046

318 12 2
                                    

"Lay," tawag ko.

Magmula kanina pagpasok ko sa classroom ay hindi n'ya ako pinapansin, hanggang ngayon na nasa court lahat ng athletes hindi pa rin ako pinapansin.

"Shi! Practice!" Sigaw ni Aaden.

Sumimangot ako at walang nagawa kun' 'di pumunta roon sa kanila. We started playing and I already know that I'm not in the focus.

"Mapalo!" Sigaw ni Coach nang hindi ko na-receive 'yung serve ni Khel. "Mapapalo kita riyan kapag hindi ka pa tumino!"

Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili. Aaden tapped my back. Pawis na pawis na agad ako kahit wala sa hulog ako kung lumaro.

Umayos naman ako noong naglaro ulit kami. I set aside Lay first kaya bumalik ang focus ko sa laro.

"Ashi!" Sigaw ni Paul noong break namin. Tumatakbo siya, may dalang paper bag galing sa Starbucks.

Inabot n'ya sa 'kin 'yon kaya tinignan ko siya. "Para kanino 'yan?" Tanong ko.

Hinihingal pa siya kaya hinintay ko muna siyang huminga nang maayos. "Para sa 'yo raw, bigay ni Gabi."

Tumango ako at kinuha ang paper bag mula sa kan'ya. Hindi talaga ako kinalimutan ni Gabi.

"Naks, galing sa babae mo?" Tanong ni Gabriel.

Malakas na tumawa si Aaden, "tangina. Akala ko ba bff kayo? Bakit mo sinasabing babae n'ya si Gabi?"

"Ay, hindi ba?" Tanong ni Gabriel.

Umiling ako. "Pinsan ko siya. Ewan ko kung saan mo nahanap 'yang balitang 'yan, gago." Sabi ko.

Nilapag ko sa gilid 'yung paper bag at bumalik na sa court. Nagsimula na ang laro kaya mas nag-focus ako dahil mabubunot na naman ako ng Coach.

Habang naglalaro ay aksidente akong napatingin kung nasaan si Lay. I scoffed when I saw her talking to a boy while smiling widely. 20/20 vision ko kaya nakita ko ang dimples n'yang lumabas habang kausap 'yung lalaki.

"Ashi!" Sigaw ni Aaden. Mabuti na lang at mabilis akong tumingin at na-receive.

Nakarinig ako nang malakas na sigaw mula sa bleachers kaya tumingin ako roon. It was Blue and Gabi, laughing while clapping their hands.

"Ops, may nagseselos." Bulong ni Aaden na hindi ko naman naintindihan.

bahala na | ✓Where stories live. Discover now