'The real world is out there.' Iyan ang linya nina Archer at Hunter na pinakatumatak sa akin na kalaunan ay nagpabaluktot sa prinsipyong ipinakilala ng mga amo ko. Ngunit bakit ganito? Bakit matapos ang pitong buwan ay nakakubli pa rin ako rito at hindi nararanasan ang mundo?


"Sunog! Sunog! Mga kapitbahay, may sunog! Gising, mga kapitbahay!"


Mula sa pagkakayuko sa mga regalo ay agad akong napatayong muli nang tuwid at inilinga-linga ang ulo ko sa pinagmumulan ng mga sigaw. Base sa lakas at linaw nito, mula ito sa labas, hindi sa mga katabing unit kundi sa labas mismo. Dali-dali kong iniwan ang sopa at nagtungo sa may pintuan ni Calvin kung saan naroroon ang nag-iisang balkonahe. Subalit nang sinubukan kong ipihit ang seradura nito, may humaharang sa makinarya na siyang ibig sabihin lang ay nakasarado ito mula sa loob.


Shit.


"Sunog! Tumawag kayo ng bumbero!" muling paghingi ng saklolo ng mga tao mula sa labas. Hindi naglaon ay naramdaman ko rin ang dagundong ng mga yabag ng mga tao mula sa itaas na palapag, marahil ay nagmamadaling magsihanap ng paraan nila para makalabas ng gusali kasama ang mahahalagang kagamitan.


"'Yong mga bata buhatin niyo na!"

"Lito, 'yong mga dokumento sa drawer, 'wag mong kalimutan dalhin!"

"Punyeta, kakaumpisa pa lang ng laro 'e!"


Bawat dabog mula sa itaas at baba ang nakapag-kumbinsi sa 'kin na lumayo muna't pwersahang sipain ang pinto. Sa pangalawang tadyak ay kumalas ang kandado sa pintuan at bumukas na sa wakas ang daan papasok sa silid. Papatakbo kong pinasok ito ngunit sa puntong hinablot ko ang slides papuntang balkonahe ay abang hindi ito mahatak pagilid.


I keep yanking the door only to listen to its rattles. I checked if it was also locked, but it wasn't, which brings me to the conclusion that the doors had been stuck due to an external factor.


Sinong magsasara nito mula sa labas?! Para bang may kung sinong sumadya na harangan ang lahat ng posibleng labasan sa silid ni Calvin o hindi kaya... sa 'kin.


I immediately left the room and proceeded to try my luck on the unit's main door. Paulit-ulit kong pinihit ang seradura ngunit hindi man lang ito kumalahati ng galaw. Kumalampag din ako sa pagbabaka-sakaling may makatantong may tao pa rito sa loob subalit mabilis din akong tumigil. Dahil sino pa ang makapapansin kung ganitong puno ng pagkataranta ang mga tao para sa kanilang mga ari-arian at buhay?


Just as I gave up on attracting anyone's attention, smoke seeped into the unit, bringing the distinguished odor of fuel and... one that I recognized as unlisted from permissible chemicals in the commercial market. It heightens the effect of carbon monoxide, carbon dioxide, and irritants that can damage one's respiratory system or, worse, cause death.


Whoever started the fire meant to establish a threat or... execution.


Pero bakit? This is a second-rate apartment in a remote area just outside the capital city. Imposible rin namang nalimutan ni Calvin na i-scan ang mga kwento ng bawat umookupa sa bawat unit bago kami lumipat dito gayong ipinaliwanag sa kaniya mismo nina Archer at Hunter ang kahalagahan ng lugar na pagpapanatilian ko. Higit sa lahat, para mag-orkestra ng ganitong sabotahe... tiyak na ang taong gusto nilang takutin rito ay hindi basta-basta.

The Montelier BrideWhere stories live. Discover now