Pangalawa - Milan

1 0 0
                                    

Ang talumpati ni Milan

Katahimikan, ano nga ba ang katahimikan para sa karamihan? kung ako ang tatanungin; katahimikan ang sagot ko sa lahat, katahimikan ang kalayaan ko sa magulong mundo na pati sarili ko ay hindi ko maintindihan.

Pinanganak ako sa San Antonio, Texas, US. isang tagapamahala ng malaking hospital ang tatay ko kaya lumaki akong hindi pinaghihirapan ang isang bagay na gusto ko. madalas kami magtalo ni dad about dito pero si mommy kasi ang madalas kong kakampi, madalas nasasaktan ako ni daddy dahil lumalaban at pinaglalaban ko ang gusto ko, ayoko kasing umasa sakanila. malaki na ako para maunawaan lahat ng dapat kong maunawaan pero nauuwi parin sa sagutan at sakitan.

"Mas mabuti sigurong umuwi ka muna sa probinsya namin sa mindanao, anak" saad ni mommy habang may hawak na panggamot sa sugat sa labi ko.

"Ayokong palagi kang may sugat at pasa dahil sa daddy mo, tatawagan ko ang lola mo" hinawakan niya ang kamay ko at iniwan ang ointment para sa sugat ko.

Tumayo ako at nilock ang pinto bago humagulgol ng iyak, "bakit ang daya ng mundo sa'kin?", "bakit si daddy pa ang nananakit imbes na protektahan niya ako?" ayan ang mga katanungan na nakapasan sa bawat patak ng luha kong napatak sa aking sapin sa higaan. mas minabuti ko na sumunod nalang kay mommy, lunes na nang makaalis ako sa bahay namin. sinamahan ako ni mommy pauwi sa bahay nila sa province.

Sobrang tahimik ng lugar nila, ang lapit lang rin sa dagat ng bahay at mapuno. iniwan ko sila mommy at lola na magkausap kasi alam ko namang ako na naman ako pag-uusapan nila lalo na si lola na sobrang protective baka mapansin ang sugat sa labi ko na gawa ng sarili kong tatay. nag-ikotikot ako habang kinakabisado ang lugar na iyon, may nakita akong batang babae na nakaupo malapit sa dalampasigan, sinundan ko siya at pinanood ang mga hakbang niya mula sa malayo.

Nakatulog ito dala na rin nang ganda ng panahon umupo ako malapit sakan'ya habang nakatingin sa malayo, gusto ko sana siyang gisingin upang magpakilala kaso mukhang masarap at mahimbing ang pagkakaidlip nito kaya hindi na ako nag-abala pang mang-istorbo. pinagmasdan ko ang ganda ng lugar nila, ang huni ng mga ibon, awit ng hangin habang hinahaplos ako at ang ingay ng dalampasigan kapag itong nahampas na sa dulo ng mga buhangin.

Dinadala na rin ako ng antok, chineck ko ang oras at maggagabi na pala baka hanapin na ako nila mommy kaya tumayo na ako at sakto nagising ang batang babae. tumayo rin ito at paglingon sa likod at nakita ako.

"Bibiluging matang nakatingin sa akin, mapupulang labi, at ang inosenteng mukha.." sambit ko bago mawalan ng ulirat.

Naririnig ko pa ang boses niya, ginigising ako. mali atang pumunta ako dito kaysa magpahinga, patawad bata ako'y napapagod.

.

..

...

....

.....

......

.......

........


5:02 P.M

Mula kay Calem

'Napakaganda naman nitong babaeng nakasandal sa may puno na paborito kong akyatan simula pa noong nagkaisip ako, mukha siyang bagohan dito dahil ngayon ko lamang siya nakita. Ang tagal naman niyang magkamalay anong oras na, malamok na hindi bagay sakan'ya madampian ng lamok napakakinis ng balat, gatas siguro ang nililigo nito'

Nagkamalay ito at tumayo, humingi siya ng tawad at tinitigan ko lamang ito dahil nakakatulala talaga ang kagandahan niya.

Mula kay Milan

"Pasensiya na talaga, napagod kasi ako sa biyahe papunta dito"

Napaisip ako kung may nagawa ba ako or nakaabala dahil nakatingin lamang siya sa'akin, kinapa ko ang mukha ko para sumenyas kung may dumi pa pero nakatingin lang talaga siya sa'kin.

"Hello? okay ka lang ba?" tanong ko dito at tsaka lang siya nakasagot sa'kin.

"A-ah, sorry, oo. kamusta ka?" tumayo ito at napangisi ako dahil ang liit niya

"Bakit? anong nakakatawa?" seryosong tanong nito

"Wala, pasensya ka na talaga pero kailangan ko na mauna dahil baka nag-aalala na sila mommy sa'kin"

"T-teka"

Tumalikod ako at tumakbo palayo sa lugar na 'yon, sa lugar kung saan nakadama ako na parang nandoon ang tunay kong tahanan.

Hindi naman pala kalayuan ang lugar dito sa bahay nila lola, nang makauwi ako ay sumalubong si mommy na alalangalala sa'kin, sinabihan ko naman itong h'wag mag-alala sapagkat nag-ikotikot lang ako para makabisado ang lugar pero binalaan parin ako sapagkat kakarating ko palang sa lugar na ito.

Masaya at tahimik ang pamumuhay dito, malayo sa Manila kung saan masyadong maingay at matatawag mong siyudad. sa kahoy nga lang pala nagluluto ng pagkain si lola, pinanonood ko siya habang nagkukwento siya ng masasayang alaala nila mommy nung bata pa. napansin nito ang sugat sa labi ko at nagtanong kung napaano ito, sinagot ko na lamang siya na h'wag nang alalahanin dahil maliit lamang ito, nakatulong ang ointment dahil kahit papaano ay hindi ito nagiging sariwa bagkus ay natutuyo.

Gasera lang ang ilaw, kahoy na sumusuporta sa apoy para makapagluto, family bonding. 'pagkatapos namin kumain ay hinayaan ko na si mommy maghugas ng plato at tumambay sa labas ng bahay ni lola, gumawa ako ng Campfire habang nagbibilang ng bituin sa kalangitan.

I haven't introduce myself yet, i'm Milan Moore, 17 years of age, on College year.


.

..

...

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Nov 26, 2022 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

Semicolon;Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt