Chapter 1: Cassandra

365 140 113
                                    

     This story is based only in my imagination if the name and place was in our world it must be an coincidence. This work is just from my mind.

//: Plagiarism is a crime.
//: From your author,
          Misssjagban87228 thanks lovelots.

       
2,000 years ago....................

         May dalawang pares ng nilalang na tumatakbo sa kakahuyan habang sila ay hinahabol sa mga kampon ng kadiliman.

"Hindi ko na kaya," sabi ng babae. Napatigil ang lalaki dahil sa pagbitaw ng babae sa kaniya.

"Hindi maaari dapat makalayo tayo dito," sambit ng lalaki at muling hinawakan ang kamay ng kaniyang minamahal. Papatakbo na sana sila ng harangin sila ng mga kampon ng kadiliman.

"Umalis kayo sa daraanan namin!" Malakas na sigaw ng lalaki habang tinatago ang babae sa kaniyang likuran.

"Pasensya ka na prinsipe ngunit hindi ka makakadaan kapag hindi mo ibibigay ang iyong kasama," sabi ng isang halimaw. Mas tinago pa ng lalaki ang kaniyang minamahal sa kaniyang likuran.

"Makukuha niyo siya kapag mapapatay niyo ako." Pagkasabi ng lalaki ay nag bago ang anyo nito at kayang isugal ang sarili para lamang sa minamahal.

"Ivo!" Tawag ng babae sa kaniya na ang ibig sabihin ay mahal. Napalingon siya dito at huli na ng mapagtanto niya na sinagip siya ng babaeng mahal niya.

        Ang babaeng poprotektahan sana niya ay siya mismo ang sinagip, nagsisisi siya kung bakit hindi niya nagawang protektahan ang kaniyang mahal.

"Babalik ako, huwag ka na umiyak. Mawawala man ako ngunit alam ko masasalin ako sa ibang katawan. Mahal na mahal kita." Umiiyak na sabi ng babae at nawalan na ito ng buhay. Sa mismong bisig ng lalaki ay naglaho ang kaniyang mahal na babae.

"Mahal na mahal din kita aking prinsesa," sabi nito.

1,000 years later...............

"Umilaw na ang brilyante ng prinsesa!" Malakas na sigaw ng isang apo na nakakita doon. Apo ay isang yaya nila at ang brilyante ay ang kaluluwa ng kanilang prinsesa.

"Malapit na siya magbalik........ "

          Ang prinsesa na minsan ay namatay para lang sa kaniyang sinasakupan at sa kaniyang mahal na lalaki ay ngayon ay naisilang ng muli at kahit ano pa ang gawin niya ay babalik at babalik pa din siya sa kaniyang totoong mundo.

PRESENT...............

Cassandra POV

   Huminga ako ng malalim. Bakit ba palagi ko 'yun napapaginipan? Halos gabi-gabi na lang, bumabalik iyon sa akin. Malapit na ako mag 18 sa June 11, malapit na 'yun at palala ng palala ang mga napapaginipan ko. 

"Lady Cassandra, gising na po." Sambit ni Anne sabay katok sa aking pintuan. 

"Gising na ako Anne," sabi ko sa yaya ko, pero kaibigan ang turing ko sa kaniya. 

   Isinakaso ko na ang sarili ko at nagpaalam na kay daddy. Si daddy na ang nag-aalaga sa akin. Dahil namatay na daw si mommy pagkatapos manganak sa akin. 

"Home early princess," sabi ni dad na papasok nasa kotse niya. Pupunta sa kompaniya namin. 

"Yes dad." Sabi ko sabay halik sa kaliwang pisnge niya. 

"Okay. Pasok na sa kotse mo," sabi ni dad. 

   Tumango lang ako at pumasok na. Kotse ko ito pero may driver pa ako. May dalawa pang mga bodyguards. Well, mas okay na ito kaysa kay Ate Ana na bantay sarado kay dad, kaya nga hindi sila magkaayos. 

   Ay oo nga pala hindi ko pa napakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Cassandra Leandstore, 17 years old. May mahabang buhok na kulay dark blue at ang mahaba kong pilikmata. Ang kulay violet kong mata. Ang kissable kong lips. Maputi din ako at makurba din ang katawan ko. Hindi din sa pagmamalaki pero  malaki rin ang aking hinaharap. 

"Lady Cassandra nandito na po tayo," sabi ng driver ko. 

    Tumango ako, pinagbuksan ako ng pinto ng isa kong bodyguard na si Geurdo, magkapareho lang kami ng edad. At naglahad ng kamay ang isa ko pang bodyguard. Si Keith, matanda siya ng isang taon sa akin. Inabot ko ang aking isang kamay at lumabas na. 

    Naglalakad na kami sa hallway. Ugh! Lahat ng studyante dito may mga bodyguard. Kung may mahirap naman na nag-enroll dito ay bibigyan nila ng isang bodyguard. 

"Cassy!" 

    Ang sigaw na 'yun! Napatingin naman ako sa likuran ko. Si Yanagi pala best friend ko. Kasama niya rin pala ang weirdo na si Ivan. 

    Gwapo si Ivan ngunit napakaignorante. Makakita lang siya ng mga ballpen, notebook, papel, libro at sapatos ay namamangha siya sa mga ito. Pati narin sa cellphone. Sasabahin pa na anong magandang bagay na 'yun, napaka-weirdo din daw ng cellphone. 

   Nang una namin makita si Ivan ay nakasuot ito ng pang prinsipe ng mga mangkukulam. Parang galing sa costume party. Eh, wala daw siyang mapupuntahan kaya pinatuloy ko sa extra unit ko. Malaki-laki rin ang unit na iyon. Kami narin ang bumili sa mga gamit niya at sa pag enroll dito, napakahirap nga no'n eh. 

"Yanagi!" Sigaw ko at lumapit sa kaniya. Sabay beso-beso. 

"Good morning din sa'yo Ivan," sabi ko sabay beso-beso rin dito. 

"Good morning din Princess Cassandra," sabi niya sabay halik sa mga kamay ko. How gentleman! Ganiyan talaga ang tawag niya sa akin. Simula ng makita namin siya. 

"Hello guys," sabi ni Geo na kasama ang kuya niya at isang kaibigan niyang ugok. Haha! Secret lang natin ito ah. Shshsh! 

"Hi Geo," bati ni Yanagi sa kaniya. Habang ako tulala, crush ko kasi si Geo. 

"Cassandra, may dumi ba ako sa mukha?" tanong nito. Nabalik naman ako sa reyalidad. 

"W-Wala Geo." Nauutal naman ako at napayuko. Dahil ayaw ko na makita nila na namumula ako. 

"Miss Cassandra, mala-late na po kayo sa klase niyo." Sabi ni Geurdo. 

"Lady Cassandra tayo na po," sabi ni Keith. 

"Oo nga pala, mala-late na tayo sa klase." Sabi ko sabay takbo! Hinahabol naman ako ng mga bodyguards ko. 

"Lady Cassandra, hintayin niyo po kami!" Sigaw ni Keith. 

"Miss Cassandra, baka madapa kayo!" Sigaw ni Geurdo. Hindi ko na sila nagawang pakinggan dahil natataranta na talaga ako. First day pa naman at mala-late pa ako.Pagdating ko sa classroom nandoon na si Ivan. 

  'Huh?! Paano siya nakarating dito? Eh, nakasunod pa ang bodyguard niya sa akin oh. Paanong? Ang weirdo talaga ng Ivan na ito. Saan ba talaga ito ng galing si Ivan?' Doon ay nakilala at nagsimula ang buhay na dati ay hindi ko hinangad na mangyari. Akala  ko ay na sa libro lang ito nangyayari lahat. Sana hindi dumating sa panahon na pagsisihan ko ang aking desisyon na kunin sa kalye itong si Ivan. Sana naman huwag, pakiusap, baka sa pagdating ng panahon ako ay pagtaksilan niya dahil hindi ko pa talaga kilala si Ivan ng maigi tapos pinagkatiwalaan ko na siya ni hindi ko nga alam ang kaniyang buong pagkatao, hindi ko siya kilala kung tao ba siya o hindi. Hindi ko din masabi kung totoo ba talaga siyang tao. Dahil kung tutuusin napaka-imposible ang kakayahan niya bilang tao, hindi kaya galing siya sa ibang mundo? Hindi, hindi maaari hindi ako naniniwala sa mga ganiyan tapos ngayon maniniwala ako! No way, napaka-imposible. Hay nakaka-pressure ang mag-isip mabuti pa hindi na lang ako mag-isip ng kung ano-ano.  

Magical Series 1 The Long Lost Princess Book 1: The Arrivals (Completed)Where stories live. Discover now