4 - Unexpected

87.1K 1.9K 38
                                    


Ilang segundo yatang natulala si Marian sa sinabi nitong si Tray. Hindi lang sila basta may mafia, ito pa raw ang boss. Nakakaloka lang. Hindi niya kasi inakalang may totoong mafia pala sa Pilipinas.

"Hindi ka dapat nagpapagala-gala sa oras na ito, Marian. Nagkakasiyahan ang mga tao sa likod."

"Hindi, may dalawang tao kasi akong sinundan. Gumawi sila, banda rito," dahilan niya which is totoo naman.

Kunot-noo itong humarap sa kanya. "Who? What were they look like?"

Pinagtakhan naman niya ito. Sandali siyang nag-isip. "Iyong babae, maganda. Iyong lalaki, di ko masyadong nasight." Nang sabihin niya iyon ay agad siya nitong hinawakan sa siko saka siya nito pahatak na iginiya pabalik sa party.

"Aray naman," reklamo niya nang bitawan siya nito sa harap nina Catherine at nang grupo nina Manang Fe. Lahat sila ay gulat na nagpapalit-palit nang tingin sa kanilang dalawa ni Tray.

"Stay here. Don't wander around. Cath, stick with the group," bilin nito saka ito nagmamadaling umalis. Naiwan silang nagtataka.

Ngunit, ang akala niyang balot din nang pagtataka ang mga kasama ay agad ding napalitan ng pagiging tsismosa. At siya ang kawawang biktima.

"Oy, saan kayo galing? Nadadalas ang pagsosolo niyong dalawa ha?" tukso ni Catherine.

"Oo nga, tsaka infairness bagay kayo!" gatong naman ni Pia.

"Ngayon ko lang nakitang nadikit sa babae si Tray," wika naman ni Aling Martha.

Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito. Nananatiling ukupado ang isip niya sa mga narinig, nalaman at biglang pagiging balisa ni Tray. "Hindi kaya, may mangyayaring masama?" wika niya sa isip.

Maluwat na natapos ang party bandang alas-dose ng hating-gabi. Well, nauna nang magpaalam ang mga alta-sosyedad na bisita. Maging si Don Ismael. Ang mga natira na lamang ay mga taga-Hacienda. Kanya-kanya na ang mga ito nang uwing pagkain. Habang si Marian ay inabala na lamang ang sarili sa pagtulong sa pagliligpit. Nang umalis kasi si Tray kanina, hindi na ito bumalik.

Nang matapos sila sa paglilinis ay kanya-kanya na silang deretso sa kani-kanilang kwarto. Sila Manang Fe ay may sariling bunggalow type na tinutuluyan. May kanya-kanya silang kwarto roon kasama ang iba pang kasambahay na piniling mag-stay-in. Iyong mga guards, boys, at drivers ay may sarili ring bahay. Parehong nasa loob niyon ng compound ng mansyon. Susyal. Habang si Marian ay sa isa sa mga guest rooms sa second floor. Iyon ang choice ni Don Ismael na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maintindihan kung bakit. Na para bang, may espesyal ba sa kanya at espesyal ang trato sa kanya ng mga Henderson? Maliban nga lang kina Tray at Drax.

Agad din siyang nahiga sa kama pagkatapos niyang maglinis ng katawan. Dala na rin siguro ng sobrang pagod ay agad din siyang hinila ng antok.

***

Akala ni Marian, the next day, ay siya pa lang ang nagising ng maaga. Dahil nga sa madaling araw na silang natapos sa paglilinis ay naisip niyang baka tulog pa ang mga tao sa mansyon. Ngunit, nagkamali siya nang maabutan niya ang mga Henderson, minus Catherine, sa hapag na sabay-sabay na nagkakape.

Lahat ng atensyon nila ay nabaling sa kanya. "Good morning po," alanganing bati niya sa mga ito.

"Good morning din, Hija," ganting bati ni Don Ismael sa kanya. Drax just smirked, at si Tray ay blangko lang na nakatingin sa kanya. Lalagpasan na sana niya ang mga ito nang muling magsalita si Don Ismael. "Kumusta ka na pala, Marian?"

"Okay naman na po. Hmn.. Tinutulungan pa rin ako ni Louis na ma-trace 'yong pinanggalingan ko," sagot niya.

"It has been two months, wala ka pa ring maalala?" tanong ni Drax.

The Mafia Boss' Wife ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon