CHAPTER 8: HIS SONG

37 1 0
                                        

"Teka, anong nangyari sa braso mo?" tanong sakin ni Milo. Ano yun? Naga-alala ba siya??


"Paki mo ba." At dahil malakas ako, hintak ko pabukas yung pinto ng van... dahilan para masiko ko yung tiyan niya. Half of me liked what I did. But the other, felt guilty. Hindi ko maintindihan yung sarili ko kaya tinulak ko siya pababa, luckily, hindi siya weak kaya nakatayo siya agad. Nang makatayo na siya ng tuluyan, lumabas na ako at naglakad papunta sa Cafeteria. I need water.


Tumingin ako sa relo. Sht. 6:40pm na. Sarado na yung Cafeteria. Umikot ako at laking gulat ko nang makitang nakabuntot sa akin si Milo.


"Ano bang kailangan mo?" iritable kong tanong sa kanya.


"Ano bang nangyari sayo?" tanong naman niya sa akin ng may halong... concern? UGH. Is he kidding me??


"Kung makaasta ka parang mas matanda ka pa sakin ah." Nababanas na sagot ko sa kanya.


"Sagutin mo nalang ang tanong ko." Pagpupumilit niya."


Binigyan ko lang siya ng isang blankong tingin. Umikot na ako umalis. Malayo-layo na ako ng may narinig akong hindi ko inaasahan.


"Hindi mo talaga ako naaalala 'no?" Huh?

Lumingon ako pero pagtingin ko, wala na siya doon sa kinatatayuan niya kanina. Woah. Saan galling yun?


Napakunot ako ng noo at nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat medyo magaan na ang pakiramdam ko kasi wala na kaming training; tapos na yung competition pero, bakit parang may mabigat na bagay sa kalooban ko? Parang may bato sa loob ng dibdib ko...


Lumabas na ako ng school campus na nakahawak sa dibdib ko.


"Pssst." Ano yun?


Pinakinggan kong maigi yung narinig ko.


"Psssst." Huh? Kanina pa yun ah. Sumisitsit.


"Psssssst!" Medyo irritable na yung tono nung sumisitsit. Ano ba yan. Ba't kasi hindi nalang tawagin eh.


"Pssssssssssst! Hoy!" Hala? Galit na ata. Pasimple akong tumingin sa paligid ko. Walang tao. So it means na ako yung sinisitsitan... Pero, wag tayo assuming. May pangalan ako kaya hindi ako lilingon.


Patuloy lang ako sa paglalakad ng may maramdaman akong sumusunod sa akin. Tumingin ako sa paligid. Gaya ng kanina, wala masyadong tao pero may liwanag pa naman dala ng street lights.


Tumingin ako sa relo ko. Five minutes to 7pm na. Binilisan ko lakad ko, at binilisan din ng sumusunod sa akin yun. Lumiko ako sa isang eskinita at pagkalabas ko, bungad na ng subdivision namin. Naglakad ako ng onti malapit doon sa bukana at bumili sa bangketa ng pangkamot sa likod.

Pumasok na ako sa subdivision namin at naglakad pa. Maya-maya, naramdaman ko na naman ang presensya ng nilalang na sumusunod sa akin.


Signs That You're In  Love (Ongoing)Where stories live. Discover now