Tracy's POV
Second day na ng foundation day. August 11.
And it's time. For my plan. Sasaktan ko ang isang kaibigan ng mga yon. Sisiguraduhin kong durog-durog ang puso non pagkatapos nitong gagawin ko.
Tinitigan ko lang siya para mahalata nila at mag-hinala na sila.
Nagtatakang lumapit sa akin si Hannah. "Psst. Tracy." Sitsit niya pero kungyari tulala parin ako sa lalaking yun. "Hoy! Tracy!!" This time, kunwaring nagitla akong tumingin sa kanya. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng nakakaloko. "Ooyy.. May gusto ka kay Brandon noh? Aminiiin!" Pangaasar niya.
Haha! Gumana! Pero siyempre, kungyari, indenial ako! :P
"Ha?! Bakit niyo ba sinasabing may gusto ako sa.. Lalakeng kagaya niyan!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Pero kungyari lang talaga. Haha! Pwede na akong artista.
"Suus.. Tanggi ka pa! Amin na. Hindi ko naman ipagsasabi." Pilit niya sakin.
Huminga ako ng malalim. "Aish!! Oo na! Pero patay ka sa akin pag pinagsabi mo yan!" Naiinis kong sabi. Inasar-asar naman niya ako at kinikiliti pa. Hay nako, wala naman talaga. Napaniwala naman siya sa acting kong iyon! Ang saya lang. All I need to do now is be friends with him.
And make him fall deeply in love. To be able to crush his heart.
Masama ba ang ginagawa ko? Bakit, masama rin naman ang ginawa nila sa akin dati ah! Akala siguro nila ay makakalimutan na yung ginawa nila dati. Tss.
Nilapitan ko si Brandon. "Oy! Samahan mo ako dun sa Photo Booth!!" Aya ko sa kanya.
"Ha? Bakit ako?" Nagtatakang sabi niya. "Eh ikaw yung una kong nakita eh! Edi ikaw yayayain ko." Napakamot naman siya. Hoy. Teacher ka na. Mature ka na dapat. Wag na tumanggi! Respect others!
"Sige." Sabi niya at ngumiti. Hinila niya ako dun sa Photo Booth.
20 pesos per person? Seriously? Hayaan na nga lang! Hindi naman ako ang magbabayad eh. Siya yung lalake kaya siya yung magbabayad. Alam niya na yun. Kumuha kami ng mga props para dun. Akin yung malaking salamin tapos kanya yung witch hat. Haha.
*Click*
Ok! Next shot. Kinuha ko yung may nakalagay na 'I'm a Princess!' tapos yung kanya ay yung 'I'm a Prince!'. Nagulat ako nung umakbay siya sa akin gamit yung isa niya pang kamay na hindi nakahawak dun sa props. Pero ngumiti nalang ako. Alangang pangit ang kalabasan ng itsura ko dun!
*Click*
Next shot naman! Kinuha ko yung yung parang buhok nung clown at isinama ko yung star na salamin. Siya naman ay naglagay nung balbas at malaking salamin. Lol. Parehas kaming naka-peace sign.
*Click*
Last shot! This time wala kaming nilagay sa mukha namin. Umakbay ulit siya sa akin at nag-peace sign kami pareho. Kung kanina ay simpleng ngiti lang ang pinakita niya na walang ngipin, ngayon ay lumabas ang ngipin niya at yung mata niya para nakapikit na sa sobrang.. Basta ganun! Ano ngang tawag dun? Eyesmile?
*Click*
Natapos na yung photo booth at hinintay namin matapos yung printing. Nang mabigay na nila yun ay naghanap kami ng mauupuan ni Brandon. "Hati tayo dito?" Tanong ko at tumango siya. "Iyo yung pangatlo at pangapat. Meaning, akin yung panguna at pangalawa." Sabi niya at tumango nalang ako. Ginupit niya sa gitna yung pictures at binigay sa akin yung kalahati.
"Para fair." Sabi niya at tinago na namin yung picture.
Hannah's POV
Kasama ko si Kim na naglalakad ngayon dito. Wala kaming magawa pero atleast may kasama diba? Kesa naman loner kami dito. At dahil sa araw na ito feeling ko estudyante uli ako. Haha! Wala kasi akong pinoproblema ngayon. Napatingin kami ni Kim sa papalapit na si Ken at Leo.
YOU ARE READING
Thirteen Hours of Fate (UNDER REVISION)
Teen FictionAno kayang mangyayari kung ang mga (Science) Geeks ng dalawang malaking unibersidad ay nagkatagpo? Siyempre magpapatalinuhan sila. Pero sa loob ng pagpagalingan nila, may mabuo kayang pag-iibigan? O mas uunahin nila ang giyera ng patalinuhan at iis...
