Chapter 10

15.1K 276 10
                                    

Alexa's pov

Mabilis akong tumakbo pag kiss k okay Dylan. Alam ko naman kasing magagalit siya sa akin. Napapangiti ako kapag naiisip kong naisahan ko na naman siya.

Pagdating ko sa studio, nagsisimula na sila. Naka grupo na at kinakanta yung part nila. Our play is musical.

Reflection ang title ng play.

"Lexi mabuti dumating ka na, nakapili na ako ng mga lead characters." Sandy

"Sino sino?"

"Ikaw, si Peter at Gab ang main character. The rest na babanggitin ko ay supporting lang." at sinabi niya isa isa ang magiging role naming at ng iba. I looked at Gab. I saw her sa may piano nakaupo na at mukhang excited? Maya maya pa narinig na naming siyang tumugtog.

"Nice." Kumento ko. "So kumakanta din ba siya?"

"Yes! Grabe, narinig ko siya kumanta kanina ang galing talag. Come here."Lumapit kami kay Gab.

"Lexi! Look, ang ganda ng piano nyo dito." Gab

"Tumutogtog ka pala?" tumango ito "Really? Can you sing?"

"A little. You want me to play?"

"Sure..." naupo ako sa tabi nya at pinanood siya. Then she start...she's playing 'someday' by nina. Kumanta na din siya but in a lower tone. Ang galing. Ramdam mo yung feeling. Without any word napapasabay na ako pag kanta at sumabay sa pag tipa sa keys ng piano. Dalawa na kami nagpapiano.

"Dylan..." I thought. Bigla ko naisip si Dylan.

Nakakadala si Gab. After namin tumugtog nagpalakpakan ang mga kasama namin. Pati si Sandy.

"Wow! Great combo! Magiging maganda ang play natin ngayon!"

"hahaha Sandy talaga." Tumatawang sabi ni Gab. This girl....may kakaiba sa kanya.

Nag break muna pagkatapos ng ilang oras naming magpractice. Kaming dalawa ni Gab ang naiwan sa loob ng studio. Magkatapat lang kami ng upuan.

"Are you staying here for good?" I asked.

"Yup. Ang laking panahon na ang nasayang sa akin. Tama na yun." Takang napatingin naman ako sa kanya.

"What do you mean?" Umiling ito at mapait na ngumiti.

"Gusto ko lang ma enjoy ang buhay ko. Dalawang taon na akong nawala dito sa Pilipinas. Dalawang taon akong nalayo sa pamilya ko at sa bestfriend ko. Tama nay un." Sabi nito at muling umininom ng Zest-O niya.

"What do you mean na 'sayang'? Hindi kita maintindihan, Gab."

"Life is too short, Lexi. Hindi mo masasabi kung hanggang kailan ka mabubuhay. Kaya dapat, bawat araw pinahahalagahan. Just enjoy the life." Pagkarinig sa sinabi nito ay siya naming pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Life is too short..." ulit ko at nakatitig lag sa kanya. Tumango ito.

"Maraming pwedeng mangyari, Lexi. Hindi natin alam kung sa pagtulog ba natin ay magigising pa ba tayo."

Pakiramdam ko sa bawat salitang binibitawan ni Gab ay may pinanggagalingan. Ramdam mo kasi ang lungkot.

"Tell me, Gab...are you...are you sick?" Hindi ko na napigilang tanong. She just looked at me and smile. Ilang minute na ang lumilipas ay hindi pa din ito nagsasalita. "A-ah pwede mo namang huwag sagutin if you-"

"Yes." Kunot noong tumingin ako dito. Pilit kong inaalala kung tama ba ang narinig ko.

"Yes?" she nodded.

Hundred TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon