Ignorante: 7

4.7K 45 3
                                    

Hazel's POV


"Ok, so procced na tayo sa step 2" sabi ni Miko na hawak-hawak yung papel "Ano?" di makapaniwalang sigaw ko.


"Bakit? Gusto mong icancel nalang natin?" sabi "ahh hindi naman pero dapat siguro, magwork out muna tayo kasi wala ka namang abs eh" pang-aasar ko.


"Ano?" siya naman ngayon ang di makapaniwala "Joke lang! seryoso mo naman!" sabi ko. Pero nakakunot parin ang noo niya.


"Ahhmm so, proceed na agad tayo kahit di pa kumpleto yung step 1?" tanong ko


"Magagawan natin yun ng paraan" Sabi niya kaya tumango nalang ako. "nagresearch ako at ayun dito, siguro manood tayo ng Se*x video"


"ANOOOO?!!!?!?!?!?!" sigaw ko at napatayo ako sa kinauupuan kong sofa sa loob ng unit niya. "Bakit?" napatayo narin siya kabilang sofa.


"Eh kasi virgin pa yung mata ko no!" sabi ko na palakad-lakad "Hoy tanga! Pano tayo matuto kung napakaconservative mo!" sigaw niya sabay pambabato ng unan.


"oo na! OO na! ano pa ba yang nasa research mo ha?!!" sarcastic na sabi ko.


Umubo muna siya saka umupo kaya umupo narin ako. Sinimulan niyang tingnan na nakunot noo yung papel kaya feel ko di to maganda.


"Ayon dito..."


Saka tinakip niya yung likod ng kamay niya sa bibig niya. "Ano daw?" sabi ko.


"Rule no.# 1: Maligo muna, hindi masarap ang mabantot" pagkasabi na pagkasabi niya nun ay napa-amoy agad ako sa kilikili ko saka siya tumawa.


Siguro nung nagsimula kami ni Marco ay naturn-off kasi nakalimutan kong maligo muna nun hihi baka naamoy niyang nag-aamoy araw ako nun huhuhu.


"Rule no.# 2: Magpainit muna, hindi yung pasok agad" may pagkalito niyang sabi, "Uhmm Miko ano ibig sabihin nun?" Napatingin siya sa akin at nagkibit balikat.


"Baka naman maligo tayo ng mainit na tubig o baka magkape muna" patango-tango kong sabi, eh sa yun naman talaga yung interpretation ko eh.


"Tanga! hindi no" sabi niya at nagsmirk "Eh bakit alam mo ba?" pagtataray ko sa kanya, "Hindi, pero hindi naman sigu..."


di ko na siya pinatapos pa "O sya! proceed to number three andaming arte eh!" pagtataray ko, napabuntong hininga lang siya.


"Rule no.#3: Wag iiyak kapag nasaktan, ginusto mo yan"


"Ohemgeee!!!" napatayo agad ako sa kinauupuan ko "Bakit na naman?" sigaw niya "Masakit daw iyan eh!" sigaw ko.


"Tss! bakit akala mo di ko rin naisipan yan na baka masaktan din ako?" -Miko


"Hoy! eh sa lalaki ka naman eh!" sigaw ko


"Eh malay ko ba kung parehong babae't lalake ang pinapahiwatig nito tanga!" -Miko


"o sya!" umupo ulit ako. Eh kung masakit yan? Ba't marami ang paulit-ulit na ginagawa yan? tsk siguro nagkamali lang ng research si Miko


"Rule no.# 4: Huwag magmura kapag nasasarapan, hindi ka nakikipag-away"


"Ano ba yan Miko! ang komplikado naman!" sabi ko "Bakit na naman ha?" sigaw niya


"Eh ang sabi dun masasaktan tapos ngayon masasarapan ano bang kalokohan iyan?" at nagcross-arms ako sa harap niya. 


"Wag kang praning! masusubukan natin iyan! nirereview ko lang kung ano ang mga pwedeng mangyari kaya wag kang o.a!" sabi niya


"wow ha!" 


"Ano? Ipagpapatuloy ba natin to?" -Miko


"Oo na! oo na!" 


"Rule no.# 5: Wag banggitin ang nasa itaas, hindi siya kasali"


Napatingin ako sa taas, ceiling oo may kesame naman! saka ako natauhan saka yumuko, oo nga pala yung diyos yung ibig sabihin soss antanga-tanga


"haha tanga! yung diyo.." di ko na siya pinatapos at sinenyasan ko lang siya "Oo na! proceed!"


"Rule no.# 6: Huwag magmadali hindi ito karera"


"Rule no.# 7: Huwag magkwentuhan habang nakikipagse* wala kayo sa park"


"Ano? bakit? So magkalaban tayo niyan?" Sabi ko sa kanya "Ano? Ba't ba ang bobo mo?" sigaw niya.


"Eh bakit ha? Ano bang ibig sabihin niyan ha?"


"Hindi ko rin alam kaya please makinig ka nalang muna!"


"Oo na! oo na!"


"Rule no.# 8: Huwag umungol ng malakas, nakakahiya sa kabila"


"ba't ka uungol eh hindi ka naman aso!" bulong ko, natigilan naman si Miko at tiningnan ako na may mataas na kilay kaya napaiwas lang ako ng tingin.


"Rule no. # 9: Bilisan kapag lalabas na"


Ano naman yung lalabas tanga! Hay naku ang komplikado pala nang bagay nayan no? Eh bakit nung si Marco at Bettina parang ang dali-dali lang sa kanila?


"Rule no.# 10 last but not the least Iputok sa labas wag sa loob"


"Ano yan may fireworks pagkatapos? Yan ba yung spark ha Miko?" pangiti-ngiti kong sabi sa kanya. "Tanga!" sigaw niya .


itutuloy... :)

a/n: sorry sa tagal na UD lovelots :* :* pm po sa magpapapadedicate :) 

Turuan ang IgnoranteWhere stories live. Discover now