Chapter 1

1 0 0
                                    

"When you lost hope, their is always one way around and that is FAITH"

............................

Isa ako sa mga millions of Filipino hoping to change their life someday by attaining higher form of education.

Lumaki ako sa bukid na walang kuryente. Walang sapat na source of water at kasama na dun ang income.

Simula bata or should I say simula noong bata ako maaga akong namulat sa simpleng bagay na mayroon kami. Namulat ako sa paggising sa umaga na sigaw ng Nanay ko ang maririnig.
Kahit 5 am niyan sasabihin niyan
"Gumising na kayo ang taas na ng sikat ng araw! Parang anak kayo ng mayayaman!!"

Nasanay na kami ng mga kapatid ko na gumising ng maaga.
Pito kaming magkakapatid at ako ang bunso. Ang panganay namin hindi ko na nakita noong lumaki ako. Namasukan siya sa Maynila bilang kasambahay. At ilang taon narin na hindi siya umuuwi.

Batang palang ako, alam ko na malaki ang responsibilidad ko.
Ewan pero lahat ng senses ko nagwowork na noon. Lahat as in lahat! Kaya ramdam ko yung mga nangyayari sa paligid.
Naalala ko lahat ng mga bagay noon.

Noong malakas pa yung ama ko. Palagi niya kaming sinasaktan kapag madelay lang ang paghatid ng agahan namin sa kaniya. Uuwi siyang habol kami ng kahoy ng bayabas o kahit anong matibay na pamalo.
Darating siya sa bahay na umiiyak kami. Hindi pa siya nakuntento. Inihahagis niya ang luto ng pagkain sa lupa tapos papaluin kami ng matindi.
Minsan hindi siya mapigilan. Iyak lang kami ng iyak pagkatapos kaming mapalo. Kaya naging mas maaga pa kami sa alas kwatro kung maghatid ng agahan.



College Life Where stories live. Discover now