five

2K 69 7
                                    

Warning⚠️: there's a bit explicit parts here so if you're uncomfortable reading parts like that, feel free to not continue. Thank you!

~•~

Narda's POV

“Isn't it obvious Narda?! I like you!” She shouted out of frustration sakin— teka ano raw????

Isn't it obvious Narda?! I like you!

Isn't it obvious Narda?! I like you!

AKO? GUSTO NI REGINA?!

Patuloy lang ako nakatulala sa kanya kaya mas lalo siyang bumusangot sakin, siguro dahil inaasahan niyang magre-respond man lang ako sa confession niya. Paano ako magre-respond eh hindi ko nga alam sasabihin eh!

Ito namang si Regina nambibigla naman agad eh.

“Narda please say something naman” mukhang nawala na yung inis niya, her face softens na mukhang nakikiusap ng magsalita ako.

Anong sasabihin ko?

“Ah so ganun? Ganyan ka lang? Titignan mo lang ako?” Sumeryoso naman ang expression niya sakin at mukhang naghahamon.

Kahit gusto ko magsalita, pinoproseso ko pa kasi ang lahat eh, ayokong magpadalos-dalos lalo na kay Regina.

“Magsasalita ka o hahalikan ulit kita” seryosong saad niya sakin kaya nanlaki agad ang mata ko.

“T-teka lang Regina—” “Too late Narda” hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko nang halikan niya ko sa pangalawang beses, mas matagal ito kumpara sa unang halik na ginawa niya.

Nang matauhan na ako ay agad ko siyang tinulak ng marahan na ikinagulat niya ng bahagya.

“Sabi ng sandali lang Regina!” Pigil ko sakanya habang hawak ang magkabilang balikat niya palayo sa akin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko jusko hindi ako makakalma sa babaeng ito!

“No Narda” parang bata niyang sabi at hinawi ang dalawang kamay kong nakahawak sa magkabilang balikat niya and tried to kiss me again.

Jusko ano bang nangyayari kay Regina!

“R-Regina kumalma ka nga muna!” Pigil ko sa kanya at tina-try siyang ilayo sakin but she's persistent, niyakap niya na lang ako ng maghigpit at binaon ang mukha niya sa leeg ko. Sinusubukan kong tanggalin ang yakap niya pero ayaw niya talaga ako bitawan kaya ako na lang yung napagod sa kanya.

Seriously this girl. . .

Maya-maya narinig ko na lang yung mahinang singhot niya na parang umiiyak na siya habang yakap pa rin ako kaya bigla na akong nag-alala.

“R-Regina” nag-aalalang tawag ko sa kanya at pinilit ulit tanggalin ang yakap niya sakin para makita ang mukha niya pero ayaw niya pa rin akong bitawan.

“Regina umiiyak ka ba?” Ang babaeng to bigla bigla na lang nanghahalik kanina tapos ngayon bigla bigla rin iiyak?

“Regina nakainom ka ba?” Tanong ko ulit at doon na niya inangat ang ulo niya sakin, she's frowning at me na parang may nasabi akong mali. What? Nagtatanong lang eh kasi ang random niya bigla.

“No, why would you think na nakainom ako? Hindi nga ako uminom ng wine or anything today eh” parang batang nagtatampong sabi niya sakin habang yakap pa rin ang leeg ko.

Namumula yung mata niya, mukhang umiiyak nga siya kanina.

“O-okay, naninigurado lang. Eh ikaw kasi ang random mo eh, nanghahalik ka na lang bigla tapos ngayon umiiyak ka na dyan” saad ko at marahan na pinunasan ang pisngi niya na may luha tsaka siya nginitian. Nakita kong namula pa yung mukha niya sa ginawa ko. . . Gusto niya ba talaga ako? Hindi pa rin ako makapaniwala eh.

She's Regina Vanguardia, magaling na lawyer, famous vlogger, ang may ari ng Vanguardia foundation, boss ko. . .

Tapos ako gusto niya? Bakit kasi ako?? Hindi ko mahanap yung dahilan eh, ang layo ko sa estado niya.

“I-I can't help it Narda, I really like you so much so please don't get mad” maamong sabi niya sakin, bakit ang cute niya ngayon? Malayong malayo sa Regina na nakikita ko sa foundation o sa mga vlogs na napapanood ko sa kanya.

“Regina hindi ako galit, mukha ba kong galit?” Umiling naman siya agad kaya napangiti ako, “Oh, hindi pala eh. Huwag ka ng umiyak dyan” pag-aalo ko sa kanya at marahang pinunasan ang basang pisngi niya dahil sa luha niya.

“Narda” tawag niya sa pangalan ko kaya napatigil ako sa pagpunas ng luha niya, napalunok na lang ako sa sobrang lapit ng mukha niya sakin dahil hindi pa rin naman niya ko binibitawan.

Sobrang ganda niya talaga. . .

“Let me have you please? Kahit ngayon lang, give me a chance hmm?” Natigilan ako sa sinabi niya, Regina hindi mo alam yung ginagawa mo sakin eh.

Paano ako makaka-hindi sa mukhang yan? Pakiramdam ko nag iinit na yung mukha ko sa hiya sa mga sinasabi niya.

Jusko naman po akala ko sleepover lang ito bakit naman hindi ako hinanda sa ganitong situwasyon?!)#(_'&$

Iniwas ko na lang yung mukha ko sa kanya sa hiya dahil pakiramdam ko namumula na ko, ayaw na rin kumalma ng puso ko kay Regina pero ako lang ang nahihirapan dahil mas lalo niyang nilalapit yung sarili niya sakin.

Hindi man lang ako makawala sa kanya dahil ayaw ko naman siyang masaktan, malala na talaga ako.

“Narda” tawag niya ulit sa pangalan ko na parang nakikiusap na, Regina ano bang gagawin ko sayo oh.

Tumigil na lang ako sa pag-iwas sa kanya at tinignan na lang siya ng mariin, para saan pa ang pag-iwas ko kung kahit anong gawin ko hindi na ko makakawala kay Regina.

Mukhang naramdaman niya naman na hindi na ko nagpupumiglas sa kanya kaya unti-unti na naman niyang inilapit yung mukha niya sakin, hanggang magdikit na naman yung labi namin.

Hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya pero hindi pa rin ako gumagalaw, maya-maya tumigil siya ulit siya sa paghalik sakin.

“Bakit ayaw mo ko halikan?” Parang nagtatampong sabi niya sakin at nakapout pa, ang sarap niya tuloy picturan ngayon. Gusto ko matawa sa itsura niya dahil ang cute bigla ni Regina, nagiging ganito talaga siya dahil sakin?

Hindi ko na napigilan at tumawa na ko ng bahagya sa itsura niya kaya mas lalo siyang sumimangot sakin.

“Bakit ka tumatawa?” Nakasimangot niyang tanong sakin pero umiling lang ako nang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko.

Bahala na nga, hindi ko rin naman siya matitiis eh.

This time, ako naman ang nag-initiate ng kiss kaya naramdaman kong natigilan siya dahil sa gulat pero mabilis siyang nakabawi at agad na humigpit ang yakap niya sakin.

I licked her lower lip, asking for entrance that she gladly gave it to me, our tongues battled for dominance and even explored each other's mouth at this point. Naghiwalay lang kami nang maalala namin kailangan pa pala namin huminga.

Pero hindi pa ko agad nakakabawi ng hangin nang halikan na naman ulit ako ni Regina, nagulat na lang ako nang malakas niya kong hilahin hanggang pumaibabaw na ko sa kanya so I quickly broke the kiss.

“Regina anong ginagawa mo?” Kinakabahang tanong ko sa kanya, aalis na sana ako sa ibabaw niya pero pinipigilan niya ko. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa pwesto namin, hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. I feel tense, but in a good way? Hindi ko alam kung nagme-make sense pa ba ang lahat ng sinasabi ko ngayon.

“Your face is so red” wow, nagawa niya pa talaga mang-asar sa situwasyon na to.

“Malamang Regina, sino bang hindi mamumula sa mga pinaggagawa mo” seryosong saad ko pero tumawa lang siya ng mahina sa sinabi ko.

SleepoverΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα