Pumikit ako habang pinakikinggan ang pagkanta ni Hugo. He really could sing and he had a nice voice.


"If life is short, then why won't you let me love you before we run out of time? If love is so strong, why won't you take the chance before our time has gone?"


Nang matapos siyang kumanta ay natukso ako na sumilip sa sala. Tipsy na agad ang lahat dahil sa sunod-sunod na tagay. Kusang naghanap ang mga mata ko hanggang sa makita ko ang hinahanap.


Si Hugo ay nakaupo sa hawakan ng sofa. A girl was flirting with him. Kinikiliti siya sa leeg. Nang mapatingin siya sa akin ay tumayo siya at iniwan ang babae sa sofa.


Bumalik ako sa kusina at naupo. Nagpanggap ako na busy sa hawak na phone. Umupo siya sa harapan ko. Hindi ko siya pinansin. Narinig ko siyang tumawa kaya ako napatingin sa kanya.


"Cute mo, Herrera."


Patay-malisya na ibinaba ko ang phone. "What?"


"Sa taas tayo?"


Nag-init ang pisngi ko. "A-ayoko."


"Sigurado ka?"


Tumiim ang mga labi ko.


"Sige, magtatawag na lang ako ng ibang gustong sumama sa akin sa itaas—"


Sinabunutan ko siya. Napaungol siya at napasimangot. Hindi naman siya galit. Hindi rin mariin ang pagkakasabunot ko, marahan lang. Maingat. Nagulo ang buhok niya pero palagi rin naman niya iyong ginugulo gamit ang mahahaba niyang daliri.


Dahil sa pagkakalapit namin ay napansin ko ang pagiging malamlam ng mga mata niya.


"Tara." Pagkasabi'y basta na lang niya dinampot ang kamay ko at hinila ako papunta sa hagdan.


Pagpasok namin sa kuwarto na inangkin niya nang hideout niya ay basta siya nahiga sa kama. Tinapik niya ang bakanteng espasyo at pinalapit ako.


Naupo ako sa edge ng kama at tiningnan siya. "May problema ka?"


Hindi inaalis ni Hugo ang maangas na ekspresyon, ang cool na pagkilos, maging ang parang palaging tinatamad na timbre ng boses niya, pero ako na nakita na ang ibang emosyon niya ay nasasabi ko na may kakaiba ngayon sa kanya.


Bumangon si Hugo at umiling.


Hinawakan ko siya sa balikat. "You don't need to put up a front with me. "


"Wala nga." Nang mapatingin siya sa akin at makita na hindi ako naniniwala ay napabuga siya ng hangin. "Bumisita iyong dati kong yaya noong bata pa ako, kaya naiirita akong umuwi. Hindi ko trip."


"Bakit ka naman maiirita sa dating nag-alaga sa 'yo? Di ba dapat happy ka?"


South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now