Nanghiram siya sa akin ng suklay o mas tamang sabihin na basta siya nangalkal sa bag ko. Napagod na rin akong manaway dahil matigas ang ulo niya. I just let him do what he wanted to do.


Pagkasuklay niya ay ngumuya siya ng chewing gum at pinalobo sa bibig. Nag-s-scroll siya sa Facebook at paminsan-minsa'y napapamura o tatawa sa kung ano mang makikita niya sa newsfeed.


Sobrang kaswal lang na makatabi siya. Parang hindi kami nag-kiss kahapon sa ilalim ng punong mangga. It was as if he had forgotten about it or it just didn't matter to him.


Mayamaya ay may kausap na si Hugo na babae sa phone niya. "Where's your place again? Dasma? 'Sabi ko na, magaganda talaga mga taga Dasma. Feeling ko magkaka-girlfriend ako ngayong araw diyan. Ano sa tingin mo?"


Naglabas ako ng notebook mula sa bag. Wala pa namang teacher kaya sa halip na tumunganga ay magbabasa-basa na lang muna ako ng mga nakaraang lesson. Habang tahimik na nag-re-review ako ay busy si Hugo sa aking tabi na binobola ang katawagang babae.


Pagkatapos ng isang kausap niya ay may kasunod pa. Kung hindi siya ang tatawag ay babae ang nauunang tumatawag sa kanya. Kung hindi sa mobile number ay sa Messenger niya. Nasanay na lang ang tainga ko at tumibay na lang ang sikmura ko na katabi siya.


Lumipas ang mga oras na hindi na talaga ako naiirita kay Hugo kahit walang pinagbago ang pagiging maligalig niya. Nandoon pa rin ang manghingi siya ng papel dahil wala siyang sariling dala, mangopya kapag may quiz, at kumain ng chips habang nagkaklase ang teacher namin.


May pagkakataon pa na ginagawa niya akong look out kapag matutulog siya sa armchair niya. Hindi naman ako nagrereklamo. Basta kapag mapapatingin ang teacher sa kanya ay binatatukan ko siya. Sa huli, siya na ang nabuwiset at hindi na ulit natulog pa.



UWIAN. May meeting ang mga teachers at kasama roon si Mommy. Si Daddy naman ay gagabihin umuwi dahil nasa Manila ngayon. Ihahatid nito sa airport ang ama na lolo ko. The old man was going back to his homeland, Madrid, Spain.


Sa gate ay naroon si Kuya Jordan na palingon-lingon sa paligid. Hinahanap na siguro ako dahil alam niya na may meeting ngayon ang mga teachers at wala rin si Daddy.


Ang makakapal na kilay ni Kuya Jordan ay nagsalubong nang makita ako na palapit sa kanya. Lumampas ang tingin niya sa akin. Ang mga mata niya ay tumuon sa pinanggalingan ko.


"Magla-library ka pa ba, kuya?"


May tumulong pawis sa kanyang pisngi. "G-gusto mo nang umuwi?" tanong din ang isinagot niya sa akin.


Umiling ako dahil nakikita ko sa kanya na ayaw niya pang umuwi. "Sige na, hihintayin ko na lang si Mommy." Ngumiti ako at tinalikuran na siya bago pa siya makonsensiya.


Kung gusto pa ni Kuya Jordan mag-aral sa library ay hindi ko siya iistorbohin. Puwede namang maghintay na lang ako na matapos ang meeting ni Mommy o kaya naman uuwi na lang ako na mag-isa. Gusto ko rin naman talaga na makasanayan na ang pagko-commute.

South Boys #4: TroublemakerWhere stories live. Discover now