I can see uneasiness in his eyes kaya hindi ko na lang pinagpatuloy. Nang matapos ako ay nilagyan ko nalang nang ice cool fever patch sticker yung noo niya.

Plano ko sanang tawagan si Vallery. Hawak hawak ko ang phone ko at tumayo na ng hawakan niya ang kamay ko.

"Stay." Yun lang ang narinig ko sa kanya.
Hindi ko mapigilang mapangiti at mapatitig sa mukha niya.

Nang hindi pa siya na kontento ay hinila niya ako pahiga sa tabi niya at umunan siya sa dibdib ko habang ang kamay niya ay nakapulupot sa bewang ko.

"Didn't know that you were such a cry baby when your sick." I heard his soft scoff kaya napangiti ako.

I can feel his warm breath to my chest kung gano iyon ka kalmado na kaya alam kung nakatulog na siya.

Narinig kong may nag vibrate na phone sa pag aakalang akin yun ay inabot ko. Nang tingnan ko ang screen ay ang pangalan ni Jasmine ang caller ID.

Hindi ko alam kung sasagotin ko ba oh hindi. Napatingin ako sa mahimbing na natutulog na si Cole. I decided na huwag na sagutin but then a message came after the call.

Hindi ko sinasadyang mabasa iyon. Mabilis na tumambol ang puso ko sa nabasa. At agad akong nanlamig.


'Cole buntis ako.'

Wala sa loob kong naihulog ang phone ni Cole at napatakip sa bibig. Napatingin ako kay Cole na payapa na ngayon ang tulog.

Why do I feel this way? Bakit ako nasasaktan?

Namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ako handa sa ganito. Alam kong wala akong karapatan na masaktan at mas lalong wala akong karapatan sa kanya.


Hinaplos ko ang pisngi niya. And give him a peak kiss on the lips.


Kinabukasan ng masiguro kung humupa na yung lagnat niya ay pinili kong umalis habang hindi pa siya nagigising.


Iksakto na man na dumating si Vallery.

"Dito ka ba natulog?" nandito kami ngayon ni Vallery sa baba ng penthouse ni Cole may coffee shop kasi dito. Libre muna daw niya ako.

Sumipsip ako nang kape at tumango sa kanya. Hindi na naman iyon bago sa kanya dahil ako naman ang nag aalaga kay Cole noon pa lang sa tuwing may sakit ito.

Ngunit pansin ko ang mapanuri niyang tingin sakin.

"What's with that look, Val." Kumurap kurap siya at tumango tango sinabayan pa niya ng ngiti.

"Alam mo iisipin ko talagang may something sa inyo." nagsalubong ang kilay ko kahit naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin.

"Tsssss. Bakit mo naman nasabi." Dahan dahan akong sumipsip ng kape.


Tiningnan niya ako na may ngisi sa labi.

"Body language." I acted like I have no idea.

"Ano naman basehan ko diyan sa si nasabi mong body language?"

"Kilala ko ang kapatid ko Kate at mas lalong kilala kita. Hindi man tayo madalas nagkakasama dahil sa busy schedule natin pero alam ko." I scoffed.

"Alam mo baka gutom lang yan. Mabuti pa umorder na lang tayo nang pagkain." I tried to change the topic pero kilala ko si Vallery.

"I see how you look at him and how he looked at you. You might not be aware of it but I know you love my brother Kate." napahigpit ang hawak ko sa mug. Napansin yun ni Vallery.

Alam ko naman iyon pero sa sitwasyon ngayon sobrang komplikado.

"Kailan pa yan nagsimula?" Naibaba ko ang hawak na mug at tumingin ako sa mga mata niya. Wala akong maitatago kay Vallery.

Alam niya dahil ngayon lang naman ako naging ganito. Sa dami nang nanligaw sakin never akong nagpapasok nang tao sa buhay ko. Hindi ako nagpakita nang kahinaan sa iba tanging kay Vallery ko lang iyon pinakita.

"Kailan mo pa napansin?"

"At first akala ko naging mas close lang kayo ni Cole kaya Hindi ako nag isip nang kung ano but then nong nangyari sa club nong kasama si Jasmine ay pansin ko ang pag ka irita mo. Pinagtagpo tagpo ko ang mga pangyayari and my conclusion is it begins when Cole fetch you at the bar while Ashton fetch me. Alam ko naman na may pag ka bitchy type ka pero hindi ganun yung nakita ko sayo nung gabing yun Kate." Na suklay ko ang buhok ko at nakagat ang labi.

"Ganun ba kahalata?"


"Did he know?" umiling ako. "Why didn't you tell him? Maybe he'd be happy to hear it from you."

"I don't know it's complicated." Ngumiti ako sa kanya ng pilit. "She's pregnant."

Dumulas sa kamay ni Vallery ang kutsarita na hawak at napamaang ang labi.

"Impossible Kate. San mo ba yan narinig?"

"I just heard."

Nakita ko ang paglipat nang tingin ni Vallery mula sakin patungo sa likod ko kaya sinundan ko iyon nang tingin.

"What is she doing here?" nagmamadaling nagtungo nang reception si Jasmine at ilang sandali pa ay pumasok na ito sa elevator.


"I'm done here. Take good care of him." nakita ko ang simpatya sa mala anghel na mukha ni Vallery.

"I'm sorry Kate I can't do anything for you for now." matamis ko lang siyang nginitian at tumayo na.. Tumayo na rin siya.

"Don't worry about me. Hindi pa naman ganun ka lalim. Kilala mo ako." Niyakap niya ako.

"Call me when you need someone to lean on."

Matamis ko lang siyang nginitian bago kami nagpaalam sa isat isa.

As I walk my way to my car. Hindi ko mapigilang mapaisip.

'Hindi pa nga ba ganun ka lalim Kate?'


                     ◦•●◉✿ ❤ ✿◉●•◦

My Bestfriends BrotherOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz