Pakiramdam ko ngayon ay tinutusok na naman ang aking puso. Siguro ganito ang nararamdaman ng isang babaeng umiibig kapag iiwan ang mahal nilang lalaki?

Ngunit sa pagbalik ko sa Kombento ay maraming kasalanan naman ang aking dadalhin at lubos na akong nahihiya sa aking sarili.

KINABUKASAN ay lulan na kami ng sasakyan nila Tita papunta sa puntod kung saan ang kinaroroonan ng yumao nilang magulang.

Hindi sana ako sasama kase para naman iyon sa pribado nilang pamilya pero si Colosas ay pinilit ako. Ganoon din si Tita Carolina, para daw makilala din ako ng Lola ni Colosas.

Nandito kami sa likod at magkatabi ni Colosas, na katabi naman si Clarit. Ayaw nitong sumakay sa sasakyan ng kaniyang Ina dahil gusto daw nitong katabi si Colosas, kaya hinayaan na lang kahit ayaw din ni Colosas na katabi ito. Ako na ang naki-usap dito.

"I have this manliligaw na ubod ng kulit kahit binasted ko na at ilang ulit pang binasted, pero ang kulit!"Bumungisngis ito at panay pa ang kapit sa braso ni Colosas.

Si Colosas naman ay tanging Hm lang ang sinasagot sa pinsan niya na pansin mong wala siyang ganang makinig, pero nakatitig lang sa akin ang atensyon nito, kanina pa.

Kanina pa din kinukwento ni Clarit ang tungkol sa mga manliligaw niya at panay ang basted niya sa kanila, kase daw ay hindi naman niya type.

Napapitlag ako sabay tingin ko kay Colosas nang humilig siya sa balikat ko. Sumenyas ako na umayos siya kaso ay napanguso ang labi niya at saka nginisihan pa ako, nakayapos sa baywang ko ang braso nito.

"Iiglip lang saglit." Bulong niya sa akin na kinainit ng pisngi ko, bago niya pinikit ang mga mata, at saka isiniksik sa aking leeg ang mukha.

Nakita ko naman ang nanlilisik na mga mata ni Clarit na agad kong kinaiwas, para kaseng handa ako nitong sugurin sa paraan ng titig nito.

Hinayaan ko na si Colosas at tinuon ang pansin ko sa aming dinadaanan. Ilang sandali pa ay narinig ko ang malalim na paghinga ni Colosas, na siya ay tuluyan ng nakatulog.

"Hoi! Ano ba ang nagustuhan ni Colosas sa'yo, ha?" Mahina ngunit puno ng talim ang boses ni Clarit na siyang kinatingin ko sa gawi niya. "At parang baliw ang pinsan ko sa pagbanggit sa pangalan mo!"

Madiin nitong hawak ang cp nito habang nanlilisik sa galit ang mga mata na bigla kong kinakaba.

"M-magkaibigan lang kami—"

"Huwag mo akong gawing tanga!" Matalim na pagsabat nito, bago dinutdot ang dulo ng cp nito sa noo ko. Napadaing ako sa kirot nang tumama ang matulis na bagay na nakakabit doon sa cellphone niya.

Alam ko na bumakat sa noo ko ang bagay na iyon at ramdam ko din na may munting dugo. Hindi ko matingnan kase nakahawak si Colosas sa magkabilang kamay ko.

Napangisi si Clarit nang makita ang pagdaing ko. May harang sa pagitan ng likod at unahan ang sasakyan nila Colosas kaya hindi makita ang nangyayari dito sa likurang bahagi.

"Mas higit pa diyan ang gagawin ko kung hindi mo lalayuan si Colosas!" Puno ng galit ang banta nito at hindi ko din maiwasan ang takot ko.

Sa nakikita ko kase kay Clarit ngayon ay ibang tao na sinapian ng masamang espirito, base sa pagkalisik ng mga mata nito. Ibang-iba sa babae na nakita ko kahapon.

Napaayos ito ng upo nang makita kong pumarada ang sasakyan sa gilid ng daan. Kasabay din noon ang pagdilat ng mga mata ni Colosas na akma ko pa sanang gigisingin.

"N-nandito na 'yata tayo.." Agad na pag-iwas ko ng tingin nang ngumisi siya sa akin sabay ayos ng upo.

Mabilis niyang binuksan ang pinto at nauna siyang lumabas bago ako inalayan sa paglabas. Nagulat pa ako ng pagkalabas ko ay marahas niyang sinarado ang pinto nang hindi pa lumalabas si Clarit.

"N-nasa loob pa si Clarit." Sabi ko sa kaniya na kintaas ng kilay nito.

"Alam nun kung pa'no magbukas ng pinto." Pagkasabi niya noon ay lumabas ng sasakyan si Clarit at marahas na sinarado ang pinto.

Galit na umirap ito sa gawi na'min ni Colosas at nanlilisik na naman ang titig sa akin, pero hindi na nakita ni Colosas iyon nang hilahin na niya ako sa loob ng sementeryo.

Parang pribado ang sementeryo na ito base sa mga magagandang puntod na nakatayo dito, ang iba ay parang bahay na at sobrang ganda ang pagkakagawa. Hindi halata na isang libingan pala ang nandoon.

Dumiretso kami sa unahan at pumasok sa isang gate ng bahay na libingan. Pinaghalong puti at berde ang kulay ng paligid at sa unahan ay may nakita akong dalawang puntod doon, na yari sa puting tiles.

"That was Lolo's and Lola's tomb." Bulong sa akin ni Colosas na kinatango ko.

Tumigil ako sa paglakad para paunahin sila Tita sa may puntod na kinatigil din ni Colosas, sumunod kami at napalapit sa dalawang puntod. Sinindihan nila Tita ang mga kandila at nag-alay ng mga dalang bulaklak sa harapan ng puntod.

Nang maayos na ang lahat ay tumayo kami bago yumuko kasabay noon ang pag-usal ko ng isang panalangin.

Pagkatapos noon ay binigyan na'min ng oras sila Tita Carolina at Tita Clarita na makasama ang magulang nila sa loob. Nandito kami sa labas.

"Gusto mo ng Kendi?" Bulong ni Colosas mula sa aking likod na kinakislot ko sa gulat, nakadikit ang dibdib niya sa aking likod na kinailang ko pa, dahil nasa tabi lang ang Daddy niya at si Clarit na nanlilisik na naman ang mga tingin.

"S-salamat.." Agad kong pagkuha sa nakabukas ng Kendi, pero maagap si Colosas at siya ang pumulot ng Kendi at inilagay sa aking labi.

Lord ko.. dahil po ba sa kendi kung bakit nagiging matamis sa akin si Colosas? Kase po natutunaw ako..

***
© 2022 MAYAMBAY

Hunstman Series #:7- The Mafia BodyguardWhere stories live. Discover now