"Wayne, we have nothing to talk about. Paraanin mo na ako dahil gusto ko nang umuwi." Malumanay man ang aking boses ay alam ko na malamig ngayon ang mga mata ko.


"Is this because of Carlyn again? May sinabi ba siya sa 'yo? Di ba kuya mo ang boyfriend niya ngayon? Siniraan niya ba ako para lang malinis niya iyong sarili niya? Alam mo kung gaano kita kagusto. Hindi kita magagawang ipagpalit lalo sa ganoong babae lang."


"Wayne, look, I don't care—"


"No, Jill! Please, listen to me!" putol niya sa aking sinasabi. "Si Carlyn ang unang nagpakita ng motibo sa akin, alam ng buong school 'yan. Kilala naman siya ng lahat na pakawala. Nang tanggihan ko siya, biglang gumawa ng kuwento. Siya ang nang-frame up sa akin tungkol sa marijuana—"


"I said, I don't care!" sigaw ko dahil rinding-rindi na.


Natigagal sa akin si Wayne. Maski ako ay natigagal dahil nakuha kong sumigaw nang malakas at matigas. Pero tila naubos ang lakas ko pagkatapos.


"Wayne, 'you listen to me. Even if you were telling the truth, it would not change the fact that I do not like you."


Napanganga siya.


"I don't like you. Not even a bit."


Iniwan ko si Wayne sa kusina na nakatulala. Sa sala ay maingay dahil tuloy pa rin ang videoke at mga lasing na rin ang naroroon kaya hindi nila narinig ang sigaw ko. Tinungo ko na ang pinto palabas sa bahay nina Dessy.


Malapit na ako sa gate nang tila may kung anong pwersa ang humila sa akin na lumingon. Napatingala ako sa second floor kung saan nakabukas ang capiz na bintana sa dulo; doon ay nakita ko na nakatingin sa akin si Hugo. Naghinang ang aming mga mata ng ilang segundo.


"Jillian!" sigaw ni Wayne mula sa loob ng bahay ang nagpakurap sa akin. Mukhang naka-recover na sa paninigaw ko kanina.


Nag-pa-panic na nanakbo ako palabas sa gate bago niya pa maabutan. Humabol sa akin si Wayne pero bago niya ako malapitan ay may tumamang walang laman na can ng Coke sa kanyang ulo. Nagkandamura siya at hinanap kung sino ang bumato sa kanya pero hindi niya nakita.


Sakto na paglabas ko ng gate ay may dumaang tricycle sa eskinita. Pinara ko agad at nagpa-special ako pauwi sa amin. Bago makaalis ay tumingin pa ulit ako sa capiz na bintana kung saan aking nakita kanina si Hugo, pero nakasara na iyon ngayon.



SA SCHOOL. Wala nang wasak na armchair o bubble gum sa upuan. At ang siraulong gumawa niyon kahapon ay ngayo'y nakasimangot na nakaupo sa upuan nito. Si Hugo.


"Jill, doon ulit ako sa upuan mo, di ba?" tanong ni Dessy nang magkasabay kami pagpasok sa pinto.


"Oo." Naupo na ako sa upuan sa harapan. Hindi ko na ulit nilingon si Hugo kahit nararamdaman ko ang matalim na titig nito sa aking likuran. Bahala siyang manakit ang mga mata niya.

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now