Chapter 31

1.4K 54 2
                                    

"Oy Chrystal napakabagal mo naman umakyat! Halika na dito baka may makakita pa satin!" Sigaw ko kay Chrystal na paakyat ngayon ng puno. Nandito kami ngayon sa puno ng mangga nakatambay dito sa taas ng puno. Malamig dito e.

"Teka naman kasi, bakit ba kasi kung kelan nag skirt ako saka ka mag aaya umakyat ng puno." sabi nya saka dahan dahan umakyat.

Si Mau at Nads naman ay nandito nadin sa taas kasama ko at busy sa pag kain ng mangga.

"Kung ako sayo Chrystal iiyak nalang ako " sabi ni mau HAHAHAHAAHAH pano ba naman kasi kanina a sya nahuhulog. May hagdan naman sa gilid ayaw kuhanin

"Mauna ka umiyak. Sampalin kita dyan halimaw e" inis na sambit nya. HAHAHAHA hindi pa din nya napapansin yung hagdan sa gilid. Shunga talaga tong kurimaw na to

"Ayon kasi hagdan Chrystal sa gilid oh ikaw nalang iniintay nung hagdan. Nag papakahirap ka dyan." Sabi ko.

Agad tong nilingon ang tinuro ko at nag liwanag ang mga mata.

"Hala bobo oo nga no." Sabi nya at agad na kinuha ang hagdan

Pag ka tapos nito umakyat ay binigyan namin ito ng mangga. Nag balat kami kanina bago kami umakyat dito para may nilalamon kami saka namin nilagay sa Tupperware, may sawsawan na din na asin na may sili.

"Grabe yon kapagod" sabi ni Chrystal

"May sagot na ba kayo sa mmw assignment?" Tanong ni Nads

May assignment kasi kami sa asawa ko. Tapos nako basic lang naman.

"Tapos kona akin" sabi ko

"Pakopyaa! Napakadaya mo naman dika nag sheshare!" Reklamo ni Chrystal

"Sige mamaya pag baba natin." Sabi ko naman, saka nag patuloy sa pag nguya.

Sa kalayuan ay natanaw ko ang napakaganda kong misis na nag lalakad papuntang quadrangle. Baka pupunta sa library. Pag katawid kasi ng quadrangle mapupunta ka sa building kung nasan ang mga med students and library.

Pero biglang nakunot ang noo ko nung nakita ko kung sino yung sumusunod sakanya.

Yung tinawag nyang Ramirez sa office nya.

Nakita kong hinawakan nito sa braso si Maze at may sinabi ata. Nilingon naman sya ng asawa ko.

"Hoy bakit nakakunot noo mo dyan? Maasim ba?" Tanong ni Mau.

Tinuro ko naman sakanila yung tinitignan ko.

"Ay si Sir Ramirez pala yan. Nag sub sya dati nung nag online class ka" sabi naman ni Chrystal

" Oh.. close sila ni Maze? " Tanong ko. Hindi ko matago ang selos ko. Naiirita ko ayokong nakikitang may ganon na kalapit na lalaki o babae sakanya.

"Oo sila mag kasabay ni Maze mag lunch lagi nung panahon na wala ka dito sa school kasi binabantayan mo si Steffy kasi diba akala mo nga preggy" sabi nya.

Agad ako nakaramdam ng konsensya. Naalala ko nanaman mga panahon na yon. Kung alam ko lang sana nung mas maaga pa. De sana ako kasama ni Maze.

" Tara baba na tayo ala nako sa mood" sabi ko pero bago pa sila maka reac ay nakatanggap ako ng text kay Maze.

From Wifey : where are you? Come to my office let's have lunch.

To Wifey: nasa taas ng puno nakatambay kasama ko sila Chrystal.

Talking Bout My GirlWhere stories live. Discover now