Tinanguan ako ni Maze na matulog na ko kaya pumikit na din ako. Napagod kasi ako sa pag dadrive. Medyo malayo tong samin sa tinitirahan namin ngayon ni Maze.

.....

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko. Kinapa ko ang paligid ko at wala na ang mga anak ko. Pag dilat ko ay nakita kong 10 am na pala ng umaga. Nasarap tulog ko ah.

Maya maya ay pumasok si Maze na bagong ligo.

"Goodmorning. The kids are there sa garden kasama si dad. " Sabi ni Maze habang papalapit sakin para tabihan ako.

Ako naman ay kinukusot pa ang mata dahil malabo pa.

"Hmmm. Tinanghali ako ng gising hehe" sabi ko. Nakayakap na sya ngayon sakin

"The kids are laughing so hard kanina, hindi mo nakita" pag kwento nya.

"Ako din gusto ko ng tawa" sabi ko

"Ha? Ede tumawa ka" sabi nya.

"Englishin mo yung tawa. Dalawang beses ha" sabi ko

" Laugh laugh "sabi nya tila naguguluhan padin

" Ayan gusto ko yan. Laugh laugh " sabi ko saka nya na gets at nanlaki mata. Saka ako hinampas.

" Aray naman mahal kakagising ko lang! " Sabi ko.

" Kaya nga! Kakagising mo lang nilalandi mo agad ako. " Sabi naman nya.

" Ayaw mo ba? Para namang wala pa tayong anak kung pag bawalan moko humarot sayo" Sabi ko sakanya kaya nakatikim ako ng suntok at this time ay masaket na talaga. Kaw ba naman sapakin kahit kakagising mo lang.

" Hindi kita pinag babawalan, kahit landiin mo pako mag hapon magdamag okay lang. Tumayo ka na nga dyan! Maligo kana! " Sabi nya saka tumayo at lumabas ng pinto.

Grabe naman ang mommy na yan HAAHAHAHAHAH Sarap talaga pikunin

Agad akong naligo at nag bihis ng cargo shorts na brown at oversized plain black shirt.

Pag ka baba ko ay nakita ko agad ang kambal na nag lalaro sa sofa bed. Dala dala nanaman ni Morris ang monkey nya. Si Raze naman ay bitbit ang teddy na kamuka ng kay mr bean.

Si Maze ay naka bantay lang sa kanila habang nag babasa ng dyaryo. Naka cross legs pa. So sexy.

"Hi everyone! Where's dad?" Bati ko sakanila.

"May kinuha lang sa office." Sabi ni Maze.

Humalik ako sakanya at ganon din sa babies namin.

Agad na sumana sakin si Raze kaya kinarga ko ito.

Inihagis ko ito kunwari sa ere at tuwang tuwa naman. Gusto nila yung ganyan. Tapos yung buhat pa superman gusto nila yon.

Si Morris naman ay hinihila ang damit ko sa baba kaya napa hinto ako at binaba ko muna sa Raze. Saka ko binuhat si Morris.

Tuwang tuwa ito at tumulo pa laway. HAHAHAHSAH sobrang cute nila talaga.

Pag baling ko kay Raze ay naka kandong na ito kay Maze at hinahampas ang muka HAHAHAHAAHA

"Mahal sinasampal ka ng anak mo HAAHAHAHAHAHAH" pang aasar ko

"Tumawa ka pa at ikaw ang sasampalin ko" sabi nya saka ako pinandilatan

" Joke lang love eto naman" sabi ko

After ng kulitan at pag dating ni dad ay umuwi na kami sa bahay namin. Hapon na nung nakauwi kami mga 2:30 pm.

Talking Bout My GirlWhere stories live. Discover now