat. Hinihintay na lamang ang tamang oras upang maisagawa ang plano. Walang kaalam-alam ang ating mga kalaban sa kung anong mangyayari ngayon. At nakakalat na ang ating mga tauhan sa buong Xarnia.- sambit niya, napangiti naman ako sa kanyang balita. Dahil naaayon sa aming plano ang nangyayaru. Wala talaga silang kaalam-alam sa mangyayari ngayon. Isa ito sa magandang balita para sa aming pinuno sa muling pagbabalik nito.

"Ano nga palang balita sa pinapahanap ko?" - tanong ko sa kanya. Kailangan naming mahanap agad ang itinakda upang paslangin ito. Hindi namin hahayaan mangyari kung ano man ang nakasulat sa propesiya. Dahil sisiguraduhin namin na hindi na ito mabubuhay pa

"Sa ngayon hindi pa mahanap ang itinakda, ngunit nasisiguro ko na hindi ito makikita ng kabilang panig."- Sambit nito.

Kailangan naming mahanap agad ang itinakda, hindi kami makakapayag na matalo ulit kami ng mga ito.

"Nakahanda na ba ang lahat ng gagawin." - tanong ko sa kanya.

Oo, nakahanda na ang lahat- tugon niya sa aking katanungan.

Ipatawag mo na sila, dahil sisimulan na natin ang ritwal.- pag- utos ko dito.

*End of Someone's Pov*
.
.
.
.
*Third Person Pov*

Makikita mo sa buong Xarnia ang mga makukulay na liwanag, isama pa ang mga bituing nagniningning sa kalawakan at ang buwan na siyang nagpaliwanag sa gabi. Makikita mo ang galak at saya sa kanilang mga mukha. Iba't-ibang palaro na ang inyong makikita at mga paligsahan.

Ngunit walang kaalam alam ang bawat xarnian sa maaaring mangyari sa gabing iyon.

Sa kabilang dako nagkakagulo sa mansion ng mga Montefalcon, dahil manganganak na ang asawa ng kanilang pinuno. Ngunit si Headmaster Ace ay wala sa kanyang tahanan dahil ito ay dumalo sa pagdiriwang na isinasagawa sa palasyo.

"Punong tagapagbantay, ipatawag mo ang Master. At sabihin na nanganganak na ang Mistress."- utos ng mayordoma ng mansion sa punong tagapagbantay.

Masusunod, Ginang Lisa- tugon nito. At pinatawag niya ang isang tagapagbantay upang ipabalita sa Master ang nangyayari.

Nasa silid niya ang Mistress, kasama ang mga komadrona at patuloy na inululuwal ang sanggol.

Paglipas ng ilang sandali ay maayos na nailabas ng Mistress ang kanyang anak.

Uwahhh, uwahhh iyak ng sanggol matapos iluwal ng kanyang ina.

Sa pagluwal ng sanggol ay siyang naging hudyat ng paggising ng dark sorcerer.

Nagbunyi ang mga kapanalig ng dark sorcerer sa muli nitong pagkabuhay. Sa oras ng paggising nito, ay ang pagbibigay nila ng hudyat sa kanilang kapanalig. Hudyat upang simulan na ang kaguluhan sa iba't-ibang panig ng Xarnia.

------------------------------------------------------------

THE SORCERERS ADVENTURE- "Xarniana Academy"Where stories live. Discover now