Chapter 2

0 0 0
                                    

Second year college.

Ang dami-dami kong naranasan dito.

Nagsimula na kasing magkaroon kami that time ng lesson planning and teaching demonstration.

Huhuhu..

Alam ko naman halos lahat ng education student ne experience na gumawa ng LP na walang format na binigay.

Basta. 4 As. Yun na yun. Hahaha.

Science. Yan ang una kong teaching demonstration.

Una. By two pa. So medyo okay lang.

Yung pangalawa.

Pang-isahan na.

Buti na lang nakayanan ko na huwag himatayin sa gitna.

Grabeh ang preparation ko diyan. Hahaha..

Gumawa pa ako ng model ng Volcano. Gawa yun sa malagkit na lupa.
Alam niyo yun, yung color golden brown? Na ginagawa pa nga namin noon ng mga bata pa kami ng mga kalabaw.

Hindi kayo makarelate ano?

Hahaha.

So yun nga. Pero may mga bitak kapag nag dry na. So nilagyan ko ng semento.
Hahaha..
Ang bigat nun dalhin sa school. Tapos ang dami ko pang naprint na mga pictures about sa volcanic eruption.

In short, nag effort talaga ako.
Pambawi na sa kaba at pag kautal-utal ko sa gitna. Hahaha.

Nasundan pa nun sa Math Subject.
Dahil nga K12, new curriculum. Ang math from 1-3 ay nasa mother tongue.

Hahahaha.. Grabeh ang hirap magsalin ng mga terms in our dialect.
Nakipagsagutan pa kami sa English Teacher namin kasi ginaya namin ang format ng English LP sa math.

Hahaha.. Tangina. Magkaiba pala yun.

Tapos doon ko rin nasimulan baguhin ang penmanship ko.

Same lang ang pagkakasulat ko ng C, S, E.

Hahaha. Kaya nga minsan ang mga tumatabi sakin during exam or quiz. Panay ang reklamo.

During our examinations.

Alam mo yung feeling na, alam mo ang sagot pero hindi mo alam kung saan naman ilalagay before or after the question bah.

Na hindi tayo safe sa true or false na yan. Hahaha

Naranasan ko rin mag exam, sa labas. Sabay lahat ng ibang departments.

Bawal daw magtanong sa katabi pero wala eh. Likas na mapagbigay kami sa iba.

Naalala ko pa dati sa isang strict teacher namin.

Napakanta pa ako ng....

"Magdalena, ikaw sawing palad. Kailan ka kaya nila maiintindihan"

Hahahaha. May part kasi sa test na ano ang ibig sabihin ng "babaeng mababa ang lipad".

Pero aminin natin lahat diyan sa college na kapag hindi bet ang teacher or instructor.

Kitakits na lang tayo sa evaluation. Hahaha. Ang ganda din ng ganti ng mga college students.

Natatawa parin ako, everytime na maalala ko ang ginawang kalokohan ng friend ko.

Napatawag siya sa Admin nun.

Dumaan lang naman siya kasi sa EXIT.

Natatawa pa ako noon pano kasi sinabihan sila na

"Mabuti pa ang mga tricycle driver alam ang salitang EXIT kayo hindi".

Hahaha.. Malapit lang kasi sa room namin ang exit kaya doon na siya dumaan.

Another thing is.
Nang minsan hinabol kami ng gansa na pagmamay ari ng school.

Magpipicture lang sana kami sa puno ng calamansi.

Pero ewan. Nag ala giraffe ang leeg ng gansa tapos hinabol kami.

Mutikan na akong madapa nun. Katakot kasi. Hahahaha

Kapag wala kaming pasok, nagyayaan kami na magroad trip.

Nakapunta kami sa pasyalan na maliit lang ang dalang pera.

Kaya ng bigyan kami ng menu. At nakita namin na kahit kape 20 pesos. Hahahaha.
Bumaba kami.

In this year also.,naranasan kung umiyak.

May class ako na almost 7 pm na ang uwian.

Alam niyo kasi malayo ang bahay namin.
2.5 kilometers pa ang lalakarin ko makauwi lang.

At yun nga ginabi ako ng uwi.

Ng bumaba ako sa tricycle. Tinanong ako ng mga tao sa may kanto kung may sundo ba ako.

Sabi ko mayroon. Pero wala naman.

So yun nga naglakad ako.
Medyo nasanay naman ako kasi dati rati naman akong umuwi ng gabi noon senior high.

Pero hindi ko kinaya. Kahit ilang beses kong sabi na "okay lang. Kaya ko toh".

Huminto ako noon.
Umiyak. Tinatawag ko yung Nanay ko.
Yakap-yakap ang mga tuhod ko.

That time, I asked God. Na kung bakit niya sakin niya binigay.

Na kung pwde ako magaya sa iba. Na malapit lang ang bahay.

Na sa bakit sa dinarami ng tao ako pa yung naka experience ng ganito.

Umiiyak ako ng sobrang lakas that time.

I was calling my mother ng paulit-ulit.
Takot na takot ako. Sobrang dilim na at ako lang mag isa.

Sinundo niya pala ako. Kasama ng pamangkin ko.

Hanggang sa pag uwi. Sumisinok parin ako. Hindi ko maiwasang umiyak habang naglalakad kami.

After that, naging iyakin ako.

Lagi akong umiiyak silently sa gabi.
Lahat ng mga untold feelings ko iniiyak ko lang yan.
Minsan nag ooverthink ako sa mga nangyayari sa life ko.
Iniisip ko ang mga bagay na wala sakin. Na sana kapag na sakin. Ako ang maging best at kaya kong abutin lahat ng mga pangarap.

As what I have mentioned earlier, Education is not my dream course.

Napasubo lang talaga ako sa tinatawag na "no choice".

Kaya konting problema, suko na.
Konting problema, feeling ko pinabayaan ako ni Lord.

Madalas akong magpa alam na huminto kahit isang sem lang.
Hindi ko na kaya ang pagod.

Ang pressure sa paligid.

But everytime I do that.

Na alala ko lahat ng mga pinagdaanan ko in the past years.

Na may mga parents akong naniniwala sakin.

Kaya pilit akong lumalaban.

Na kahit minsan sobrang pagod ko na.

Lumaki ako sa hirap.
Na kailangan namin kumayod.
Magtrabaho sa tubuhan para lang may pang allowance sa school.

Kapag walang pasok noon. Nasa tubuhan ako.
Hindi ko maexplain ang mga trabaho na mayroon ako.

Basta nakabilad ako sa init ng araw. Minsan kapag umuulan sige lang.

Minsan nagkasakit yung mother ko.

Ako lahat ang nagtatrabaho.

Ang hirap pala nun. Na akuin lahat

Habang nagsasaing ako ng kanin. Tumutulo ang luha ko.

Sobrang pagod na ako.

Minsan hinihiling ko na lang na sana hindi na ako magising.

College Life Where stories live. Discover now