Ignorante: 16

Magsimula sa umpisa
                                    

Miko's POV


Pauwi na ako sa condo ko galing sa malapit na convenience store. Bumili ako ng maraming alcoholic drinks, plano kung magpakalulong sa alak ngayong gabi.


~Baby i don't if you got her in your heart~

~all i realy care is you~

~wake up in my arms~


"You're so stupid Miko! Sinabi ko lang naman na ignorante ka para kamuhian mo ako at lubayan na! I didn't said na lumapit ka sa akin at sabihing I know how now"


Yan ang mga sinabi ni Bettina kaninang umaga habang nasa elevator kami. Dahil minsan ko lang siyang makita kaya sinunggaban ko na agad ang pagkakataon.


"I'm already engaged Miko so please stop it"


~So one last time~

~i need to be the one~

~who'll takes you home~


Parang gumuho yung mundo ko nang sabihin niya yun kanina. So i decided to stop the nonsense things i and Hazel planned.


"Miko!"


Napalingon ako sa sumigaw. "Hazel?" pagtatakang tanong ko. OO siya nga, pero anong nangyayari sa kanya?


Gulong-gulo yung buhok niya at kumakalat yung make up niya sa mukha, para naman tinamaan ng bagyo eh.


She looks so stubborn, idiot, crazy and... and... lonely.


"What happened?" tanong ko pero imbes na sagutin niya ako ay niyakap niya na lang ako habang patuloy sa pag-iyak.


Nabitawan ko yung hawak-hawak kong supot kasi niyakap ko na rin siya. Ewan ko ba pero parang ramdam na ramdam ko ang sakit sa bawat paghikbi niya.


Pinatong ko na rin sa ulo niya ang baba ko at pinapatahan ko siya. Ilang sandali pa siyang nag-iiyak habang yakap-yakap pa namin ang isa't-isa.


"Hazel!"


"mmm?"


"Let's talk somewhere else"


Hinawakan ko ang kamay niya at pinulot ko yung plastic na dala ko kanina at pinapasok ko siya sa sasakyan ko


Nagdrive lang ako ng drive habang siya nakasandal lang yung ulo sa bintana habang umiiyak. Hindi na ako nagtanong pa at nagdrive na lang.


---


"Bakit tayo nandito?" tanong niya nang makarating na kami.

Turuan ang IgnoranteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon