Mananatili hanggang huli

527 8 0
                                    

walang umaalis at nananatili
nagkakaiba lang tayo ng daan
papunta sa ating parorooan
pero may isang daan din tayong dadaanan

at doon din tayo magkakasama sama
magkwkwentuhan ng mga ala-ala
patungkol sa ating mga pinagsamahan
at ang buhay natin magkakasama

naaalala ko pa noon
pag pasok ng paaralan
ikaw ay sasalubungin ng iyong mga kaibigan
aasarin pa sa iyong napupusuan

kay sariwa pa rin ng mga ala-ala
na aking baon pa rin hanggang sa ngayon
ang mga kamalian at bangayan
ay atin ngayong tinatawanan

hinding hindi malilimutan and ating pagkakaibigan
tayo noo'y mga batang paslit
na nagsilakihan
at ngayon ay isa pa rin paslit na may natutunan

at matututo hanggang sa hangganan
ng walang hanggang pagkakaibigan

Tula at kaisipanWhere stories live. Discover now