Si Kuya Jordan na mismo ang naglabas ng donuts sa ref na para sa akin. Ipinaghain niya ako. Sinubukan ko siyang pigilan dahil kaya ko naman. Saka siya na nga ang nagsaing na dapat ay toka ko sana.


Siya na rin ang kumuha ng tubig para sa akin. Habang nakasunod ng tingin sa kanya ay ang nasa isip ko, Kuya Jordan was really a perfect brother...



UMAGA. Naglalagay ako ng lunch box sa paper bag habang nasa sala sina Mommy, Daddy, at Kuya Jordan. May pinag-uusapan sila na hindi nila ipinaparinig sa akin.


Sa tuwing mapapatingin sa akin si Daddy ay mas humihina ang boses nito. Hindi ako kumikibo kahit may parte ko ang gustong-gusto nang magrebelde. Gusto ko lang naman malaman kung ano ang nangyayari, kung ano ang problema ng pamilya.


Gusto kong ipakita sa kanila na kaya ko naman. Hindi na ako bata para palaging alalahanin. At minsan, pupuwede naman nila akong pagkatiwalaan. 


Nang matapos maayos ang mga paperbags ng pinaglalagyan ng mga baon namin ay lumapit na ako sa kanila. Huminto sila sa pag-uusap at mula sa pagiging seryoso ng mga mukha ay ngumiti sila.



KINAHAPUNAN ay sabay kami ni Kuya Jordan dahil may pinuntahan sina Mommy at Daddy. Sinundo niya mismo ako sa room dahil baka mauna na naman akong umuwi.


Sa bahay ay nagtataka ako dahil ang bilis ng mga kilos ni Kuya Jordan. Nagsaing siya agad pagkauwi namin. Iginawa niya rin ako ng meryendang pancake kahit pa ang sabi ko ay busog pa ako.


Habang nakasalang ang sinaing ay naglinis siya sa kusina at sala. Nang makatapos ay bitbit ang tuwalya na pumasok sa banyo at naligo. Paglabas ng banyo ay naka-towel lang ang ibabang bahagi ng katawan niya.


Nagulat ako nang bigla siyang manghiram sa akin ng blower. Pinahiram ko siya kahit nahihiwagaan pa rin ako dahil ngayon niya lang ito ginawa.


Pagbalik ni Kuya Jordan sa akin ng blower ay nakadamit na siya. Simpleng shirt at shorts pero humahalimuyak ang gamit niyang mabangong men's cologne. Pagpasok sa kuwarto ko ay nanalamin pa siya sa salamin na nasa dingding.


Mga ilang beses pa niyang sinipat ang salamin bago nagsabi sa akin na aalis daw siya sandali. Hindi siya palaalis kaya nakakagulat, pero hindi ako nag-usisa.


I wanted my brother to enjoy his teenage life, and of course, his privacy. 


"I'm fine here, kuya." Sinabi ko iyon para hindi na siya mag-alala dahil nakikita ko na nag-aalangan siya na iwan ako.


Marami siyang bilin bago umalis like: Wag akong lalabas, wag sisilip kahit sa bintana at wag magbubukas ng pinto kahit sino ang kumatok, unless sina Mommy o siya ang dumating.


Nang wala na si Kuya Jordan ay nagbukas ang Wi-Fi sa phone. Sa GC ng pamilya namin ay may message si Mommy. Itinatanong kung nagmeryenda na kami ni Kuya Jordan. May message rin si Daddy na nagpabigat ng loob ko.

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now