Chapter 1

39.5K 589 10
                                    

A/N: try lang ^_^ hahahaha kung may babasa go, kung wala delete ko na.

sorry sa grammar at spelling ^_^ sana may bumasa

Ito na...

--------

If you wanted to be a part of his life, then make an effort to be in it.

Yes! Yan ang ginagawa ko! Oh! Mali. Ginagawa ba o shall I say ginawa?

Ewan ko, hindi ko na alam kung alin ba ang tamang words na gamitin. Basta ang alam ko, mula pagkabata hanggang ngayon siya pa din ang mahal ko.

Sobra sobrang effort na nga. To the point na nagmumukha akong tanga. Sunod ng sunod kung saan siya pupunta. Pabalik balik kahit pinagtatabuyan na. Mahal ko e. Anong magagawa ko e mahal ko talaga? Tanga ko 'no? Pero may hangganan pala lahat. I don't know kung na reach ko na ba yung hangganan na yun. Di ko alam.

Pain. Sobra. Words can't express the real meaning of this pain. Basta. Nararamdaman ko lang.

Nakakapagod din pala ang maghintay kasi wala namang nangyari. Ang mamalimos ng pagmamahal.
Bakit? Madaming dahilan. May magulang ako pero nasaan? Wala. They left me alone. Wala silang pakialam sa akin. They support me financially, yun lang. Never silang nag-alala sa akin. Ni tumawag o kahit text wala. Mom and Dad hate me. At masakit sa akin yun.

I sighed. Sumasakit na naman ang dibdib ko. Pakiramdam ko malapit ako sa pagkakaroon ng sakit sa puso sa dami ng problema ko at sa bigat ng nararamdaman ko. Gustong kong umiiyak ako pero wala naman tumulong luha. Parang sasabog na ako.

Alexa Mendez. That's my name. Lexi tawag nila sakin. Im 19 years old. Hindi ako mataba at hindi din ako payat. Tama lang. Maputi ako or shall I say maputa? I have pointed nose and magandang mata. Sabi ni lola at friends ni mama maganda daw ako.

Architecture ang course ko. Almost 3 months na ako dito sa Batangas. Im taking my internship here.

A brat. Which is hindi ko alam na ganan ako. Yan ang laging sinasabi sa akin ng mahal ko. Kaya yata wala akong kaibigan maliban sa bestfriend ko, si Eris. Bata pa lang kami mag bestfriend. Nag iisa yan sa buhay ko. Siya na lang ang natitira sa akin.

"Ma'am Alexa ito na po ang dinner nyo. Kumain na po kayo" tawag sa akin ng katulong na kasama ko sa Villa. Sinulyapan ko ang relo ko. 7:36 pm

"Thanks Inday. Come here sabay ka na." Alok ko naman dito.

"Ay wag na po ma'am!" Nahihiyang tanggi nito.

"Huwag ka nang mahiya. Join me here kahit ngayon lang. Please?"

"S-sige na nga po."

"Upo ka na din."

Si Inday ang maid ko at palaging kasama ko dito sa Batangas simula ng dumating ako dito . Kaso uwian siya. Pero malapit lang ang bahay nya dito sa villa. Twice a week siya maglinis. Wala naman kasi nagkakalat dito kasi ako lang nakatira.

"Ma'am kung di nyo mamasamain bakit po mag isa lang kayo dito? Ang laki laki po ng villa pero wala kayo kasama. Nasaan po ang magulang nyo?" Natigil ako sa pagsubo ng pagkain sa tanong ni Inday. Mapait akong ngumiti dito.

"Nasa Manila sila. Managing our family business."

"Swerte nyo naman ma'am. Ang yaman nyo pa." Humahangang sabi nito.

"Hindi din Inday."

"Po? Swerte po talaga kayo. Kasi hindi nyo kailangang kumayod sa trabaho para kumita. Nakakapag aral."

"Siguro. Pero hindi naman pera ang basehan, Inday. Para sakin ang swerte, yung may pamilya. Yung kasama sa bahay. Yung may pakialam sa isa't isa."

"Sabagay. Eh boyfriend ma'am meron po kayo?"

Napangiti ako sa sinabi nya. Isa sa dahilan kung bakit nakakalimutan ko ang tungkol sa pamilya ko ay ang paghabol at pangungulit sa nag iisang lalaki sa buhay ko. Boyfriend? Ilang taon ko ba lagi sinasabi yun?

boyfriend ko siya!

I'm his girlfriend!

I love you boyfriend ko!

Nakakatawang isipin na sinabi ko yun dati. Mga kalokahan ko na naging dahilan kung bakit siya nagalit.

"Wala Inday." nakangiti kong sabi na kung ngiti nga bang matatawag yun.

"Po?! Sa ganda nyong yan wala?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito.

"Oo wala talaga. Pero sa pangarap ko meron, si... "







"Dylan! Hoy Dylan hintayin mo naman ako!" Malakas na tawag ko kay Dylan at halos madapa na ako sa paghabol sa kanya.

"Ano ba Alexa! Don't shout please! Nakakahiya ka!" Galit na singhal naman nito sa akin.

" 'to naman! Ikaw nga ang malakas ng boses e." Asar ko naman sa kanya. Tumigil ito bigla sa paglalakad kaya naman napasubsob ako sa likod niya at masama akong tiningnan.

"Aray ko naman." Napahawak ako sa ilong ko.

"May kailangan ka ba? Sabihin mo na may klase na ako."

"Aga pa kaya. Tsaka narinig ko wala daw kayo prof ngayon."

"Ba't ba ang tsismosa mo!" Salubong ang kilay na tanong nito.

"Hoy hindi a. Ganyan talaga pagnagmamahal. Alam lahat."
Simpleng sabi ko sa kanya na lalong ikinasalubong ng kilau nito.

"Whatever Alexa." At nagsimula na uli ito maglakad.

"Sandali naman Dylan."

"What!?" Asik uli nito sa akin.

"Ibibigay ko lang tong baon mo." Sabi ko at iniabot dito ang paper bag na may lamang baon.

"Ano ako bata?! Pwede ba Alexa! Tigilan mo nga ako!"

"Oo pwedeng pwede mo na ako maging girlfriend Dylan Cortez! Sinasagot na kita." Nakangiting sabi ko.

"Damn it Alexa! Lower your voice. Pinagtitinginan na tayo!" Napatingin naman ako sa paligid. May mga nakatingin nga sa aming dalawa.

"Oops sorry! Take this, cookies yan. Ako gumawa. Ingat ka ha. Bye."

*sa room

"Pass all your blueprints. And do the project in 1 month. And make sure that maganda ang pagkakagawa nyo."

"Sir one month lang po? Ang laki po nung plano sa blueprints namin e."

"Yes one month. Pipili pa kasi sa mga gagawin nyo then it will display on exibit sa school festival."

"Wow! Lexi, gandahan natin ha para mapili tayo." Sabi ni Eris habang nililigpit ang gamit niya.

"Wala na naman tayong tulog nito." Bulong ko sa kanya.

"I'll check first this blueprints then ibabalik ko agad sa inyo para makapag simula na kayo agad."

Hundred TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon