CURIOSITY OF ANNIE

0 0 0
                                    

Natapos ang dinner at agad na nauna si Calmé sabi nito ay may pupuntahan pa daw siya kaya mauna na ako sa kwarto kinawalang bahala ko lang ito dahil baka may sadya siyang pinuntahan.

8:46pm na di pa bumabalik si Calmé ? Takang tanong ko sa isip ko sabagay ilang minuto palang ang nakalipas humiga na ako sa higaan ko dahil dinadapuan na ako ng antok matutulog na ako siguro naman babalik na mamaya si Calmé.

Naalimpungatan ako ng maalala ko na wala pa si Calmé natulugan ko siya napatingin ako sa pwesto niya at nakita ko siyang tulog na duon, ngumiti ako dahil ngayon makakatulog na ako ng maayos because she's here na. Tinignan ko ang oras at it's already 11:43pm bumalik ako sa tulog ko dahil ayaw kong masira ito.

Nagising ako sa pagkakatulog ng maramdaman ko na naiihi na ako hindi ako mapakali kaya dali dali akong tumayo kahit na inaantok pa ako pinilit kong tumayo at pumasok sa cr lumabas akong nakapikit ang isang mata para siguradong hindi pa ako tuluyang magising nadaanan ko ang kama ni Calmé at wlaa siya dito nasaan si Calmé ? Takang tanong ko sa sarili ko at inisip na matulog nalang may ginawa lng siguro.

Ilang araw ko na napapansin na puro ganon ang nangyayari nagiging busy na din si Calmé hindi niya din ako minsan kinakausap dahil sa kabusihan niya kaming tatlo nila Aurora hindi niya na kakausap madalas dahil bigla nalang siyang naging busy at tuwing klase ay napapagalitan siya dahil sa natutulog siya sa klase nagigisingd din ako sa madaling araw na wala siya sa higaan niya.

Sobrang nag hihinala na ako na merong kakaiba kay Calmé pinalipas ko pa ang isang araw halos mag iisang linggo na akong naghihinala kay Calmé na may tinatago siya sa amin. At sa buong linggo din hindi ako kinikibo ni Jared as always naman pala pero hindi ko magawang hindi siya sulyapan tuwing nasa iisang silid lang kami and I consider it normal ganon naman talaga diba?

Pinagisipan ko na pag tapos pa ng isang araw at makita ko na wala parin si Calmé sa kama niya ng madaling araw ay susundan ko na siya mag sspy na ako sa kanya hindi na din kase ako matahimik curious na talaga ako sa nangyayari sakanya hindi naman siya nag sheshare sa akin ng nangyayari. She is hiding something.

Just one more day Calmé....

Tumingin ako sa labas ng binta ng kwarto namin ni Calmé habang nagaayos siya ng pantulog 7pm na ngayon at iniintay ko nalang din siya para sabay na kaming pumunta sa cafeteria. Nilingon ko ito at nakitang may nilalagay sa kanyang bag

"Tara na" nakangiting aya sa akin ni Calmé at pinatong ang bag sa table niya naglakad na ito papuntang pintuan
"Sige tara na" sagot ko dito at naglakad papunta sa kanya habang nag lalakad ay tahimik lang ito kaya tumahimik nalang ako kahit na gustong gusto ko tanungin kung ano ba nangyayari sa kanya bakit nawawala siya tuwing madaling araw pero di ko matanong ngayon kase sigurado iibahin niya lang ang usapan.

Paglabas namin ng building ay nakikita ko siyang sumusulyap sa gilid ng academy tinitignan niya ang labas kita ko ito dahil malayo ang tingin niya "uyy!" Tawag ko dito kay Calmé
Napatingin siya sa akin at ngumiti "yes?" Tanong neto at lumapit sa akin

"Wala lang" sabi ko dito at ngumit
i
Napatingin ako sa loob ng cafeteria dahil sa ingay at amoy ng pagkain yes naman it's time to eat. Napangiti ako at kumuha na kami ni Calmé ng pagkain napatingin ako sa laging inuupuan nila Nathan na upuan nakita ko sila duon na nakain habang naguusap nangunguna pa si Claude sa kaingayan habang nakikinig lang sila Vero dito napatingin ulit ako kay Calmé at napansin na nagmamadali na naman siya sa pagkain na parang may pupuntahan habang nakain ako ay naalala ko na sa susunod na linggo ang training namin ni Jared

After dinner bumalik na kami ni Calmé sa dorm and ang strange parin ng acts ni Calmé humiga nalang ako sa kama ko at inayos ang kumot ko bago nag sabi kay Calmé na matutulog na ako tumango ito at nagpatuloy sa ginagawa niya nag aayos siya ng gamit niya ngayon yung bag na lagi niyang inaayos ang inaayos niya na naman ang weird ano ba kase laman ng bag na yon ba't niya laging inaayos??? Pinikit ko nalang ang mga mata ko at matutulog na ako sumasakit na din ang mata ko eh..

Naalimpungatan ako ng may narinig akong nagsarado ng pintuan napatingin ako dito at nakita kong wala na naman si Calmé sa kama niya eto na kahit na antok na antok pa ako ay kinuha ko ang cardigan ko at dali daling bumangon titignan ko lang naman ano ginagawa ni Calmé every midnight to dawn.

Nakita ko si Calmé na naglalakad ng mabilis na tumitingin tingin pa sa paligid habang naglalakad malayo ito pero dahil sa lamparang dala niya ay nakikita ko ang kilos niya, huminto ito sa tapat ng pader ng school boundary ng school at labas ng school namin.

"Komm her, Affe, der ein Seil niederlegen kann" biglang sabi ni Calmé at biglang may tumayong unggoy na kulay puti sa taas ng pader na may dala dalang lubid at hinagis sa baba ang lubid na tumapat naman kay Calmé ano gagawin niya sa lubid? Don't tell me lalabas siya ng academy?? Hindi ba siya ma p-punish non??? Takang tanong ko sa sarili jo habang pinagmamasdan si Calmé na tumataas sa pader.

Nang makababa ito sa kabila ay agad agad akong naglakad papunta sa pwestong tinayuan kanina ni Calmé at sinabi ang sinabi niya "Komm her, Affe, der ein Seil niederlegen kann" nag d-doubt pa ako kung tama ba ang pagkakabigkas ko ng biglang may unggoy na puti ang tumingin sa akin at may binaba din na lubid hinawakan ko ang lubid at nahirapan ako ng una sa pagakyat dito pero nakayanan ko naman dahil may mga naka awang na bato.

Pag baba ko sa kabila ay parang hinihingal pa ako dahil sa taas ng pader na ito nagtataka ako kung paano mabilis na naka taas si Calmé. Speaking of Calmé napatingin ako sa paligid nawala na ako nasan na si Calmé ? Iba na nararamdaman ko parang lonely na ako sa madilim na paligid na 'to babalik nalang sana ako sa academy ng may nakita akong maliwanag sa may bandang dulo dulo kaya naisip kong puntahan ito na curious ako baka si Calmé yon.

Alam ko malapit lang yung ilaw kanina pero nagtataka ako bakit hanggang ngayon naglalakad parin ako? Teka nga lumingon ako sa likod ko kung nandon pa yung pader ng academy lumaki ang mata ko ng wala na ang pader no way! Di ako p'wedeng maligaw babalik na sana ako ng may nakita ako kung di ako nagkakamali ay tigre ito na color gold mukhang galit ito sa akin napaatras ako ng naglakad ito papunta sa akin na may nakakatakot na tingin ano gagawin ko? Tatakbo na ba ako?

Oo kung gusto ko pa mabuhay kailangan ko na tumakbo tumakbo ako at alam kong sinusundan niya ko dahil sa ingay niya at sa mabibigat na yapak niya nagulat ako ng may humila sa akin sa kamay at tumakbo kami sa kaliwa ng daan napalingon ako sa likod namin wala na ang tigre pero patuloy parin kami sa pagtakbo huminto kami sa isang malaking puno at napaupo ako at napasandal sa puno at nakaupo naman ito sa tapat ng puno na inupuan ko..

Napatingin ako dito at base sa anino niya na naaaninag ko dahil sa buwan na maliwanag lalake siya na may teka no way..

Author: Sino kaya yon??

THE WORLD FAR FROM I KNOWWhere stories live. Discover now