Una

4 0 0
                                    

Passed 4 P.M in the afternoon of June. 7, 2010













Tanda ko parin yung araw kung kailan kita nakilala.

"ay palaka!" saad ko dahil sa gulat nang bigla kang sumulpot sa harapan ko't natumba. "gising ate" sabay tapik ko sa pisngi nito.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakakilala ako ng taong hindi ko inaakalang makakasundo ko sa lahat ng bagay lalo sa mga gusto kong gawin na inaayawan ng mga nakapaligid sa'kin.

Nakilala kita sa panahong kailangan na kailangan ko ng makakasama at makakaramay dahil sobrang bibigat na ng mga salitang lagi kong bitbit, pareho pala tayo.






June. 7, 2010 - 2A.M





Mula kay Calem





Alas dos na ng madaling araw nang magising ako dahil na rin sa kaba at unang araw ng pasukan. Tumingala ako sa kisame at nang magising ako ay 6:00 A.M na, late na ako para sa unang araw ng pasukan. Bumalikwas ako kaagad ng bangon mula sa pinagkakahigaan ko dahil ang ayaw ko sa lahat ay mapunta ako sa sitwasyong tatawanan ako ng lahat.

Pag-bangon ko ay agad akong nagtungo sa banyo upang maligo, nagmadali ako sa lahat ng gawain ko pati nga ang pagkain ay nakalimutan ko na. hindi naman sa pagsira ko sa mga magulang ko pero malayo talaga ang loob ko sakanila simula bata palang dahil sa tingin ko ay hindi nila ako maintindihan kaya ako na ang dumistansya, at isa pa mas gusto nila ang nakatatanda kong kapatid dahil mas magaling ito sa pag-aaral kumpara sa'kin. palagi itong may inuuwing certificate of honory title dahil napahusay nang ipinapakita nito sa kanyang pag-aaral kumpara sa'akin kaya madalas akong ma-bully na kahit sa mga magulang ko ay napupuna ako.

Anong oras na ng makarating ako sa paaralan dahil na rin sa malayo ang pinapasukan namin ng kapatid ko mula sa bahay namin, doon rin kasi gustong ipasok nila mama si kuya dahil na rin mataas ang pangarap nila para dito. si kuya lang ang namilit na isama ako sa paaralan niya kahit na college na siya at ako ay kasalukuyang nasa junior high school pa lang.

"Ikaw ija" saad ng gurong nagsasalita sa harapan namin, sabay turo sa'akin.
"Anong idea mo sa subject ko?" patanong na sagot nito at lumapit sa akin.

Sa likod ako naupo kasi mahiyain akong tao, at isa pa takot ako makipag-socialize dahil na rin sa ayoko nang kahit anong gulo o kahit ano mula sakanila, sapat na sa'kin ang katahimikan at ang daladala kong notebook kung saan madalas akong sumulat ng tula at mag-drawing ng mga bagay na napasok sa isip ko.

"Ano nga po palang subject ang hawak mo, ma'am?" tanong ko dito at nagtawanan ang aking mga kamag-aral.

Sa mga oras na iyon ay nanginginig na ako sa aking kinatatayuan dahil sa pag-aakalang ako ang tinatawanan nila, napansin 'yon ng aking guro at pinaupo na lamang ako.

"Anong nakakatawa? may nakakatawa ba?" saad nito at bumalik sa harapan.

Ang subject pala na hawak niya ay Edukasyon Sa Pagpapakatao, kaya pala masyadong mabait.

"Pwede bang magpakilala ka, ikaw na batang babae sa likod" sabay ngiti sa'kin.

tumayo ako at sinambit ang pangalan ko, "Magandang umaga, ako nga pala si Calem San Diego, 15 yeardold at kung itatanong niyo kung kapatid ko si Jad, nakatatanda ko siyang kapatid" saad ko sabay upo, napansin kong halos lahat sila ay kilala ang kuya ko, sino ba namang hindi makakakilala sa isang matalinong representative ng campus namin.

Mabilis na lumipas ang pangkaraniwang araw, hindi ko na nga napansing uwian na pala. nagulat ako nang makita ko si kuya na nasa labas ng classroom namin.

"Kuya? bakit ka nandito? nakakapanibago ha" saad ko sabay ngisi nito.

"Sabay na tayong uuwi simula ngayon, ayokong mag-isa umuwi ang kapatid ko" sabay ngiti nito sa'kin.

Hindi ko pala nabanggit na kahit malayo ang agwat sa lahat namin nitong kuya ko ay kahit papaano magkasundo kami, minsan nga lang ay hindi ko siya nakakasama dahil busy siya sa daming gagawin, madalas ay hindi siya nauwi dahil kailangan nilang matapos ang mga pinapagawa sakanila.

Nang makauwi nga'y agad akong nagbihis at pumunta sa lugar na madalas ko tambayan at naglipas ng oras. dito ko nilalaan ang mga oras at araw na madalas ay wala akong pinagkakaabalahan.

Mapuno at walang gaanong tao at naninirahan kasi dito sa'amin, marahil ay probinsya. naupo ako sa ibaba ng puno at nagmunimuni habang pinakikinggan ang himig at huni ng mga ibon, ang katahimikan ng lugar at ang sikat ng araw na tumutugma sa lahat na ani mo'y kantang sakto at maganda ang pagkakaayos ng bawat tunog.

Nakaidlip ako at nang magising ay hindi ko mawari ang panahon. pagharap ko ay may taong bumungad sa harap ko, napakaganda ng mga mata at napakaamo ng mukha, hindi na ako nakapagsalita dahil natumba ito at agad kong sinalo.

"gising ate".














































tulang naisulat sa katahimikan ng paligid.

isang pangkaraniwang araw
huni ng mga ibon,
busina ng mga sasakyan,
at paaralang napakalaki.

isang taong nakaupo
sa punong malayo
kay gandang pagmasdan
tunay na napakaganda.

Semicolon;Where stories live. Discover now