Chapter 20: Bewitched

2.7K 98 4
                                    


It's getting frustrating as days go by. Two weeks have passed since then at sa loob ng dalawang linggo na iyon ay hindi ko na nakita ang taong bumabagabag sa isip ko. But in return, AJ and I became somehow closer, in a way na lagi siyang napapadpad sa building namin at kapag nagkikita kami ay lagi niya akong kinakakausap. Lagi na tuloy kaming inaasar ng mga tao sa paligid.

"I heard that you and Aranjuez were in a heated argument earlier?" He asked when we saw each other after class.

I rolled my eyes secretly. Grabe naman ang balita, talaga nga namang may pakpak.

"Ah, that. We were just asked about our opinion regarding the political system at medyo napahaba nga ang usapin..." I laughed.

Sinamahan ako ni AJ sa library after class dahil may hinahanap akong libro. Akala ko ay aalis na siya pagkatapos but he didn't. He stayed with me hanggang sa matapos ako sa ginagawa, which was kind of surprising.

Ibig sabihin ba nun ay gusto niya akong makasama?

Naku, if it's not because of my confusing thoughts ay baka matagal na akong dumamoves sa kanya. Pero heto nga, nakakainis, kasi ang weird ko.

Crush ko naman siya e, pero bakit...tila iba talaga ang hinahanap ko?

Argh, maybe it's just really because of stress. But damn... it's been two weeks already. Ni wala na nga akong balita sa taong 'yon e, kahit sa Tomas Morato at BGC ay hindi ko siya nakita no'ng pumarty kami.

He must be busy...with someone of course.

"Uy, buti nakita kita! May chika ako sayo!" One of my acquaintances approached me.

"Anong meron?" I asked even though wala naman akong pakialam sa kung anong chika na iyon.

"'Diba may something sa inyo ni Ashtine? I saw him just now! Doon sa engineering building!"

Or maybe...I have.

"Ah, wala na 'yon. It's not a big deal," I just shrugged my shoulders and continued walking.

Maybe I care a little sa balitang iyon, pero ano ba ang gusto nilang maramdaman ko? Matuwa?

Bakit naman akong matutuwa kung iba naman ang gusto niyang makita?

"Pakialam ko ba sa kanya." Inis kong bulong.

And why can't people stop associating me with someone who's not in my life anymore?

At ayoko nga sa kanya e! Medyo nakakalungkot lang dahil unti-unti nang nagbabago ang tingin ko sa kanya pero muli lang niyang pinatunayan na gago nga siya.

Pero ano nga ba ang pinagkaiba naming dalawa? Sa mata ng iba ay gano'n din naman ako.

I've dated a lot of boys...different person every month. So...do I really have the right to judge him? May rason ako, oo, pero sapat ba 'yon para i-justify and actions ko?

Hindi.

I sighed and clenched my fist.

I think I need alcohol...just to somehow divert my mind.

Ayoko nito e, ayokong nagugulo ang isip ko dahil sa isang tao na hindi ko naman alam kung ano ba talaga sa buhay ko...isang taong alam kong hindi ko pwedeng ituring na espesyal.

I find myself in a crowded bar that night, trying my best to mend my messy mind.

I'm alone and I chose a bar far from my place because I don't want my friends and other people who know me to see me getting wasted. Ayoko na kasi, pagod na akong magsagot ng mga tanong na hindi ko naman talaga alam ang sagot sa sarili ko.

"Hi."

Umahon ako mula sa pagkakayuko at pinagmasdan ang matangkad at mestisong lalaki na umupo sa tapat ko. Strangely, he kind of look familiar to me ngunit hindi ko na maalala kung paano at saan ko ba siya nakita.

"Hello," walang gana kong sagot.

"I'm William nga pala, Liam nalang for short." He smiled and extended his hand.

Tinatamad akong pinagmasdan siya. Okay...gwapo siya, he looks like someone who could be in movies, maganda rin ang built ng katawan, maamo at friendly ang vibe.

I smiled back and accepted his hand. "Klio."

"Right, Klio. I actually know you." Aniya na nagpakunot sa noo ko.

"Paano?" Nagtataka kong tanong. Maybe that's why he's familiar to me?

Pero saan ba kami nagkita noon?

But before he could even answer my question ay may humila na sa akin patayo and when I saw who it was ay agad na nandilim ang paningin ko.

"Ano ba?" Inis kong singhal kay Alaric na madilim din ang tingin sa akin.

It's been weeks since I last saw him tapos bigla siyang magpapakita dito?

"Let's go, Klio. Let's talk." Aniya sa seryosong tono at hinila but I resisted.

"Why are you here? Hindi ba't matagal ka na ngang hindi nagpapakita? Bakit hindi mo nalang ipinagpatuloy?" I hissed, not bothering to hide the hurt and hate in my voice.

He sighed. "Okay na rin naman kayo, 'diba? Lagi kayong magkasama sa school. Kaya bakit pa ako magpapakita kung siya naman ang gusto mong makasama?" He uttered and looked away.

I furrowed my brows in confusion. Anong sinasabi niya?

"Tinutukoy mo ba ang sarili mo? Akala mo ba hindi ko alam na may something na naman sa inyo ng ex mo? Akala mo ba hindi ko kayo nakita noon sa Sunken Garden?" I paused to catch my breath, ewan ko, inis na inis na naman ako. "Nakita kita! Pero pinakialaman ba kita? Hindi, 'diba? Kaya bakit ka nandito at nangingialam ngayon?"

Kumunot ang noo niya at madiin akong tiningnan.

"Anong sinasabi mo? Walang kung ano sa amin ni Katia!" Pagtanggi niya. "We're just good friends!" Dagdag pa niya at dumausdos ang kamay sa pulso ko na agad ko namang iwinaksi because I don't like what his touches could do to me.

"Good friends with benefits ba?" I laughed sarcastically. "Hindi na nakakapagtaka 'yon. At okay lang, wala naman akong pakialam."

I was kind of startled when he suddenly groaned like he was frustrated already.

"Kung ikaw, walang pakialam, pwes ako, meron. I don't like what you're thinking, Klio!"

I raised a brow. "At bakit? Kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa sinasabi ng iba tungkol sa 'yo? 'Diba wala ka rin namang pakialam sa gano'n?"

He shook his head and massaged his temple.

"Sa sinasabi ng iba, wala. Pero sa sinasabi mo, meron." He answered which made my insides flinch.

What is he doing? Is he playing with me using his words? Damn him!

"Bakit? May gusto ka ba sa akin? At takot kang masira ang imahe mo sa paningin ko?" I laughed again but when my gaze fell to his eyes again, pakiramdam ko ay may kung ano na namang humihigop sa akin palapit.

His eyes were so enticing which made me silent for seconds. And as I looked at him, I felt something beneath me...something throbbing and something yearning for him.

What could these intense feelings be? Ayoko nito.

I shook my head in frustration. Hindi pwede 'to. Hindi.

Mas lalo namang tumindi ang nararamdaman ko nang hapitin niya ako palapit at masuyong tinitigan sa mata.

"Paano kung oo?" He asked with his sleepy eyes and I couldn't even blink my eyes as I looked at him.

I felt tranquilized and bewitched at the same time.

"I missed you, babe. And damn, I'm so jealous." He uttered before planting a gentle and sweet kiss on my lips which almost made me lose my mind.

Bewitching the TempterWhere stories live. Discover now