Kabanata XXXVII

Magsimula sa umpisa
                                    

Puta meron parin!

Hmp! Maka ligo na nga. If I know nagpa facial lang 'yun. Naku! Kung mayaman lang talaga ako.

Medyo matagal akong naligo ngayon. 'Yung tipong kinalampag na ng kapatid ko 'yung pinto ng banyo dahil naiihi na daw siya.

"May isa pa namang banyo?!" sigaw ko.

"Naliligo si Mama doon! Bilisan mo Adrianna!"

"Teka lang mag a-anlaw lang ako!"

Charot, hindi pa nga ako nakakapag sabon. Maghintay ka jan ate! Muhahaha!

Tangina para nga akong demonyo tumawa.

Pagka tapos ko ay dumiretso na ako sa kwarto ni Ate. Laking pasasalamat ko at bukas pa ang aircon dito. Ni-lock ko 'yung pinto at pinahiran 'yung buong katawan ko ng lotion. Pati mukha ko nilagyan ko na din. Pwede naman 'yun diba? Body lotion 'to e. Part ng body ang head.

Galing ko talaga.

Ano kaya isu-suot ko? Tokong nalang tsaka blouse. Uso pa naman 'yun diba? Tapos kahit basa pa 'yung buhok ko, itinali ko na 'to. Tutal maikli na, mabilis lang siya matutuyo.

Nang matapos na ako, umupo ako sa kama ni Ate at dinampot 'yung iPad ko para maka pag wattpad.

Hindi nagtagal ay pumasok si Ate ng naka twalya lang. "Ayan na suot mo?" Naka simangot na tanong niya sakin. "Harbor point pupuntahan natin hindi palengke."

Nagkibit balikat ako, "Simple lang gusto ko."

"Simple ba 'yan?" tinaasan niya ako ng kilay. "Mukha kang tanga." Sinamaan ko siya ng tingin pero tinalikuran niya lang ako at binuksan 'yung cabinet niya. "Huling weekend na nila Mama dito, baka mag restaurant tayo kaya mag ayos ka. Ang tagal tagal mo sa banyo ta's 'yan lang isusuot mo."

"Ano pala?"

May hinila siyang dress sa mga damit na naka hanger. Ito 'yung suot suot ko last christmas at hindi na sinuot ulit.

"Eto? Inamag na dito sa cabinet ko. Hindi mo sinusuot."

Kumuba ako, "Pang may okasyon lang 'yan e."

"Tanga, hindi" sagot niya bago 'to ihagis sakin. "Sundress 'yan. Pwede mo i-terno 'yung chuck taylors mo jan."

Ngumuso ako. Kunwari ayaw pero gusto din naman. Medyo binagalan ko pa ang pag palit para hindi niya mahalatang gusto ko 'tong idea na 'to.

"Umupo ka doon," itinuro niya 'yung upuan sa may vanity mirror niya. "Patuyuin natin buhok mo para 'di sumabog at mag mukhang dry."

30 minutes later pati kilay, pilik-mata, at labi naayos na ni Ate Sky. Tinawag niya si Mama at Papa para tignan daw ako. Agad akong nahiya sa mga compliment nila. Aniya'y nag iba daw ang itsura ko at mas bagay sakin 'yung mag ayos. Naku! Kapag nawala lang talaga 'tong mga connect the dots ko... wala ng Abigail. Adrianna nalang.

Mga bandang alas onse, may narinig ako sa may gate. "Adrian? Tao po. Adriaー" tumahol si Whitey. "Aaaah!!"

Asher.

Kunot noong naglakad ako papalabas ng bahay at papunta sa may gate. Nakalimutan ko pa ang ayos ko kaya naman nagtaka pa ako sa ekspresyon sa mukha ni Asher.

"Wow, babae ka na."

Kahit nasa kabilang side siya ng gate, inambahan ko siya at agad naman siyang umilag. Tanga din e.

"Biro lang," aniya. "Aalis pala kayo?"

"Oo," sagot ko. "Pupunta kaming harbor point."

"Kaya naman pala naka ayos," ngisi ngising aniya at agad 'tong napawi nang tumahol nanaman si Whitey at dinakma 'yung gate. "Ano nanaman? Pampam 'tong asong 'to. Iluto kita e. Gusto mo? Hmmーaah!"

"Whitey, down" utos ko. "Down girl."

"Girl?!" gulat na sabi ni Asher bago sumilip sa baba. "Wala palang etits 'yan?!"

"Wala," sagot ko na para bang nababaliw na siya. "Babae 'yan, tanga."

"Eh sino pa nang-rape doon sa aso ng kapit-bahay niyo?" Binabaan niya boses niya. "Ang pangit nung mga tuta. Buong akala ko sakanya galing."

"Ang cute cute kaya ng mga tuta nila Audrey!" sabi ko. Si Audrey, 'yung bata sa kapit bahay.

"Hindi kaya."

"Ewan ko sa'yo," inirapan ko siya. "Ano ba ginagawa mo dito? Bilisan mo bago ako mangitim sa araw."

Tumawa si Asher, "May ii-itim ka pa ba?"

"Ano bang gusto mo?" tanong ko sakanya. "Tangina ang sakit mo mag salita ah."

"Joke lang babe," natatawang aniya. "Wala naman, dumaan lang ako. Punta ako kina James e."

"Ah, okay."

"Gusto lang kita makita."

"Naks naman."

"Kiss sana kita kaso nakawala 'yung gremlin e," tumawa siya at nahihiyang tumawa din ako. Mas lalo lamang lumawak ang ngisi ni Asher. Gusto niya 'yung ganung tawa? Parang tanga na pabebe? Edi okay. "Sige na pala, ingat kayo ah."

"Opo!"

"Pramis?"

Tumango ako, "Peksman."

• • • • • • • • • •

Sunday ng gabi, magka skype kami ni Asher.

"Parang tanga din nu?" aniya. "Ang lapit lapit lang natin sa isa't isa, pa-skype skype pa."

"Uso e," sagot ko habang sinusuklay 'yung buhok ko at binabasa 'yung libro ko sa Mapeh. May quiz kami bukas kaya kailangan sauluhin ko mga nakasulat dito sa page 132 hanggang 135.

"Ano ba 'yang binabasa mo?"

"Sa Mapeh nga."

"Pa ganyan ganyan ka pang nalalaman."

"Bakit ba?" tinaasan ko siya ng kilay. "Gusto ko pumasa e."

"Buti pa kami walang ganyan bukas."

Hindi ko na siya sinagot at nagpatuloy lang sa pag re-review. May sarili din naman siyang ginagawa kaya ayos lang.

"Gusto ko kamo buhok mo," biglang sabi niya kaya naman napatigil ako at napatingin sakanya.

"Maikli o mahaba?"

"Pareho," sagot niya ng hindi nakatingin bago amuyin 'yung pambura na hawak hawak niya.

"Bakit naman?"

Binaba niya 'yung pambura at nagkibit balikat bago ako tignan. "Nag hang 'yung cam mo," ta's nagsimula siyang tumawa. As in ang lakas ng halakhak niya. "Naka pikit ka ta's nakanganga! Hahaha! Mukha kang tanga!"

"Tangina mo, 'di nga?"

"Oo nga! Ayan oh! Hahahaha!"

"Ulol!"

Tawa parin siya ng tawa. Kundi ko lang gusto 'yung tawa niya e kanina ko pa siya binabaan.

"Ano ba Asher!" inis na sabi ko nung hindi parin siya tumitigil.

"Eh kasi tignan mo! Hahaha! Teka, screencap ko."

"Wag kasi!"

Dinampot ko 'yung iPad at bago ko pa man 'to mai-end call, naputol na.

Adrianna.Gomez: Anyare?

AJMartinez_: Napindot ko -___-
Sayang

Adrianna.Gomez: Ay tanga, hahaha!

AJMartinez_: Ang saya niya oh

Adrianna.Gomez: Bobo mo kase

AJMartinez: Oo na
Kundi ka lang maganda
Inupakan na kita e

STASG (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon