"Eksperimento?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Come on, dear. Alam mo ang tinutukoy ko," she continued, laughing.

Bigla namang may pumasok sa isip ko. Tama ba ang sinabi niya? Kung totoo man ay tama rin ang hinala ko. Paano niya nalaman ang lahat ng 'to?

"Bakit mo kailangang malaman ang tungkol sa 'kin?" Matagal ko ng gustong sagutin niya ang tanong na yan. Bakit?

"There's no such thing as peace for humans and vampires. Hindi sila pwedeng tumira sa iisang mundo... at alam mo 'yun." She answered, leaning her back at the window. "Kailangan kong kompirmahin ang tungkol sayo upang makita kung siya ba ang half-ling na nagtatag ng organisasyon. Dahil ibang-iba siya sa unang nakilala ko." Nagkibit-balikat siya. "Ngunit Base sa nakikita ko... siya nga."

Umiling akong pinagmasdan siya. "Nagkakamali ka," salungat ko sa sinabi niya. "Hindi siya ang pabaya kong ina," pagtuloy ko.

"You will be the trigger, Quila. You will..." Iyan ang mga huling salita niya bago ko nasaksihan ang biglang pagkawala ng kaniyang malay.

Hinayaan ko siyang mahulog mula sa bintana. Kinuha ko ang papel na nakalagay sa mesa kung nasaan ang inumin niyang alak na may halong lason. Naglakad ako papunta sa kinaruruonan ng mga dugong kinuha nila mula sa transaksyon. Ibinigay ko kay Kaylee ang code at hinayaan siyang buksan ang pinto.

Hindi pa rin maalis sa isip ko ang tungkol sa mga sinabi niya.

"Hindi mo yata binisita ngayon ang lalakeng kinahuhumalingan mo?" Pagkuha ni Kaylee sa atensyon ko habang nililikom niya ang mga kailangan naming ibalik sa headquarters.

"Shut up, Kaylee." Sumbat ko sa kaniya.

Hindi ko naman lagi binibisita si Ledger. Gusto ko lang naman malaman kung bumalik pa ba siya kina Miss Quilliana. Mabuti na lang at nakita kong maayos na siya. He changed his course. Nanatili pa rin siya sa Alderidge University hindi lang bilang Ledger kundi isang Alderidge na rin. Mukhang tinanggap na niya ang sariling kapalaran. Good for him.

Mas naging close rin sila ni Nisha. Kapag binibisita ko si Ledger sa hindi kalayuan ay nakikita ko silang magkasama. Mabuti na't may nanatili pa rin sa tabi niya.

Kay Blaine? Ang alam ko nagpakalayo-layo muna siya kasama ang pamilya niya. Hindi naman masama ang loob ko dahil sa nangyari. Alam kong nilamon lamang siya ng mga salita ng kaniyang ina.

"Hindi ba't nobyo mo siya?" Pagpapatuloy ni Kaylee.

"Hindi," tipid na sagot ko.

"Unrequited?" She asked again.

I decided to ignore her. We may be close but I won't tell her about my feelings.

Pagkatapos naming makuha lahat ay inilagay na namin ito sa sasakyang gamit namin kanina. Si Kaylee ang magmamaneho. Habang pabalik kami sa headquarters ay naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Ares. Wala na akong narinig mula sa kaniya. I tried to find her but I failed.

"Kumusta na ang pagpapatawag niyo kay Mr. Ayonli?" Tanong niya habang nakatingin anng diretso sa daan.

"The last summon will be at the end of this month. Kung hindi pa siya magpapakita ay idadaan na namin sa dahas ang pagkuha sa kapatid ko." Sagot ko sa kaniya.

Aside from the council, Kaylee is also aware of my motives for joining them. The only reason I'm doing this is to take back my sister. Wala akong pakielam kung si Miss Quilliana ba o ang VMC ang makakatulong sakin basta mailabas ko lamang ang kapatid ko.

"Paano kung ayaw umalis ng kapatid mo?"

"Anong klaseng tanong 'yan?"

"Possibilities," she answered.

"Walang dahilan ang kapatid ko upang manatili sa tabi ng halimaw na 'yon."

"Paano kung hindi talaga siya halimaw?"

I can't help but to roll my eyes. Ano ba ang pumapasok sa loob ng utak ni Kaylee at naisip niya ang mga bagay na 'yan?

"Kung gano'n paano niya nasikmurang ikulong kami ng mahabang taon?" Tanong ko sa kaniya pabalik. Walang magandang rason para gawin niya sa amin 'yun.

"Kasi pinoprotektahan niya kayo?" She added.

"Saan? Sa sarili niya?" I mocked.

Hindi na muling umimik si Kaylee hanggang sa makarating kami sa destinasyon. Ibinaba ng mga naghihintay samin ang mga nakuha mula kay Lora. Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa kwarto namin na nasa pangatlong palapag pa ng gusaling ito.

Habang naglalakad ay nakita ko ang ilang nakasuot ng kulay asul na bistida. Naglalakad sila kasama ang mga naka-itim na bampirang may hawak sa kanilang braso. Ito ba ang tinutukoy ni Lora? Nilagpasan nila kami at napahinto naman ako.

"Mauna ka na," sambit ko kay Kaylee.

"Sumunod ka rin agad." Sagot lang niya bago tumuloy sa paglalakad.

Muli kong tinignan ang kaninang mga bampira na dumaan. Mukhang patungo sila sa ibabang palapag ng gusali. Sa buong pananatili ko rito ay hindi ako nangahas na tumapak sa lugar na 'yon.

Hindi ko napansin na patungo na pala ang aking mga paa sa sinasabi kong lugar. Restricted Area ang nakalagay sa isang bakal na pintuan. Kailangan ko ng identification card upang makapasok. Muli akong bumalik sa unang palapag. Naglakad lang ako sa mga pasilyo hanggang sa mahanap ko ang nag-iisang empleyado na abala sa binabasa nitong dokumento. I grabbed and prick his neck to make him fall asleep. Ikinulong ko siya sa isang silid at kinuha ang kaniyang ID.

Nang matapos kong kunin ang suot niya ay bumalik na ako sa basement. Pagkapasok ko sa lugar ay sumalubong ang dalawang nakaitim na uniporme habang hawak ang babaeng walang malay na nakasuot ng asul na bistida.

I avoided their gaze. Madilim at puro yari sa bato ang buong pasilyo. HIndi ko maiwasang sumilip sa silid na pinanggalingan nung tatlo. Pumasok ako. Para itong isang hospital... hindi. Mas mukha itong laboratoryo dahil sa mga kagamitan sa loob.

Akmang hahawakan ko ang isang gamit nang bigla akong nakaramdam ng hilo. Sobrang sakit ng ulo ko dahilan upang mapaatras at maisara ko ang pinto. The steel door echoed. Napapikit ako.

Nakikita ko ang mga mapupulang mata na labis ang panghuhusga na nakatingin sa akin. Alam kong bampira silang lahat. Pero anong ginagawa ko rito? Bakit sila ganiyan makatingin?

"She's a threat..."

"Kaya nga gumagawa tayo ng paraan."

"Kaya niya tayong mahigitan kahit bata pa siya. She's too powerful."

Do'n ko na rin narinig ang iyak ng isang bata sa likuran ko. Nang lumingon ay laking gulat nang makita ang dating ako. Ang inosenteng ako, nakaupo sa malamig na sahig yakap ang sarili. Kitang-kita ko kung paano nag-iba ang kulay ng kanan kong mata. It was gold. What was happening?

"Avyri, papagalingin ka namin. Huwag kang mag-alala." Sabi sa akin ng isang babae. Her face was unrecognizable but her voice was clear and familiar.

"Subalit wala naman po akong sakit." Sagot ng batang ako sa kaniya. "Nasaan po ang ate ko? Anong ginawa niyo sa kniya?"

"Maayos siya dahil tinurukan din namin ng gamot na ibibigay ngayon sayo." Sabay pakita niya ng malaking hiringgilya na may laman na kung anong likido.

Agad akong umatras at tinapik ang hiringgilya na iyon. Dumating naman ang iba niyang kasama. Pilit nila akong hinawakan upang maitusok ang gamot na 'yon. Nagpupumiglas ako hanggang sa lumabas ulit ang gintong kulay ng kanan kong mata at sa isang iglap bigla silang nawalan ng buhay.

Napahawak ako sa dibdib habang pinapakalma ang sarili sa mga naaalala ko. I was about to grab the doorknob when I heard footsteps approaching.

Extinction: The Curse Of TimeDär berättelser lever. Upptäck nu