Sa bahay ni Art.......
"Art!!!!"Unang araw ko sa bagong bahay namin sigaw agad ang abot ko. Haaays..."Opo 'tay! Andiyan na!!" agad akong tumayo sa kama at naglakad palabas ng kwarto.
Paglabas ko ay agad kong nakita si papa na nakahiga sa sahig.
Naglasing na naman siya. Tsk tsk. Sanay sanayan nalang tayo jan.
"Oh,'yung routine natin 'tay ha? 1... 2... 3... Go!" Sabay sakay kay papa sa likod ko at ipinasok siya sa kwarto niyang sinliit din ng kwarto ko. kinumutan at inayos ko muna ang unan niya bago ako lumabas pero nang isasara ko na ang pinto ay nagsalita pa si papa. Salitang araw araw niyang binabanggit.
"Teresa..." sabay tulo ng isang luha galing sa mata niya. Kung kaya ko lang akuin ang mga sakit na nararamdaman ni papa siguro matagal ko nang ginawa 'yun. Kung hindi lang talaga sa kanya hindi magkakaganito si papa. Hindi sana magkakadeleche leche ang buhay namin. Siguro hindi kami maghihirap ngayon. Siguro may trabaho pa si papa ngayon. Siguro masaya kami ngayon. Siguro buo pa kami ngayon...
"Haay nako, Art. Nagiging iyakin ka na ah. Kalimutan mo na nga lang siya. Ipinagpalit na niya kayo sa marangyang buhay. At hindi na siya babalik." Usal ko at pinunasan ang luhang nagbabadyang lumabas. Nagluto nalang ako ng kakainin ko ngayong umaga. May pasok pa ako sa paaralang pinapasukan ko eh. Ito nalang ang paraan ko para kahit saglit makalimutan ko ang nakaraan. Nakaraan na pilit ko mang kalimutan, naaalala ko parin.
Pagkatapos kong kumain ng sardinas at tuyo ay naligo ako at nagbihis para sa school. Isa akong fourth year college ng Aushton University at HRM ang napili kong kurso. Passion ko kasi ang pagluluto at gusto ko rin ang magkaroon ng sarili kong cafe. Isa lang akong scholar at hindi ko iyon ikinakahiya. Ano naman ang problema kung scholar ka lang diba? Ang importante ay nakakapagaral ka at matataas ang mga grades mo. 'Yun na 'yun.
Pagkatapos kong gawin lahat ng kailangan kong gawin ay umalis na ako. Nag-jeep at trycicle lang ako papunta sa Univ. Malayo layo din kasi doon eh kailangan pang mag double ride. Bumaba lang ako sa may waiting area na mga ilang lakad papunta sa gate ng school.
Agad akong pinagbuksan ng pinto ng guard. Nagpasalamat ako at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad ako ay lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. Hindi sa paraang humahanga kundi sa paraang nandidiri. Lahat ng estudyante ayaw sa akin pati guro ayaw. Mabibilang lang ang mga taong gusto ako. Madalas akong paginitan nila kesyo daw ganyan kesyo daw ganito. Minsan nga may nakabarang dumi sa toilet ng mga lalaki at dahil ako ang gusto nilang pahirapan ako ang pinalinis nila 'nun. Wala naman akong magagawa eh. Pwede nilang sabihin sa principal na ipaalis ako sa school na ito kung kailan nila gusto. Ewan ko sa kanila. Nasanay na rin siguro ako sa mga pinanggagawa nila.
Pagdating ko sa classroom ay agad akong umupo sa upuan kong nasa likuran. Sila ang naglagay 'nun sa likod. Para daw hindi sila mahawa sa germs na dala ko. Ang OA lang noh? Kung makapagsalita parang ang linis linis nila. Mga feelingera.
Napansin kong parang may gumagalaw nakatakip kasi ang buhok ko sa mukha ko. Inangat ko ang ulo ko ng konti at nakita kong papalapit ang mga babaeng ng bubully rin sa akin. Siguro sasabunutan na naman nila ako.
Agad kong kinuha ang death notebook ko 'yung notebook sa death note,isang anime na palabas. Paborito ko 'yun eh. Bigla silang napaatras. Hahaha. Alam ko namang matatakot sila dito eh. Kaya nga binili ko 'to para matakot sila. Hahaha.
Marami na akong nasusulat dito pero hindi naman 'yung mga pangalan ng taong ipapapatay ko. Ginawa ko 'tong pang schedule notebook ko. Ang akala nila sinusulat ko na ang mga pangalan nila sa notebook. Ang iba nga sa kanila ibang pangalan ang ginagamit ang hindi nila alam. Kilala ko lahat ng mga tao dito sa university. Alam ko kaya lahat ng tungkol sa kanila. Iba na kasi ang teknolohiya ngayon. Isang pindot lang ng "Search" lalabas na lahat ng impormasyon na kailangan. Sila ata ang walang alam tunkol sa technology eh. Psh.
Isinara ko ang notebook ko sa oras na dumating ang guro namin. Buti nalang si Ms. Santos ang guro namin ngayon. Mabait kasi siya sa akin. Parang ate ko na siya. Minsan nga pinapunta niya ako sa bahay nila at ipinakilala niya ako sa pamilya niya. Ako daw ang paborito niyang estudyante. Mabait daw ako at magalang. Matulungin rin daw ako. Nag-acting pa akong nahihiya kahit nakakahiya naman talaga. At ayun naging paboritong guro ko din siya.
Una siyang bumati at sumunod naman kami. Ay nagsimula na siyang magturo.
"Tuturuan ko kayo ng bagong technique kung paano magdecorate ng pagkain. Hindi kailangang bongga ang appearance ng food ang kailangan eh 'yung sa tingin mo palang mabubusog ka na. Kumbaga 'pag dadaan si crush diba ginaganahan kayo?? Parang gusto mo siyang mapasa'yo. 'Yung feeling na gusto mo siyang makasama diba? 'Yun dapat ang appearance ng pagkain hindi lang sa isang tingin nabubusog ka na bigyan mo rin siya nung pakiramdam na gusto mong tikman. 'Yung feeling ng pagkatakam. 'Yun. I'm sure 'pag ganoon ang labas ng serve niyo siguradong ubos ang handa. Diba?" Sambit ni Ms. Santos. Ang galing talagang magturo ni Ms. Santos. Siguradong may matututunan ka talaga. Hindi ka magsasawang makinig sa kanya.
Pagkatapos ng unang subject namin ay sumunod naman ang subject ni Mrs. Rodriguez, ang terror prof. namin. Madalas niya kaming pagalitan kasi daw hindi kami makaintindi. Psh.
Una siyang bumati katulad kay Ms. Santos at sumunod naman kami pero may halong tensyon na namamagitan sa amin. Sa sobrang strict niya kahit konting galaw lang namin limitado na. Haays. Ang hirap talagang maging estudyante. Kailangan mo talagang pahabaan ang pasensya mo sa mga prof. mong nasobrahan sa pagkastrict. Tsk tsk.
Nagsimula na siyang magturo. Habang nasa kalagitnaan ng pagtuturo ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalawang peste sa buhay ko. Guess who?
"Noah and Cloud or kung sa madaling salita 'The Sandoval Brothers'" Bulong ko sa sarili. Tss. I hate them. Mga feelingero.
Biglang nagtama ang mga mata namin ni Noah,ang nakakatandang kapatid ni Cloud ng five months. Sinamaan ko siya ng tingin subalit hindi siya natinag. Nginisian niya lang ako ng may pagaasar. Sumunod naman kaming nakatinginan ni Cloud pero ginaya niya lang 'yung ginawa ng kuya niya. Magkapatid nga naman. Tss.
Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Mrs. Rodriguez na ngayon ay nakapameywang na. Magsasagutan na naman ang tatlong 'to.
"Well,well,well. Late na naman kayo as expected. Ano na naman ang lame excuse niyo ngayon??" Sarkastikadong tanong ni Mrs. Rodriguez.
"Oh, I'm sorry Mrs. Rodriguez na nalate kami nitong kapatid ko. May mga babae kasing nangharang sa amin sa labas kaya natagalan kami. Ang rude naman kasi kung babalewalain namin sila eh sila na nga ang nag effort na makasama kami. Diba Cloud?" Ginaya niya pa ang boses ni Mrs. Rodriguez at ang mga aksiyon nito 'pag nagagalit. Dahil dito ay nagsitawanan lahat ng kaklase namin. Wala talaga 'tong respeto. Magsasalita pa sana si Mrs. Rodriguez pero inunahan na siya ni Cloud. Isa pa 'to na disrespectful rin.
"'Wag na kayong kumontra ang importante ay nandito na kami. Pasalamat nga kayo nagtyatyaga pa kami sa subject niyo. Eh ano namang matututunan namin diyan eh puro kayo dada." Haay nako. Hindi na talaga magbabago ang mga ugali nitong dalawang ugok. Tsk tsk.
Hinintay namin ang sagot ni Mrs. Rodriguez pero sa halip na magsalita siya ay nagwalk out nalang ito. Pagkalabas na pagkalabas nito sa room ay agad naghiyawan ang mga kaklase namin. Nanalo na naman ang 'The Sandoval Brothers'. As always...
At dahil wala na ang prof namin kasi nag walk out siya dahil sa dalawang peste na ito ay wala narin akong dapat pagtuonan ng pansin. Kinuha ko nalang ang notebook ko, 'yung nasa death note. At nagsimulang magsulat ng bagong sched ko. Nang matapos kong gumawa ng sched ay sakto namang nagbell at hudyat na na lunch time na namin. Isa isang lumabas ang mga kaklase ko habang ako naman ay nagpaiwan. Sanay kasi akong mag-isang kumain at ayoko sa madaming tao. Feeling ko kasi pinagtitinginan nila ako. Kaya ayun. Mas gusto ko pang mag isa kumain.
Pagkatapos ng lunch ay nagsimula na naman ang third period namin. At sumunod naman ang fourth period, ang huling period namin.
Nagpaalam na kami sa prof namin at isa isang lumabas ng classroom. Papalabas pa lang ako sa gate ng univ ay may biglang humarang sa akin....
A/N:Abangan bukas ang susunod na kabanata ng buhay ni Art.
Vote....
Comment....
Keep supporting....
YOU ARE READING
The Broken Nerd
Teen FictionSiya si Art Gonzales ang babaeng binansagang "The Nerd" ng kanilang paaralan. Pero ang hindi nila alam,may kulang pala sa pangalan niya. Isang salitang naglalarawan sa buhay niya. Isang salitang nakadugtong na sa pangalan niya. "Broken" o "Sira". Si...
