CHAPTER THIRTEEN

247 26 1
                                    


Unti unti nang binabaon ng kalungkutan si Nancy dahil sa mga nangyayari. Hindi na nya malaman kung kaninong lamay ba sya pupunta o kaninong lamay yung una nyang pupuntahan.

Kakatapos lang nilang makipaglibing ni Harvey sa pamilya ni Ruth, dumiretso agad sila sa lamay ni William at ni Stella. Naiisip ni Nancy na parang kelan lang, nag uusap pa sila, ngayon nakikita nalang nya ang mga kaibigang tahimik na nahihimlay sa loob ng kabaong.

"Gusto kong humingi nang tawad kay Mayven, Nancy. Pero hindi ko na magagawa dahil wala na sya.." malungkot na saad ni Harvey habang naglalakad sila palayo sa bahay ng kaibigang si Stella.

"May magagawa ka pa para mapatawad ka ni Mayven.." sabi ni Nancy.

"Ano? Anong magagawa ko para mapatawad nya ko? Gagawin ko wag lang akong mamatay. Madami pa kong mga pangarap at gustong gawin sa buhay ko. A-ayoko pang mamatay.." nanginginig na saad ni Harvey.

Tumigil saglit sa paglalakad si Nancy at hinarap ang kaibigan.

"Sana naisip mo yan bago mo gawin sa kanya ang bagay na yun. Ang tangi ko lang masasabi para mapatawad ka nya, humingi ka nang tawad sa kanya..." sabi ni Nancy at nauna na syang maglakad palayo.

Naiwang tulala at malungkot si Harvey habang pinagmamasdan ang kaibigan habang papalayo ito.

__

Naisip ni Harvey ang sinabi ng kaibigan kahapon kaya't dali dali syang nagtungo sa dati nilang paaralan kung saan nila natagpuang nakabigti si Mayven. Dala dala ang kandila, nagsindi sya sa lugar kung saan nahulog ang katawan ng dating nobya, sa puno kung saan sya nakitang nakabigti.

Alas siete nang umaga, ito ang oras kung saan nila natagpuang walang buhay si Mayven. Ito ang oras kung saan naudlot ang graduation ceremony.

Inilapag ni Harvey ang kandila at sinindihan iyon. Napansin pa nyang panay ang pagpatay ng apoy kaya paulit ulit sya sa pagsindi niyon, hanggang sa pumirme na ito sa pag apoy at hindi na namatay...

"I'm sorry, Mayven. Sana mapatawad mo na ako sa ginawa ko sayo. Mahal na mahal kita, Mayven. Patawad.." bulong ni Harvey at nagsimula na syang magdasal.

Humangin nang napakalakas ngunit hindi iyon pinansin ni Harvey at nagpatuloy lang sa pagdarasal. Napatigil sya sa pagdarasal nang may narinig syang langitngit mula sa kung saan, at nang lingunin nya ang itaas nya, doon nya napagtantong ang sanga yun at malapit nang maputol iyon.

Napataas ng mga kamay nya si Harvey nang biglang bumagsak sa kanya ang napakabigat na sanga na naputol sa itaas nya. Bigla syang nawalan ng malay at hindi agad nasaklolohan.


***

Gustong isipin ni Harvey na sana ay panaginip nalang ang lahat at masamang panaginip lang iyon nang magising sya sa isang puting silid at nakatitig lang sya sa kisame. Wari nya'y nasa loob sya ng isang ospital at nakita nyang naka swero ang kanyang kaliwang kamay.

Akala nya talaga ay mamamatay na sya doon at akala nya ay hindi na sya mapapatawad pa ng dating nobya kaya't napangiti si Harvey. Ngunit napatawad na nga ba sya nito?

Aabutin sana ni Harvey ang cellphone nya sa gilid ng kama nya nang bigla syang matigilan. Naisip nya kasi na pigilan ang mga kaibigan sa balak nilang gawin kay Mayven. Saktong pagkakuha nya sa cellphone nya, biglang lumitaw ang numero ni Stella. Agad nya itong sinagot at kinausap.

"𝘒𝘢𝘯𝘪𝘯𝘢 𝘱𝘢 𝘬𝘰 𝘵𝘶𝘮𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘨 𝘴𝘢𝘺𝘰. 𝘈𝘯𝘰? 𝘋𝘪 𝘬𝘢 𝘱𝘢 𝘣𝘢 𝘢𝘢𝘭𝘪𝘴 𝘫𝘢𝘯? 𝘔𝘢𝘭𝘢𝘱𝘪𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨 𝘨𝘢𝘣𝘪, 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘮𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘴𝘢 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭..." bungad na sabi ni Stella.

I can't forget youWhere stories live. Discover now