Ignorante: 11

4.2K 44 1
                                    

Hazel's POV


Niyaya ako ng mga classmates kong mukhang mga GRO sa mga suot at sa kapal ng mg make up nila. Yung mga bling-blings at yung earrings na din na parang hawakan sa tren.


Andito kami sa bar ngayon and as usual nauupo lang ako dito sa may maliit na mesa habang sila sayaw lang ng sayaw.


Hanga din naman ako sa confidence nila kasi di naman sila kagandahan eh, napakachura nga ng mga itsura wahaha sama ko.


Ako yung tipong taong mahinhin, medyo nerd at tahimik lang sa sulok. Pero kailangan kong isantabi ang lahat ng iyon para makuha kong muli si Marco.


Nakita kong papunta na sila dito habbang nagtatawanan, kaya umayos ako ng upo. "Nerdy friend, sayaw ka naman wag KJ" sabi ni Korina


Umiling lang ako at nagsmile, umupo narin sila. Nalipat lahat ang tingin namin kay Alice na papunta palang samin pero may kasabay na gwapong foreigner at hunk na hunk ang dating.


"See you around babe" sabi ni Alice sa foreigner saka hinalikan sa labi ang foreigner. Ngumiti naman ang foreigner at umalis na habang si Alice umupo na rin.


"Grabe ang landi ah!" Pagpaparining nung baklang si Joey. "Kuya, Tequila" sabi ni Amor dun sa waiter "Pakiramihan yung asin, ah basta alam mo na yan kuya" dagdag nito


Bale lima kami lahat, si Joey, Amor, Alice, Korina, at Ako.


"Palibhasa bakla! inggit ka lang!" tapos tumawa ng malakas si Alice, nakitawa narin kami. "Oyy buti nerd sumama ka!" dagdag pa niya sabay hampas sa binti ko.


"Eto po" sabi nung waiter sabay lagay sa table namin ng isang Bote ng sprite yata to eh kasi puti parang tubig lang, na may hiniwang lemon at may... Asin??


"Ahh hihi" sabi ko sa kanya "Di ka marunong uminom niyan no?" -Amor


"feel ko rin, painosente much tong nerd na to" -Joey


"Turuan kita!" -Korina


"Naku wag na! Di ko gusto lasa niyan eh hihi tsaka may asin kami sa bahay, bibili nalang ako ng lemon" sabi ko tapos nagsenyas pa ako na wag na, tumawa sila ng nakakaloko.


"Alam mo kung ako sayo! Di ako magpapaiwan sa kabihasnan ng Australopethicus sa pagkaignorante mo dai" sabi ni Alice habang nagsasalin ng kung ano yun sa maliit na baso.


"Pupusta ako pati pangalan neto di mo alam?" dagdag niya habang tinataas yung baso, ngumiti lang ako at umiling ng marahan.


"Pft pati ng siguro pangalan ng baso esh di niya alam" -Joey


"Yan ang tequila nerdy friend" -Korina


"Okay, inumin mo to tapos maglagay ka ng asin sa dila mo and then suck the lemon" sabi ni Alice tapos inaabot niya sa akin yung baso.

Turuan ang IgnoranteWhere stories live. Discover now