A Kill to Success

4.2K 161 35
                                    

"Guys, si Kent, remember? Join na s'ya sa group." nakangiting sabi ni Gray sa grupo. 

Masayang lumapit naman ang magkakabandang sina Shanon, gitarista ng banda, Renz, drummer at Jamiee, bokalista. Kaniya-kaniyang tapik ang ginawa nila sa tumatawang si Kent. Classmates sila mula pa no'ng elementary at high school. Ngayong college na lang nabuo ang bandang "The Treasure."

"Grabe tol, saan ka ba naglagi at bigla kang nawala?" Inabutan pa ni Renz ng juice si Kent. Nasa bahay sila ni Gray, nagre-rehearse.

"Sa Cebu na nadestino ang work ni Papa nung third year tayo, pero ngayon, dito na ulit ako sa Maynila kaya nagtransfer agad ako. Engineering din ang course."

Natuwa naman sila at buo na rin ang grupo.


***

Magaling gumawa ng kanta si Gray. Kaya bukod sa pagiging bokalista, sa kan'ya rin nakasalalay ang mga tutugtugin nila. Parang s'ya na rin ang tumatayong manager ng grupo. Si Kent naman, ginawa na rin nilang gitarista. Electric guitar naman ang hawak nito. Pantay-pantay naman ang hatian sa kita.

Tumutugtog sila sa mga bar sa Maynila. At halos nakikilala na rin ang "The Treasure." Nagpapasa sila sa mga recording companies at positive naman ang feedback sa kanila.

Subalit, kasabay ng kanilang nalalapit na pagsikat ay ang pagdating ng mga aksidente.

Napatay si Renz sa loob ng kan'yang apartment. Tadtad ng saksak ang buong mukha at katawan. Halos hindi na nga s'ya makilala sa dami ng hiwa sa mukha. Parang galit na galit ang kung sino mang salarin na gumawa niyon.

Gulat at galit naman ang naramdaman ng barkada. Mag-isa lang sa bahay si Renz kaya walang makapagsabi o kahit saksi man lang sa pangyayari.

"Sino ang gagawa ng kahayupang gan'yan?" umiiyak na sabi ni Jamiee. 

Niyakap at inalo naman s'ya nang nagtatagis ang bagang na si Gray. Tahimik namang hindi kumikibo sina Kent at Shanon. Nakatingin lang sila sa kabaong ni Renz, nag iisip at nagluluska.

Nang pasakay na sila sa kotse ni Gray, biglang sinuntok ni Shanon ang nagulat na si Kent. Mabilis na inawat ni Gray si Shanon na susugurin ulit sana si Kent.

"Gago ka! Ikaw ang huling kasama ni Renz ng gabing napatay s'ya! Ikaw ang pumatay sa kan'ya!" Nanginginig sa galit na saad ni Shanon.

Pinunasan pa ni Kent ang dugo sa labi bago hinarap si Shanon.

"Gago ka rin! Bakit ko gagawin 'yon? Magkasama nga kami, pero umuwi na rin ako kaagad, dahil walang kasama si mama sa bahay." Galit ring sabi ni Kent.

"May dahilan ka, Kent. Kay Renz nagkagusto ang babaing gustung-gusto mo no'ng high school tayo. Isang taon mo nga s'yang hindi kinibo dahil doon!" Susugurin na naman sana ni Shanon si Kent buti at napigilan kaagad ni Gray.

A Kill To Success (PNY 10)Where stories live. Discover now