Chapter 23

18.4K 293 13
                                    

Alexa's pov


Hindi ko alam kung tama bang bigyan ng chance si Paolo. Pero wala namang masama di ba? Tama lang siguro na hayaan kong mabaling sa iba an attention ko. Hindi naman masama kung susubukan ko.

Nang araw ding iyon ay umuwi si Paolo. Ang sabi niya ay babalik na lang daw siya sa ibang araw.

"Lexi uuwi lang ako sa manila. Baka sa makalawa pa ang balik ko." Hinatid ko hanggang sa labas ng gate si Eris.

"Sige ingat pag uwi."

"Inumin mo gamot mo ha. Huwag mo kalimutan ang check up mo bukas."

"Opo."

"Kainis naman kasi. Kung bakit ba naman ako kailangan sa school. Ga-graduate na nga lang eh. Kasama sana ako bukas sa check up mo." Maktol nito.

"Hayaan mo na. Masami pa namang chance na makasama ka sa ospital. Remenber Im dying? Napapadalas na nga ang-"

"Lexi!?" kita kong namula ang mata ni Eris kaya itinigil ko ang pagbibiro.

"I know. Sorry na. Ikaw naman kasi, babalik ka naman sa makalawa di ba? Kaya ko naman ang sarili ko dito. Saka huwag mong ikulong ang sarili mo dito ng dahil lang sa akin." Se sighed.

"Sige na nga. Bye na. Call me lang ha."

"Oo na. Bye!"

Simula ng umalis si Eris ospital kaagad ako dahil iyon ang sabi ng doctor ko at hindi ko. Under observation pa din ako pero malakas ang kutob ko wala din namang mangyayari. Mas lumalala pa. Pakiramdam ko humihina na ako. Kahit anong tatag ng loob ko ay humihina din kaagad kapag naiisip ko hindi na ako gagaling. Nasa dugo ko ang problema. Iyon ang masama. At isa pa nawawalan na din ako ng ganang inumin ang mga gamot  na reseta sa akin.

"Mahiga ka na lang muna Ms. Mendez. Padating na po si Dr. Gonzales."

"Sige." nahiga ako sa hospital bed.


Ang dali ko na din mapagod. Sa bawat araw na dumadaan ay pahina ako ng pahina pero hindi ko iyon ipinaaalam kay Eris. Ako, si Dr. Gonzales at Dr. Almires lang ang nakakaalam. Di na yata tlaga ako tatagal. At ang ikinatatakot ko ay baka di ko abutin ang graduation. Kung mamamatay man ako, tanggap ko. Pero sana man lang makaabot ako ng graduation. Gusto kong mag march, gusto kong matanggap ang diploma ako, gusto kong Makita at sabay kami ni Eris na magsasaya. Gusto kong maranasan magtrabaho bilang isang professional architect. At ang isa pang dahilan ay, gusto ko Makita si Dylan kapag ito naman ang nag graduate. Kahit nasa malayo ako, panonoodin ko siya.


I sighed. I knoe Im being unfair kay Paoli. I gave him a chance pero hindi ko naman kasi maiwasang hindi isipin si Dylan. Im trying to move on pero hindi ganoon kadali iyon. Move on. Natawa naman ako sa sarili ko dahil sa move on. Hindi nga pala nagging kami. Assuming na naman ako. Feeling girlfriend na iniwan ng boyfriend. Brokenhearted at ngayon trying to move on.

Kumusta na kaya si Dylan? Masaya na siguro sila ni Trish.

Si mom at dad kaya? Naaalala pa kaya nila ako? Iniisip kaya nila ako? Nasa malalim akong pag iisip ng biglang bumukas ang pinto.


"Congrats sa- Oh sorry miss mali palang room napasok ko." Sabi nung babaeng biglang pumasok.

Hundred TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon