Inabot ko iyon kay Bimbo. "'Wag mong ibibigay ulit 'yan kay Hugo," utos ko rito.


Hinarap ko ulit si Hugo. Panay pakawala siya ng gigil na paghinga.


Hinubad ni Hugo ang suot niyang shirt at inabot sa akin. "Malinis 'yan. Kaliligo ko lang bago ako umalis sa amin."


Tumalikod na si Hugo at hindi na hinintay ang sagot ko. Isinuot ko ang t-shirt niya. Ipinatong ko lang iyon sa nasira kong blouse kanina.


Pumasok na rin sa kuwarto ang ibang tropa ni Hugo. Kinaladkad ng tropa niya si Wayne palabas. "Pahihimasmasan namin 'to pagkatapos deliver na namin sa barangay!"


Iyong Francis Molina o 'Angke' ang nagsalita. "Sa pulis na natin i-drop. Wanted 'tong gunggong na 'to, 'di ba?"


May kaso na si Wayne dahil sa ginawa nito noon kay Kuya Jordan. Hindi pa rin inaatras ng kampo nina Carlyn ang demanda rito. Wanted ito at nasa tamang edad na para magtuloy-tuloy ang kaso.


Tiningnan ako ni Angke. "Pres, kailangan mong sumunod para magsampa ng bagong reklamo."


"H-hindi na siguro kailangan," mahinang sagot ko. I had no intention on letting everyone know about what happened tonight. Ang mahalaga ay natagpuan na si Wayne. Nahuli na ito at madadala na sa kulungan. 


"Then I'll just beat him one more time." Huli na para pigilan ko si Hugo, nalapitan na nito si Wayne at pagkatapos ay tinadyakan nang buong pwersa sa spinal chord.


Napahumindig ako. "Hugo, ano ba?!"


May sumilip sa pinto na familiar na mukha. Kung hindi ako nagkakamali ay Michael Jonas Pangilinan o 'Miko' ang pangalan. Schoolmate rin namin ito at sa pagkakatanda ko ay ang nanay ay police woman.


Sinalubong ito ni Angke. "Repa!"


"Mabuti nasa malapit ako, nakapunta agad ako rito pagka-receive ng text mo," ani Miko. Sinulyapan nito ang nakahandusay na si Wayne sa sahig. "Nasabi ko na sa mommy ko ang tungkol sa kamoteng Chung na 'to. 'Wag na raw dalhin sa barangay, dadaanan niya na raw rito mismo."


Nakarinig kami ng pagsagitsit ng umaarangkadang motor sa labas.


Napasilip sa bintana si Hugo para i-check kung sino. "Si Isaiah Gideon."


"Tropa ko 'yan," ani Miko. "Tumakas lang 'yan sa kanila para bumawi rito ke Chung. Aalis din agad 'yan."


Inilabas na ng mga ito si Wayne. Nag-aalala naman ako dahil baka mapuruhan nila sa ibaba ang lalaki. Kinalma naman ako ni Hugo. "May mga utak iyon, 'wag kang mag-alala. Saka parating na iyong pulis na mommy ni Pangilinan."


Hahakbang sana ako nang biglang manghina ang aking mga tuhod.


"Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Hugo.


"O-oo." Bumibilis ang aking paghingal pero alam ko na hindi naman dahil sa hika. Iba. Kakaiba.

South Boys #4: TroublemakerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang