unti unting paglayo

64 0 1
                                    

Kita ng mga mata ko ang paglalaho
paglalaho ng mga imahe mo
at ang pagising sa sariling panginip ko
at ang mga hikbing tinatago ko.

Kahit kailan hindi ka naging akin
kahit kailan di mo matututunan
na ako ay mahalin ng puspusan
pagkat ako'y hindi mo naman tahanan.

Isa lang akong bagay na maaari mong balikan
kapag wala kang makapitan ako ang iyong nilalapitan
kapag ika'y nasasaktan ako ang iyong hantungan
ngunit kapag ika'y nasa ayos, tila ako na'y nakalimutan.

Alam ko, alam kong ang mga kahilingan ko ay imposible.
Alam kong minsan lamang ako sayo'y may silbe
Sana makita mo ang pagmamahal ko
kaysa sa naibibigay ko sayo.

Tula at kaisipanWhere stories live. Discover now